Twentieth Set

775 33 5
                                    

"Girls! Laban tayo! Masasayang lahat ng effort natin kung dito pa tayo matatalo" Pagche-cheer up ni Ate Aby sa amin.

Third game na sa Finals ng PSL. Naging mabilis ang season sa akin dahil pa-semis na ako bumalik sa team at ngayon huling laban na.

1-1 ang series. Isa sa Petron at isa sa amin kaya malaking laban talaga ito sa amin.

Fourth set, lamang ng dalawang set ang Petron.

Bumalik na kami sa court pagkatapos ng technical timeout.

"Ara, hindi ka pwedeng matalo. Laban Ara" bulong ko.

At nagbago ang ikot ng bola. Pumabor ang set sa amin sa tulong ng teamwork namin.

"Last set girls! Atin ito! Atin ito!" Saad ni Coach Ramil.

Huling set para bumawi.

"Kaya mo ito Ara"

Huminga ako ng malalim bago bumalik ng court.

"A point for F2, courtesy of Ara Galang"

"What a dig from Galang!"

"Crosscourt!!! And it's in. Wow, superb performance of Ara Galang"

"Down the line hit for Ara. This is on fire!"

Dahil sa effort ng lahat naipanalo namin ang game.

Kami ang nagchampion.

Si Dawn ang naging Final's MVP. Wala rin kasing bumabagsak na bola sa kanya. Kulang na lang linisin niya ang buong court.

At hindi mawawala ang kabi-kabilang interview.

Nagpasalamat lang ako bago lumapit sa pamilya ko at pamilya ni Thomas.

"Congrats Hija, you played a good game" isa-isa silang yumakap sa akin.

"Thank you po. Para po sa inyo ang game ko"

"Sayang nga lang wala si Kuya dito para mapanood ka" awkward silence ang bumalot sa amin bago kami tumawa.

Simula noong araw na natawagan siya ni Mika at nawalan ako ng load, hindi na namin siya macontact. Though nagbalik na siya sa twitter at instagram pero ni walang bagong post. Hindi niya rin binubuksan ang messages ko sa kanya.

"For sure naman nanood iyon kahit sa TV lang" saad ni Papa.

"Sige po, balik muna ako doon" paalam ko.

Nagpicture-picture kami bago ako hilahin ng isa sa commentator.

"Ara! Congrats sa pagkapanalo, may gusto ka bang sabihin sa mga sumusuporta sa inyo"

"Salamat po. Salamat sa suporta, sa fans ng F2, sa akin, sa buong team. Basta sa lahat ng naniwala sa amin. Maraming salamat po" bati ko at masayang kumaway sa camera.

"Do you want to greet someone Ara? Take the opportunity na kasi last game na ito"

"Hahaha Hi sa family ko, family ni Thomas, sa fans, ThomAra shippers, family ng team ko. And sa baby ko sa heaven, love kita baby, nagchampion si Mommy" at binalik ko ang mic sa kanya.

"Iyon lang ba talaga Ara? Wala ka na ba talagang nakalimutan?" Nang-aasar na sabi niya.

"Ay kay Ano pala, kay Ano. Ingat ka palagi tapos pakita ka na. Miss ka na namin pero mas miss kita hahaha. Sana napanood mo ang game ko, parte ka nitong championship ko. Balik ka na please" saad ko bago bumalik sa team ko.

No Reason To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon