Chapter 1

15 1 0
                                    

Yuna's POV

"Yuna! Umalis ka nga dito, gingugulo mo kami e!" pagalit na sabi ng batang si Ash.

" Ayoko nga, gusto ko ding maglaro e. Bakit ba ayaw niyo kong isali?." Yuna

" Ayaw ka naming kalaro, dun ka nga. Halika na Faye dun na lang tayo maglaro sa kwarto ko." Ash

Umalis na sila at iniwan ako. Palagi na lang niya akong tinataboy. Bakit ba ayaw na ayaw niya sakin? Dahil ba anak lang ako ng katulong nila? Dahil hindi kami kasing yaman niya?

Simula bata ako, dito na ako nakatira sa bahay nina Ash. Sabay kaming lumaki ni Ash at parehas lang din kami ng school na pinapasukan, mga magulang niya ang nagpa-aral sakin. Napamahal na kasi ako sa kanila kasi para na din daw nila akong anak.

------
Oras na ng pag-kain, inutusan ako ni Nanay na tawagin si Ash kaya pinuntahan ko siya sa taas.

Pagtapat ko sa kwarto niya kumatok ako.

" Ash! Ash! "

"Bakit na naman ba?" pagalit niyang tanong.

"Kakain na daw, bumaba ka na."

"Mamaya na ako, sige na umalis ka na."

"Pero gusto ng Mommy mo sabay sabay kayo."

" Mamaya na nga sabi e. Ano bang hindi mo maintindihan sa sinabi ko?. Kaya ayaw na ayaw ko sayo e napaka-kulit mo. I hate you! I hate you! I hate you!" sigaw niya sakin.

Kaya umalis na nga ako dun. Bumalik na ako sa bahay namin dun sa likod ng mansyon nina Ash. Nagmukmok ako sa kama namin at saka umiyak ng umiyak. You hate me but I love you.

-------
Vote, comment and share guys. Thanks😘😘

I Hate You! I Love You!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora