Ninth Set

1.2K 33 2
                                    

"Pagbalik ko liligawan na kita"

"Pagbalik ko liligawan na kita"

"Pagbalik ko liligawan na kita"

Paulit-ulit ang mga katagang iyan sa utak ko habang nakatingin sa berdeng rosas na ibinigay ni Thomas sa akin bago siya umalis.

Handa na ba ako? Handa na ba talaga ako?

"Pagbalik ko liligawan na kita"

Naputol lang ang pag-iisip ko ng biglang nagvibrate ang cellphone ko.

"Wag naman sanang si Thomas"

Luckily, si Mama pala. Nagtext na hindi nila ako masusundo ni Papa pero may nakausap na sila na susundo sa akin.

Inayos ko na lang ang gamit ko at inilagay muna ang rose sa bag ko.

Sakto naman na may kumatok ng matapos ako sa pag-aayos. Agad ko naman itong pinagbuksan.

"Kuya?" takang tanong ko. "Kuya" niyakap ko siya kaagad.

Ngayon na lang ulit kami nagkita. Simula kasi nang malaman niya ang nangyari sa akin ay hindi siya umuuwi sa bahay kapag nandoon ako. Hindi ko rin siya maabutan sa VSG Shop kapag bumibisita ako.

Nalaman ko na lang kay Mama na nagtatampo daw si Kuya Jun sa akin dahil sa nagawa ko.

"Where are your things?" ni hindi manlang niya ako niyakap pabalik bagkos ay pumasok siya sa loob ng condo ni Thomas.

Dumating si Thomas at ang baby sa buhay ko pero siya namang pag-alis ni Kuya Jun.

Kung kilala na ako sa pamilya ni Thomas, sa amin naman, si Kuya na lang ang hindi niya kilala.

"Galit ka pa rin ba sakin?"tanong ko at napatigil siya sa harap ng isang lamesa kung saan nakalagay ang mga awards at ilang larawan ni Thomas.

"Hindi ako galit, sadyang may nagtutulak sa akin para iwasan ka at hindi ko alam kung ano 'yon" isa-isa naman niyang isinukbit sa balikat niya ang mga bags ko.

Naka-formal pala siya, siguro galing sa meeting at trabaho bago niya ako sinundo.

Umalis na kami matapos kong masiguro na maayos naming iiwanan ang condo ni Thomas.

"Kuya--"

"Tumahimik ka na lang diyan" pagputol niya sa akin.

Sakto naman na tumawag si Mika. Sa wakas may makakausap na ako.

"Hello Mika?"

"Arabells, alam ko may kwento ka" sa tono ng pananalita niya, alam kong kinikilig siya.

"Tungkol saan?" Ngayon na nga lang siya tumawag, makikichika lang pala.

"Jeron told me na may ganap daw sa airport and Thomas just posted a photo on his instagram tapos naka-tag ka pa. So anong kwento?"

"Ah yun ba, pwede next time ko na lang ikwento?"

"Arabells wag mo na ako paghintayin. Promise atin-atin lang muna"

"Promise yan Mikang ah"

"Yes Ara, come spill"

"Liligawan na daw ako ni Thomas pagbalik niya"

Agad ko namang inilayo sa tenga ko ang cellphone ko. Bigla ba namang tumili ang bruha.

"Talaga? Oh my Galang, I'm happy for you" halata naman eh, kilig na kilig. "Oh bakit parang di ka happy?"

"Masaya ako kaya lang hindi ba masyadong mabilis?"

"Anong magagawa natin kung nafall kayo agad-agad"

No Reason To HideOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz