Chapter 1

29K 443 2
                                    

5 years later

Ian pov

"Dada, where's mommy?" tanong sa akin ni Lian habang naglalaro ito ng barbie.

"Nasa langit na siya baby at binabantayan ka niya." nakangiti kong sabi sa aking anak.

"Pero bakit daddy nanaginip ako na bumalik si mommy?" malungkot na tanong nito sakin at ngumuso pa.

"Anak, alam mo naman na malabong mangyari iyon. At kung gusto mo dalawin natin si mommy mo." sabi ko kaya bigla itong ngumiti at hinalikan ako sa pisngi.

"Yehey!! Makakasama ko na naman si Mommy." masaya at excited na sabi nito.

"Hey! Baby bakit ang saya mo naman?"tanong ni Laurine na kararating lang sa anak ko.

"Pupunta po kasi kami tita sa puntod ni mommy diba daddy?" sabi nito kaya tumango ako.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo Lian na Mommy Laurine nalang ang itawag mo sakin." malambing na sabi nito sa aking anak.

"Hindi po pwede dahil isa lang ang mommy ko." sabi nito sabay takbo sa taas.

"Pagpasensyahan mo na si Lian. Alam mo naman na mahal na mahal niya ang mommy niya." paumanhin ko dito.

"Alam ko iyon Ian pero ilang taon na tayong nagsasama pero bakit hindi mo parin ako pinapakasalan?" inis natanong nito sa akin.

"Diba ikaw naman ang may gusto ng set-up natin." sabi ko dito.

Simula ng mawala si Ally siya na ang nag-alaga kay Lian. Siya mismo ang nag-offer na magsama kami para maalagaan si Lian. Nung una umayaw ako pero naisip ko na may punto naman si Laurine kaya tinanggap ko ito. Pero hindi ko inaasahan na dadating sa punto na gusto na niyang magpakasal. Ang tingin ko lang sa kanya ay isang kaibigan at wala ng hihigit pa dun dahil sa Ally lang ang mahal ko. Ngunit naisip ko na bigyan ng buong pamilya si Lian kaya sumubok muli ako.

"Alam ko naman kung bakit ayaw mong magpakasal dahil mahal mo pa si Ally. Wala na siya! Ako na ang nandito simula ng mawala siya. Kaya ako nalang please." sabi nito sa akin.

"Simula't una alam mo na ang sagot ko na mahal ko si Ally at kahit wala na siya hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya at sinusubukan ko naman na mahalin ka at alam ko naman na darating ang araw na mamahalin kita at siguradong pakakasalan na kita."sabi ko dito kaya ngumiti ito at hinalikan ako sa labi.

Sana nga ganun kadaling makalimot, pero mahirap eh! Saka naisip ko rin ito ang paraan para mabigyan ko nang kumpletong pamilya si Lian kaya lahat gagawin ko para sa pinakamamahal kong anak.

Selya pov

"Dok wala po ba talagang kasiguraduhan kung kelan gigising si Rachel?" tanong ko sa doktor. Rachel na ang itinawag ko sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang tunay niyang pangalan.

"Hindi natin masasabi kung kelan pero alam ko malapit na." sabi ng doktor at nagpa-alam na.

"Rachel, anak sana gumising kana." sabi ko at hinawakan ito sa kamay.

Authors Note.

Maikli kada chapter at mabilis ang story kaya wag na pong mag cocomment kung masyadong mabilis at malayo sa katotohan ang story ko. Sinabi ko na sa unang chapter❤️. Salamat

My Gay Friend Turn To My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now