Chapter 15: snapchat gone wrong

403 17 17
                                        

A/N: guys, you know the drill naman na diba? Comment, vote nad read as always. Hindi na ko masyadong dadada sa Author's note para lalo niyong maenjoy. Love you! Congrats sa 1.4K reads natin!!

********

A month later..

ALYSON'S POV

{Wednesday, 3:30pm}

It's been a month since nanalo ang boys. After that, they've been busy as hell! Madalang na nga lang din kami mag kita ni Joao or even mag usap. Napag kasunduan nalang namin na pag gabi, mag vi-video call lang kami saglit saka kami matutulog pareho.

Oo nga pala, I spent the holidays in Macau. Kila Joao, inimbitahan ako nila Tita. Who am I to decline naman diba? Saka ngayon nalang din ako nag celebrate ng Christmas ng may kasama. Hindi din kase ako makauwi sa Korea dahil hindi ko kaya ang lamig don. My parents finally met Joao's family. Through video call lang din, nung disperas ng pasko. Lahat ata ng kahihiyan ko binulgar nila mama at papa. Nauna akong umuwi dito sa Pinas dahil mahirap na.

Anyway, back to the current situation. May work ang lola niyo hanggang 4pm. At simula kaninang umaga, hindi pa kami nagkakausap ni Joao. Nasa mall show, may gig. Mamaya pa siguro uuwi yun.

Nag taka lang ako dahil nag text pa si Russell sakin kanina, tapos yung isa walang paramdam, ano na kaya nangyari don?

Bakit kaya hindi ko i-text diba? Kaso kase baka nasa gig pa, nauurat na ko dito. Wala naman na ko masyadong gagawin dahil patapos na shift ko, pinaglalaruan ko lang yung kutsara na nakababad sa tasa ng kape ko.

"I-nguso mo pa, lalag-lag na yang nguso mo dyan sa baso mo," sabi ni Charity na dumaan sa harap ng table ko.

Nag buntong hininga lang ako, "Busy ang boyfriend kaya tampururut ang girlfriend," pang aasar niya pa.

"Tan-tanan mo ko, Charity." sagot ko at patuloy paring pinag lalaruan yung kutsara.

"Bakit hindi ka pa kase umuwi? Wala ka naman ng gagawin?" Gatungera din tong batang to eh.

"Ito na uuwi na. Mabulunan ka sana sa katakawan mo,"tumayo at kinuha yung bag ko. Hindi kami mag kaaway ni Charity ah? Ganyan lang kami mag asaran, pero gusto ko na din talagang umuwi dahil urat na urat na ko.

Ano nanamang gagawin ko dito sa bahay? Manuod nalang nga. Wala naman akong choice kundi yun at yun parin. Kinuha ko yung cellphone ko para makita na may nag streak sakin sa Snapchat. Oo, natuto na kong mag Snapchat dahil kay Hannah at Joao, mga maimpluwensya. Matutuwa na sana ako dahil si Joao yung nag streak sakin kaso pag open ko, para akong pinag sakluban ng langit at lupa.

Wait lang, tama ba ang nababasa ko? Tama ba talaga ito? Kailan pa naging Chie ang pangalan ko? Wala akong pake kung ang immature ko na pero agad na kong nag reply

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Wait lang, tama ba ang nababasa ko? Tama ba talaga ito? Kailan pa naging Chie ang pangalan ko? Wala akong pake kung ang immature ko na pero agad na kong nag reply.

We're Different (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon