- Chapter 3: Badlucks? -

157 0 0
                                    

Jeron's POV

Nandito ako sa coffee shop ko ngayon at tumutulong na lang din since lahat ng staff may kanya-kanyang ginagawa. Maaga pa naman at hindi pa ganun karami ang mga tao. Pumunta ako sa table ng isang babae na nakaharap sa labas para i-serve ang order niya. Wow nakatalikod pa lang, ang ganda na. What more pag humarap n--. Tss Jeron. Ayan ka na naman.

Tinapik ko siya sa shoulder at agad naman siyang napaharap. Maganda nga talaga. Maputi, makinis, rosy cheeks, at mukhang matangkad rin. Ang pula pa ng mga labi. Napansin ko naman na tulala lang siya sa akin. Gwapo ko ba? hehe joke.

Jeron: Ma'am, here's your order po. One Iced Caramel Macchiato and oreo cheesecake. *smiles*

Tulala pa din siya. Kilala ba ako neto at ganyan kung makatitig?

Jeron: Uhm Ma'am, bakit po kayo nakatulala? Okay lang po ba kayo?

Mika: Ah uhm, sorry. *slight smile* May naisip lang kasi ako. Thank you nga pala.

Tinanong ko nalang siya kung pwede pa kami mag-usap kasi nakipagkulitan din naman na ako ng slight at nakapagpakilala na. Mukhang wala naman siyang kasama so sabi nga ng Globe, "Go lang ng go!" Hahaha!

Matagal kaming nag-usap hanggang sa nagpaalam na din siya. Uuwi daw ng Bulacan. Nakwento na din naman kasi niya na taga-doon talaga sila originally at lumipat lang siya dito para mag-aral.

Hinatid ko na siya sa kotse niya at nagpaalam na. Aaminin ko, natuwa ako nung nakasama ko siya. Ay! Sayang di ko nakuha number niya. Sana naman magkita pa kami ulit. Tsk, makapasok na nga lang ulit.

-

-

-

Mika's POV


Mika: ...Vance??

Vance: Hi Mika... *slight smile*

Napako ako sa kinatatayuan ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko pero hindi ko alam kung ANO TO!? BAKIT SIYA ANDITO? Bakit pa siya bumalik pa? Akala ko ba matagal na niya kong iniwan at nagpakasaya sa malayong lugar. Hindi ko naiintindihan. Di ko namalayang may tumulo na palang luha sa mga mata ko. Napatakbo nalang ako palabas ng bahay at hindi na nag-isip kung saan man ako dalhin ng mga paa ko. Iniyak at nilabas ko nalang lahat ng sakit hanggang sa natuyuan na ako ng mga luha.

...

Nandito ako sa park ng subdivision namin kasi dito na rin ako nakarating kakaiyak. Ilang minuto pa at may tumabi sa akin dito sa bench. Lumingon ako at si Ate Lisa pala. Kasambahay namin siya pero parang ate ko na din siya since matagal na siya nagtatrabaho sa amin. Kilala niya si Vance at alam niya ang kwentong mala-fairytale namin, na naputol sa hindi happy ending.

Niyakap ko si Ate Lisa at umiyak na naman habang sinasabi lahat ng hinanakit na lumabas sa mga labi ko. Hindi ko alam kung galit o sawa ang nararamdaman ko pero ang alam ko lang ay sagad na sagad na ako at ayoko na siyang balikan pa. Pagkatapos ay hinagod na lang niya ang likod ko.

Ate Lisa: Alam mo ba, ang aga niyang pumunta rito. May pasalubong pa nga na dala at halos nun, sa'yo daw. Galing ata sa ibang bansa.

Mika: Galing talaga siya sa ibang bansa. At wow ha ang lakas ng loob niyang mamigay ng pasalubong *sniff* Pero paramdam man noon at magbigay ng maayos na explanation, di niya nabigay. Handa naman na sana akong pakinggan siya eh, pero sinayang lang niya yung chance na binigay ko. Bakit ganun, Ate? Ikaw na nga nagbigay ng lahat pero nakaya nilang sayangin lahat. Ang sakit sakit. *umiyak ulit*

Remember That NightWhere stories live. Discover now