- Chapter 1: Coffee? -

320 4 0
                                    

A/N:

Sa mga malilito sa dialogues, kapag bold ang words, it means point of view siya. Kapag italic, it means thoughts or mga sinasabi sa isipan haha. Yun lang. Enjoy!

------------------------------------------------------------------

Mika's POV

Hi! I'm Mika Aereen M. Reyes. 27 years old from Bulacan. I graduated from De La Salle University with the course BS Psychology. Maganda ang napag-aralan ko sa course ko pero nag-start na din ako ng sarili kong business, just in case hindi ako makapagtrabaho bilang Clinical Psych. At ito, andito na nga ako ngayon sa Bonifacio High Street sa Taguig para i-check ang aking business, isang bookstore. Ito ang napili kong business kasi bukod sa hilig ko sa mga libro at pagbabasa, naisip ko din na baka makatulong ako para mahiligan din ng ibang kabataan ang pagbabasa. Karamihan kasi ngayon, nakaharap nalang lagi sa gadgets. Sinigurado ko ding lahat ng librong meron dito ay papatok sa marami, para syempre di rin ako malugi hahaha





**Sa Green Arrows Bookstore**


Gela: Good Morning Ms. Mika! Napadaan po kayo? Gusto niyo po ba magpabili ako ng coffee para sainyo?

Mika: Good Morning Gela! Magchecheck lang sana ako kung kamusta na kayo dito. Ngayon lang din kasi ako nagka-oras para pumunta dito. At wag ka na din magpabili, okay na ako. *smiles*

Siya si Gela. Siya ang manager dito sa bookstore ko. Matagal na rin siya dito kasi nung itayo ito, nagsimula na rin siya dito. Mabait at mapagkakatiwalaan kaya parang kapatid ko na rin siya.

Chineck ko lang ang mga inventory at ang income this past month. Okay pa naman. Madami kasi kaming nilabas na patok na libro ngayong buwan.Pagtapos kong magcheck ay nagpaalam na ako kay Gela at sinabing siya na ang bahala dito. Umalis na ako at ngayon ay pupunta ako sa favorite kong coffee shop dito sa Makati para makapag-isip ng mga kailangan gawin.


**Habang papunta sa coffee shop**

Mika: Ano kayang pwedeng gawin buong araw? Parang nakakasawa na din pumunta ng mall. Ayoko naman mag-stay sa coffee shop ng matagal, nakakahiya. Hmm, umuwi kaya muna akong Bulacan? Oo pwede din para mabisita ko na sila Mama at sila Miko.

11:30 pa lang naman. Sakto lang at pwede pa ko makapag-isip sa coffee shop tapos aalis nalang ako ng 1PM dun.Matawagan nga muna si mama.....

.

.

.

Calling: Mama Bhaby <3...

"Hello Mika anak? Ba't napatawag ka?"

"Hi Mama. Tumawag po kasi ako para magsabi na uuwi ako mamaya. Matagal na rin naman po ako hindi nakakauwi. Namimiss ko na din po kayo nila Miko"

"*laughs* Hay nako, ang anak ko nanlambing na naman haha, oh sige. Loner ka na ata diyan eh haha"

"Ma naman *laughs* Ang bagets naman ng term haha. Yie si mama nagpapabata haha joke."

"Ikaw talaga, di naman hahaha nakikisabay lang sa mga anak ko. Hay, Mika. Bakit kasi di ka pa maghanap ng boyfriend para naman alam kong may mag-aalaga sa'yo dyan?"

"Ma, di naman po kailangan eh. Kaya ko po sarili ko at kung naghahanap po ako ng mag-aalaga sa akin, edi yaya nalang po kinuha ko *laughs*"

"Ikaw talagang bata ka. Oh sige na mag-ingat ka dyan. See you later anak. Love you, Bye!"

"Bye Ma, Love you too!"

......

Oo, tama narinig niyo. Single pa din ang magandang nilalang na 'to, chos haha. Pero totoo, wala pa naman kasi akong nagugustuhan kasi 'di naman yun ang priority ko ngayon.

Remember That NightWhere stories live. Discover now