Ending

9 1 0
                                    

Yuna's POV

Ilang linggo na din ako dito sa probinsya. Maayos naman ang buhay at nakapag-usap na din kami ni Nanay. Kinamusta niya ako pero sinabi ko sa kanya na ayos lang ako dito.

Ilang linggo na ang lumipas pero siya pa din ang laman ng puso ko. Hindi naman agad agad yung mawawala diba? Mula bata kami siya lang yung minahal ko kaya mahirap para sakin ang kalimutan siya.

Kamusta na kaya siya? Masaya na ba sila ni Faye ngayon? Hayst! ano ba naman Yuna yang mga iniisip mo, sinasaktan mo lang sarili mo e .

Hindi naman ako nagalit sa kanya e kasi alam ko namang mahal niya lang si Faye kaya nya yun ginawa.

Habang nagtitiklop ako ng damit pumasok si Tita sa kwarto.

" Yuna may naghahanap sayo sa labas."

"Sino po?"

" Hindi ko kilala e pero gwapo. Puntahan mo na."

Gwapo? Baka si..  tsk. tigilan mo na yan Yuna nangangarap ka naman e. Kaya lumabas na lang ako para tingnan kung sino nga yun.

Paglabas ko,nagulat ako! Matagal na kaming hindi nagkikita pero alam na alam kong siya to. Bakit to nandito?

"H-hi" nahihiya niyang bati.

" Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.

" Bakit? Hindi mo ba ako na-miss?" nakakaloko niyang tanong.

Bigla akong namula sa sinabi niya.

"Umuwi ka na hinahanap ka na ni Faye. " sagot ko at tinalikuran siya.

" Wala na kami ni Faye."

Natigilan ako sa sinabi niya. Bakit naman sila maghihiwalay? Muli akong humarap sa kanya.

" Alam ko na ang totoo Yuna. May nagsabi sakin ng totoong nangyari. Yuna patawarin mo ako. Patawad sa lahat ng mga nasabi kong masasakit na salita. Patawad Yuna. Alam kong kulang pa to sa lahat ng mga masasamang ginawa ko sayo pero sana mapatawad mo ako." lumuhod pa siya sa harap ko.

"Huy, ano ba tumayo ka nga diyan. Oo, masakit lahat ng mga sinabi at ginawa mo pero matagal na kitang napatawad. Sanay na naman akong lagi kang ganyan e. So, best friends na uli tayo?"

Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Niyakap niya ako sa sobrang saya. Nabigla man e nagawa ko naman siyang yakapin pabalik.

"Sige na umuwi ka na, hinahanap ka na sa inyo" sabi ko at kumalas sa yakap. Aalis na sana ako kaso..

" I hate you!"

Ano? Yun na naman? akala ko ayos na kami?

"Anong sabi mo?"

"Ang sabi ko, I hate you!" inulit niya iyon pero sa pagkakataong ito nakangiti siya.

"I hate you for leaving me, I hate you kung iiwan mo uli ako and I hate you kung hindi mo uli ito tatanggapin." sabay pakita nung silver necklace.

"Yuna alam kong sobrang naging gago ko sayo noon.Palagi kitang tinataboy at sinasabihan ng I hate you pero this time hear the beat of my heart." sabi niya at nilagay niya ang kamay ko sa dibdib niya. Ang lakas ng tibok ng puso niya.

" Alam mo ba kung anong sinasabi ng puso ko?"

"A-ano?"

"Sabi niya I love you!"

" I love you Yuna and I will fuckin' hate myself kung papakawalan pa kita. Ayaw ko ng maging best friend mo. "

Naguguluhan na ako sa mga sinasabi niya. Ano bang nangyayari? Nanaginip ba ako?

"Yuna, do you want to be my girlfriend?" tanong niya.

Walang pagsidlan ang tuwa ko sa mga narinig ko mula sa kanya. Hindi ko inaasahan na mangyayari pala talaga ito.

"I hate you! "

Nagulat siya sa sinabi ko at biglang lumungkot yung mukha niya.

"I hate you kasi ngayon mo lang tinanong sa akin yan and I love you kaya oo, I want you to be my boyfriend. "
Mabilis na nagbago ang expression niya at hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Agad niyang isinuot ang kwintas sa leeg ko. Binuhat niya ako at nagpa-ikot ikot kami. Pagkatapos ibinaba niya ako at masuyo akong hinalikan.

Sobrang saya ko ngayon. Hindi ko akalain na ang isang langit na katulad niya ay maaabot ng lupang gaya ko. Ang noong pangarap ko lamang ay naririto ngayon sa tabi ko at totoong totoo.

Kapag nagmahal ka hindi mo maiiwasan ang masaktan dahil parte yan ng pag-ibig. At ang tunay na pagmamahal ay mararanasan mo lamang sa tamang tao at sa tamang pagkakataon. Hindi man naging maganda ang simula namin ang mahalaga magkasama kami ngayon at dinadama ang tibok ng puso naming para lamang sa isa't isa.

-The End-

--------
Yes! Natapos na.

Vote, comment and share guys. Thanks😘😘
Support niyo din po ang isa kong story na 'In-accept na Ako ni Crush!' Thank you Thank you

I Hate You! I Love You!Where stories live. Discover now