Seventeenth Set

728 27 8
                                    

Bumalik muna ako sa Manila pansamantala. Kailangan ko kasing umattend ng training at kausapin na rin sila Mommy.

Pumunta ako sa isang coffee shop at pagbalik ko puro misscalls ang cellphone ko.

At may tumawag ulit.

Unknown number.

Pero sinagot ko pa rin.

"THOMAS!!" Nilayo ko ang telepono sa tenga ko.

"Sino po sila?" Naiinis na sagot ko.

"SI DJUN ITO!! NAWAWALA SI ARA!!"

"WHAT?!" Binaba ko ang telepono at nagmadaling magdrive.

Imposibleng mangyari 'yon.

Tumigil din kaagad ako dahil hindi ko pa alam ang tunay na nangyari.

"Ma! What happened?"

"Ayon nga Thomas, dapat lalabas na si Ara ngayon. Nag-CR lang ako tapos pagbalik ko wala na siya sa hospital bed"

"Baka naman po nasa hospital pa rin siya"

"Naghanap na kami at pinacheck ang CCTV footage. Lumabas siya ng hospital"

Pinaharurot ko ang sasakyan ko.

Nag-aalala ako para kay Ara. She just attempted to kill herself at mabuti nakita ko kaagad pero paano kung ulitin niya ito.

Humingi na rin ako ng tulong sa pamilya at kaibigan ko. Kanya-kanya silang cancel ng training para makatulong.

Naghanap ako pagdating sa Pampanga, kasama ko si Mama Betchay dahil hindi ko saulo ang lugar nila.

Nagtanong tanong at walang nakakita kay Ara.

"May dala po ba siyang pera? Cellphone? Pagkain?"

"Hindi ko alam Thomas. Ano ba ang nangyayari sa atin?" Nag-aalala na talaga si Mama Betchay.

Hapon na at wala pang signs ni Ara.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa kanya.

"Hello Thomas!"

"Oh Carol?"

"Pabalik na kami sa Manila, may nakakita daw kay Ara sa bus station sa Pampanga"

"TALAGA? Sige, babalik na rin kami"

"May nakakita daw po kay Ara sa bus station going to Manila. Doon po natin siya hahanapin" kaagad kaming bumalik sa Manila.

Gabi na bago kami nakarating.

Saan naman namin hahanapin si Ara dito? Masyado itong malaki para paghanapan sa kanya.

Naghiwa-hiwalay kami. Pinuntahan ang paboritong lugar ni Ara.

"Ara nasaan ka na ba?" Kapag minamalas ka nga naman, umulan pa. Panigurado, magtatraffic mamaya.

Habang gumagabi ay mas lalo nag-aalala. Mas mahihirapan kami sa paghahanap sa kanya.

Nakaabot na rin sa social media ang paghahanap namin. Sila Mika ang nag-update sa amin kung may nakakita ba sa kanya.

"Ara..saan ba kita hahanapin?" Napalingon ako sa katabi kong jeep.

Umiiyak yung bata.

Tama.

Maaring doon siya nagpunta.

Mabilis akong nagdrive papunta kay Victoria. Maaring doon nagpunta si Ara.

No Reason To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon