Chapter 27

3.9K 73 5
                                    

I want to dedicate this chapter to michazaz for reading, voting and commenting in my story. Lovelots 😘

MIO ZAYN POV

Binuhat at dinala ko kaagad si Althea sa clinic.

"Bat ba napakasakitin mo althea?" Sabi ko habang naglalakad papuntang clinic.

Binaba ko siya kaagad para macheck ang temperature niya.

Hindi ako umalis sa tabi niya habang chinicheck siya ng nurse.

"Binigyan ko na siya ng gamot kailangan niya na lang magpahinga pwede mo na siyang iuwi pagkagising niya" sabi ng nurse at saka umalis.

Hinawakan ko ang kamay ni althea at hanggang ngayon ay mainit pa rin siya.

Dumating din si Mica para malaman ang kalagayan ni Althea.

"Nagpaulan nanaman ba siya?" Tanong ni Mica habang nakatingin pa rin kay althea.

"Oo eh. " Sabi ko habang nakatingin din kay althea.

Unti unting minumulat ni althea ang kanyang mata at inalalayan naman siya ni Mica para makaupo.

Dinala ko na siya kaagad sa bahay nila para makapagpahinga na siya.

Pinasama ko si Mica para may magaalalay kay althea.

Ng makarating kami sa bahay nila ay binuhat ko si althea at binababa sa kwarto niya.

"Pagaling ka na ha" ang sabi ko habang kinumutan siya.

Hindi ko na siya ginising at umalis na ako.

ALTHEA ZARA POV

Dalawang araw din pala akong hindi nakapasok dahil sa lagnat ko.

At

Binilinan ako ni mommy na wag na wag daw magpapaulan dahil nagkakasakit ako.

Kaya ito bago ako pumasok ay chinicheck ni mom kung may dala akong payong.

Nagpaalam na ako kay mommy para pumasok baka kasi ma late pa ako.

Nasa gate pa lang ako ng lapitan ako agad ako ni Mio.

Huminto ako at nginitian ko siya ng makalapit siya sa akin.

Hinawakan niya naman ang mukha ko kung mainit pa.

"Magaling na ako" ang sabi ko kasabay ng pag alis ng kamay niya sa mukha ko.

Ngumiti lang siya sa sinabi ko at ngumiti din ako sa kanya.

"Mabuti naman at magaling ka na Althea" napatingin kaming dalawa ni Mio sa nagsalita.

Si Andrew pala.

Lumapit siya sa amin ni Mio.

"Wag ka na magpapaulan ulit ha" sabi ni andrew.

"Oo naman hindi na talaga" ang sabi ko naman.

Naglakad na kaming tatlo papunta sa kanya kanya naming room.

Magkita kita nalang daw kami mamaya sa canteen.

Tinapos naman kaagad ni Sir ang discussion dahil hindi daw maganda ang pakiramdam niya.

Kaya pumunta namin kami kaagad sa canteen kasama sila Mica.

Be My ManUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum