Chapter 29

3.6K 51 1
                                    

Althea Zara POV

Palagi na akong sinusundo ni Mio sa bahay at palagi niya na rin akong hinahatid.

Nalaman nila daddy yun at lagi na nila kaming inaasar. Ano na daw bang meron sa aming dalawa. Sabi ko naman na magkaibigan lang kami yun naman ang totoo eh.

At si Andrew naman ay nagtatampo na dahil hindi ko na daw siya sinasabayan umuwi sinasabi ko nalang na babawi ako sa kanya. Pero kahit wag na daw dahil magdadala nalang din daw siya ng sasakyan niya.

Malapit na rin matapos ang 2nd semester at excited na kaming mag 2nd year college! Kaya ito busy kami kakareview para sa finals namin.

"Paabot naman ng highlighter kervin" sabi ni Mica na todo review.

"Catch Mica!" Binato naman ni kervin yung highlighter at na catch naman ni Mica.

Ang sisipag namin mag review diba. At punong puno rin ang library ngayon. Daming students ang nag rereview.

"Teka asan na si andrew diba sabi niya susunod siya?" Huminto si Mica sa pagbabasa at nagtanong siya sa akin.

"Ayan oh naglalakad na siya" sabi ko at tinuro siya.

Pagdating naman ni Andrew ay umupo siya sa harap ko magkatabi sila ni Mike yun nalang kasi ang bakante.

"Kainis yung exam kanina ang hirap!" Sabi ni andrew na halata sa mukha ang inis.

"Baka di ka nagreview kaya mahirap" sabi naman ni Mica na inaasar pa si andrew.

Hindi na sumagot si andrew kay mica at sinubsob niya ang mukha niya sa palad niya.
Mukha nga yatang mahirap yung exam niya.

"Althea pwede ba kitamg makausap mamaya?" Ang sabi ni Mio na nakatingi sa akin at pati sila mike ay napatingin din sa kanya.

"Sure!" Ang sabi ko naman. At bumalik na siya sa pagbabasa.

"Ako rin althea pwede ba kitang makausap mamaya?" Napatingin din naman ako kaagad kay andrew ng sabihin niya yun. Hindi lang pala ako kundi kaming lima.

"Oo naman andrew" ang sabi ko naman. Hindi pa rin naalis ang tingin ni Mio kay andrew pero agad naman niyang inaalis ang tingin niya ng tignan din siya ni andrew.

Umalis na kami sa library ng malapit na magsimula ang exam namin.

Pero bago umalis si Andrew ay sinabi niya na susunduin niya ako mamayang gabi sa bahay.

Pumasok na kami ng room at nagsimula ng mag exam.

Halos isang oras din kaming nagsagot sa mga tanong ang sakit sa ulo magbasa.

Lumabas na kami ng room at pupunta na ng canteen.

"Althea" ang sabi ni Mio at hinawakan niya ang kamay ko.

Huminto naman ako para harapin si Mio at nakatitig lang siya sa akin.

"Guys sunod nalang kami ni Althea ha" sabi ni Mio at hinila niya na ako papunta sa garden.

Parehas kaming umupo ni Mio sa bench at nakaharap sa fountain. Hinihintay ko ang mga sasabihin ni Mio.

"Althea hindi ko alam kung paano ko to sisimulan" ang sabi ni Mio humarap ako sa kanya at pagtingin ko ay nakayuko siya.

Huminga muna si Mio bago ulit magsalita.

"Pinilit kong alisin ang pagtingin ko sayo althea pero hindi ko magawa. Palagi kang nasa isip ko." huminto si Mio sa pagsasalita at tumingin siya sa akin.

"I love you althea. Gusto ko ng totohanin to ayoko ng magpanggap. Pwede ba kitang ligawan?" Hindi ako makasagot sa sinabi ni Mio. Hindi ko alam ang dapat na isasagot ko.

Hinawakan ni Mio ang kamay ko "please althea" ang sabi ulit ni Mio. Tumango nalang ako dahil di talaga ako makapagsalita. Niyakap niya naman ako dahil sa tuwa niya.

Bumalik naman kami kaagad sa canteen para makapag lunch na.

Pagdating namin ay may pagkain na kami sa mesa binilhan na daw nila kami baka maubusan daw. Nagpasalamat naman kami.

Mabilis kaming natapos kumain at mabilis din naming natapos ang last exam namin kaya maaga kami makakauwi ngayon.

Palabas na kami ng gate ng narinig kong tinawag ako ni Andrew lumingon ako para tignan siya. Hingal na hingal siya dahil sa pagtakbo niya.

"Susunduin kita mamaya ha wag mo kakalimutan" sabi ni Andrew at bigla naman siyang umalis pagkatapos niyang sabihin.

"Saan kayo pupunta besh?" Ang sabi ni Mica.

"Hindi ko rin alam eh" sabi ko.

Nagpunta na kami ni Mio sa parking lot para ihatid niya sa bahay. Pero habang nasa byahe kami ay walang nagsasalita sa amin.

Nasa tapat na kami ng bahay at pababa na sana ako ng sasakyan niya ng bigla siyang magsalita.

"Althea I will do everything that I can para mapasakin ka" biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa mga sinabi ni Mio. Bumaba naman ako kaagad pagkasabi niya. Umalis naman si Mio pagkababa ko.

Papasok na sana ako ng bahay ng nakita ko si Andrew kaya nilapitan ko siya at lumapit din naman siya.

Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimula kaming naglakad papunta sa park.

Habang naglalakad kami ay parehas lang kaming tahimik. Umupo kami sa swing pagdating namin.

"Althea alam mo ba simula ng makilala kita sumaya ang buhay ko wala akong ibang kinakausap dati na babae nakakatawa no? Pero alam mo ba ikaw lang yung close kong babae kayo ni Mica" ang sabi ni andrew habang nakatingin sa malayo at nakangiti.

Alam kong may gustong sabihin si andrew sa akin ramdam ko naman yun eh.

"Gusto kita althea" sabi ni andrew ng nakatingin pa rin sa malayo. "Pwede ba kitang ligawan?"

Lumaki ang mga mata ko sa sinabi ni Andrew hindi ako makapagsalita.

"Gagawin ko ang lahat para sayo althea kahit hindi ka pumayag ay liligawan pa rin kita."

Be My ManWhere stories live. Discover now