- Chapter 7: Want You Back -

219 3 0
                                    


Vance's POV

(A/N: Oh diba ayos may pov din siya sa love story nila. Don't underestimate this character, guys. Swear *evil laugh* HAHAHA ok ang papansin na naman ni author)


***

Andito ako ngayon sa BGC Taguig. Chill lang kasi Saturday naman, kaso yung asungot kong kapatid, si Andy, may pinapahanap na libro. Out of stock kasi lagi sa mga pinupuntahan niya. Habang Wala Pa Sila by JM Severo daw. Kayo readers, alam niyo ba yun?

.

.

.

.

Nasa harap ko ang sobrang daming books at matataas na bookshelves dito. Sabi kasi nung babae na nagtatrabaho dito, babalik daw siya at andito lang daw yung libro. Hinahanap ko ito at patuloy sa paghahalungkat nang...


*BLAG*

"AY!"

*BOGSH*


Teka? Yung boses na 'yun. Kilalang kilala ko iyon at hindi ako pwedeng magkamali. Tadhana talaga oh, naglalaro na naman. Tsss.

Pumunta ako sa kabilang aisle ng bookshelf at nakita ko ang ilang libro na nasa sahig kasama siya. Parang nahulugan siya kanina ng mga libro kaya agad ko naman siyang tinulungan.

...

...

...

Mika's POV

It's Saturdayyy. It's a beautiful morning, at andito ako sa shop ko nag aayos ng mga bagay. Di naman obvious na good mood ako masyado no? Haha magkikita kasi kami ni Jeron sa shop niya mamayang 1pm. Pagtapos ko dito, aalis na din agad ako. Nakakahiya ma-late no!

3 TFIOS - John Green, check.

5 Milk & Honey - Rupi Kaur, check.

4 Habang Wala Pa Sila - JMS, check.

6 Harry Potter Hardbounds, check.

Bigat naman ng Harry Potter na 'to huhu. Okay bilisan mo Mika tapos alis ka na pagkatapos.

*BLAG*

"AY!"

*BOGSH*

So here I am, on the floor, saving my last breath. Chos. Aray ha masakit yun. Hulugan ka ba naman ng anim na hardbound books? Spell okay lang ako, M-A-S-A-K-I-T.

Tatayo na sana ako nang biglang may pumulot ng mga libro at tulungan ako. Teka...

"Mika!" "Vance!?"

Si Vance? Bakit andito siya? Tadhana naman eh, nagmomove on na si Bes Mika mo oh. Makisama ka please?

Vance: Hi. Uhm okay ka lang?

Mika: Ah uhh uhm--oo. Sige ayusin ko na 'to. Napadaan ka pala dito?

Vance: May hinahanap lang akong libro para kay Ands. Ikaw?

"Nag-aayos lang ng inventory. Aalis na din ako pagkatapos." saad ko. Ewan ko bakit pero gusto ko nang umalis. Baka kasi humaba pa usapan namin tapos ma-late pa ko. Tapos si Vance pa ang dahilan. Hay pag sineswerte ka nga naman oh.

Vance: Wait, ikaw may-ari neto?

Tumango nalang ako at inayos na lahat ng libro. Siya naman mukhang gulat na gulat pa din.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 29, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Remember That NightWhere stories live. Discover now