Chapter 2

7 1 0
                                    

Yuna's POV

6 years after..

"Oy Yuna, may sasabihin ako sayo!" sabi ni Ash.

Oo, close na kami sa wakas. Nung lumaki kami hindi na niya ako inaaway at naging mag best friend din kami.

Sa mga taong nagdaan lalo lang lumalim yung nararamdaman ko kay Ash at sa tingin ko sobrang mahal ko na siya. Siya yung laging nandiyan para sakin. Siya yung tagapag-tanggol ko pag may umaaway sa akin. Gusto ko na ngang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko ngayong birthday ko kasi sa tingin ko naman parehas lang kami ng nararamdaman.

Ano kayang sasabihin niya? Sasabihin na ba niya yung nararamdaman niya sakin?

"Hoy Yuna!"

Nagulat ako at agad na sumagot.

"Oh ano?"

"Ano ba yan kanina pa akong umiimik dito e. "

"E? pasensya na, ano ba yung sinasabi mo?"

"Sabi ko, kami na ni Faye." sabi niya na sobrang saya.

Parang gumuho yung mundo ko sa narinig ko. Akala ko parehas lang kami ng tinitibok ng puso. Akala ko ako yung gusto niya. Akala ko natutunan na din niya akong mahalin. Akala lang pala ang lahat.

Sino nga ba naman ako para magustuhan niya? Isa lamang naman akong hamak na hampaslupa.

Gusto kong umiyak pero ayaw ko yung ipakita sa kanya.

"Huy! Tulala ka na naman. Hindi ka ba masaya para sakin?"

"S-syempre masaya ako. Sige una na ako ha may ipinapagawa pa sa akin si Nanay e. Congrats! " sabi ko.

" Salamat. Happy Birthday pala, o regalo ko."

Kinuha ko yun at agad na tumakbo pabalik ng bahay. Pagpasok ko sa kwarto dun ko ibinuhos lahat ng luha at pagdadalammhati ko.

Akala ko okay na, yun pa naman ang wish ko sa birthday ko kaso mukhang imposible na e. Happy Birthday to me! Happy ba talaga? Alam ko namang hindi e. Sino ba namang sasaya kapag nalaman mong yung mahal mo e may mahal ng iba? What worst is sila na!
Ang tanga ko naman kasi, umasa ako na mamahalin din niya ako. Sino ba naman kasing may sabi sayong umasa diba? O sige ako na, ako na nga ang tanga.

Pinunasan ko yung luha ko at saka binuksan yung regalo niya sakin. Isa yung silver necklace na may pendant na heart. Ang ganda! Maa-appreciate ko sana to kung hindi lang ako malungkot e. Atleast naalala niya ang birthday ko. Ayos na yun. Sa ngayon iiwasan ko na lang siya para hindi ako masaktan sa tuwing makikita ko sila.

--------
Vote, comment and share guys. Thanks😘😘

I Hate You! I Love You!Where stories live. Discover now