ALYSON'S POV
Nakalipas ang ilang araw after nung insidente sa challenge ni Joao. Ilang araw na din akong namumula pag naaalala ko yun. Pano ba namang hindi mo maalala kung may kaibigan kay IA at AI.
Nasa labas ako ng ABS ngayon kasi magkikita kami ni Catherine, si Alex Gonzaga na kilala ng lahat. Best friend ko siya since college, nakikipag kita siya sakin sa Starbucks diyan sa Eastwood. Since break time naman, so okay lang.
Tagal na din naman naming hindi nagkikita, busy-busy kase si Cathy. Ako din kakauwi ko lang from Macau. Sa katamaran ko mag drive, lumabas ako ng gate at mag aabang na ng masasakyan, taxi, jeep o bus man. Malapit-lapit lang din naman.
Habang nasa waiting shed ako may lumapit sakin na limang babae, mga ka-age ko din. Di ko dapat sila papansinin kaso tinawag ako.
"Miss Aly!" Tawag nung nasa gitna. Lumingon ako at nginitian sila.
"Hi, guys! Anong maitutulong ko sainyo?" Magalang na tanong ko sakanila.
"Wala naman ate Aly. Napanuod ka kase namin sa online live show ng PBS. Ang ganda niyo po!" Pag puri sakin nung isa. Natuwa naman ako.
"Ay grabe sila. Salamat! Nahatak lang ako nila AI eh." Sabi ko at medyo nahiya.
"Pero alam niyo po, bagay po kayo ni Joao. Iba yung chemistry niyong dalawa!" Kinikilig na sabi nung isa.
Halaaaa, feeling artista naman ako dito.
"Hala kayo, hindi ako artista, writer at producer ako." Sabi ko sakanila.
"Sa ganda mong yan, bat hindi ka po nag artista?" Tanong nila.
"Nakita niyo naman diba? Mahiyain kase ako eh. Saka di ko trip um-acting, okay na ko mag sulat saka mag produce." Sabi ko sakanila.
May sasabihin pa sana sila nang may tumawag sa cellphone ko.
"Excuse lang guys ah," sabi ko at lumayo.
"Hoy inday, asan ka na?!" Bungad agad ni Catherine pagkasagot ko.
"Pasakay palang ng bus. Uso mag hintay diba?" Pataray kong sagot.
"Kasama ko si Charity. Tapos may isa pang kasama si Cha. Secret muna kung sino siya." Sabi niya sakin.
"Secret pala ah, oh sige sabihin mo dyan sa secret mong kasama i-libre ako." Pangaasar ko. Mahilig kase talaga akong mag palibre sa mga kaibigan ko, pero ewan ko kung anong trip ko ngayon.
"Psh, kuripot! Bilisan mo na!" At binabaan niya na ko.
Si Charity, isa ding bestfriend ko at ni Catherine. Siya naman yung writer ng it's showtime saka magandang buhay. So bihira mag tugma ang landas namin.
Hinarap ko ulit yung limang babae, "Guys, una na ko ha? Hinahanap na kase ako nung kikitain ko. Ingat kayo, salamat sa time!" Nakangiting sabi ko sakanila.
Ngumiti lang sila at umalis na. Sakto naman na may dumating na bus kaya sumakay na ko.
Mga ilang minuto lang at nakarating na ko sa Eastwood. By the way, naka-shorts, black shirt at vans lang ako. Nakalugay din yung buhok ko, at hindi ako naka-contacts today dahil, tinatamad ako. Hehe!
Pumunta ako sa nearest Starbucks at base sa tinext ni Catherine, dito yun. Pumasok ako at hinanap sila, nakita ko sila ni Charity na may kasamang.. lalaki..??
"Ayan na si Miss Kuripot!" Malakas na sabi ni Catherine. Abnormal talaga tong batang 'to.
"Siraulo, Hi cha!" Sabi ko at uupo na sana ako kaso, biglang humarap yung lalaking "secret"
YOU ARE READING
We're Different (Slow Update)
FanfictionIsang writer slash producer at isang aspiring artist, pinagtagpo ng isang TV competition.. Pero pano pag natapos na ang kompetisyon? Magtutuloy-tuloy ba ang pag-ibig na nasimulan? O isa lang sila sa mga nabiktima ng "Pinagtagpo pero hindi itinadhana...
