Go

869 13 0
                                    

(Five)

Marami ng tao dito sa dressing room nila.
Nag hahanda para sa pag bubukas ng Club ngayong gabi.

Iba't-ibang damit na sobrang kinulang sa tela anh suot. May mga naka bra na pang belly dancing alam niyo yon? Tas naka shorts. May mga naka t-shirt pero naka panty lang.

Pano ba ako napunta sa mundong to?

Yung mga nilalagay nilang kolorete sa mukha sa sobrang kapal akala mo tatalbugan nila si Harley Quinn at balak nilang mag pa ligaw kay Joker.

Ako suot yung bigay ni Shaina. At first i hesitate but they insist so i have no choice.

Sa sobrang nipis niya ma aaninagan mo yung nipples ko. Dahil sa nahihiya talaga ako nilugay ko yung buhok ko at nilagay sa harap ng dibdib ko. Yung shorts ko sobrang iksi. Mukha siyang short pero ang ka size niya ay panty. Buti na lang at naka stockings ako. Then nilagyan niya ako ng make up. Sabi ko light lang at first at ayaw niya pero napa kiusapan ko siya.

"Kara wag kang mambabastos ng customer. Baka magalit si Mama Ses."
Pa alala ni Cessa. Mababait sila kaya nga diko ma isip kung pano sila napunta dito.

"Cessa, tawag ka ni Mama Ses."
Sabi ni Shaina kaya umalis na si Cessa. Si Mama Ses ang baklang Manager ng Club.

"Mag bubukas na ang Club mag ready ka na. Tinuro ko na naman sayo kung saan yung kuhanan ng mga order diba?"
Tumango naman ako sa tanong ni Shaina.

Tumingin ako sa wall clock sa taas ng salamin. Oras na para lumabas ako.

Inayos ko ang sarili ko at kinuha yung mini notebook na binigay ni Cessa. Sulatan ko ng mga order.

"Ma una na ako."
Sabi ko kay Shaina.

"Goodluck."
Sabi niya sabay kindat.

Kaya naman lumabas na ako. Lumakas ang ingay sa Club. Hiyawan ng mga lalaki.

Tumingin ako sa stage sumasayaw doon yung ibang naka usap ko kanina. Paano kaya nila yan nasisikmura?

Nasilaw ako sa iba't-ibang kulay ng ilaw na umiikot sa Club.

Masyadong ma ingay kaya halos di mag karinigan ang ibang nag uusap. Idagdag mo pa ang malakas na tugtog.

"Miss!"
Sigaw nung lalaking may edad na naka suit.

Agad akong lumapit.

"P-po?"
Nahihiya ako at kinakabahan.

"Limang ngang Beer dito sa table namin tsaka tatlong Babae. Pasabe si Maricar yung gusto ko kliyente niya ako kamo."
Tumango-tango ako sa sinabi niya.

Agad akong lumapit kay Mama Ses.

"Ma, si Ate Maricar daw po tsaka dalawa pa. Dun po sa mga naka suit sa dulo."
Sabi ko at tumango naman si Mama Ses at umalis na.

Dumiretso naman ako sa lagayan ng beer. Kumuha ako ng limang bote tsaka ko to nilagay sa tray.

Dumarami na ang mga customer. Kaya minadali kong maka punta doon sa table kanina.

Pag dating ko doon nandon na sila Ate Maricar at dalawang iba pa.

Si Ate kahalikan niya y-yung lalaki kanina.

Yung isa naman na kasamahan namin naka kandong sa kasama nung naka suit.

Tapos yung isa nag lalandian.

"E-eto na po yung order niyo."
Sabi ko at umalis agad.

Dapat masanay na ako dito. This is a club, what do i expect?

"Hi Miss."
Tumaas lahat ng balahibo ko nung may pumisil sa pwetan ko. Siyempre ang instict ko sampalin agad yun.

There, nasampal ko nga.

"Bat mo ako sinampal!?"
Galit na sigaw nung lalaki.

"Sa tingin mo sinong matutuwang may lalaking mambabastos sakanya. Sabihin mo sakin kung sino baka ipa pray over ko siya."
Giit ko habang naka takip yung tray sa katawan ko.

"Anong nangyayari dito!?"
Tanong ni Mama Ses.

"Ano ba naman tong waitress niyo Mama. Masyadong pakipot."
Sabi nung lalaki.

"Anong ginawa mo Kara?"
Tanong ni Mama Ses.

"Binastos niya po ako. Kaya nasampal ko siya."
I explained.

"Pag pasensyahan mo na Sir. Bago lang siya dito."
Sabi ni Mama at hinila ako palayo sa lugar na yon.

"Mama, pwede ko bang i table yan?"
Sigaw nung isang lalaking sa tantsa ko tatlong taon lang ang tanda sa akin. Umiling lang bilang sagot si Mama Ses.

"Ganda niyan Mama!"
Sabi nung isang lalaking kaka pasok lang. Tumango lang si Mama Ses at ngumiti.

"Mama Ses."
Lumapit naman sa amin si Cessa.

"Ano yon Cessa?"
Tanong ni Mama kaya huminto kami pero hawak niya parin yung pulso ko.

"May VVIP pong nag re-request kay Kara."
Nanlaki naman ang mata ni Mama Ses at tumingin sa akin.

"A-ayaw ko po."
Sabi ko at nag pumiglas sa pag kaka hawak ni Mama Ses.

Alam ko ang ibig sabihin non. Hindi naman ako pinanganak kahapon lang.

"Malaki ang bayad don Kara. Alam ko namang waitress lang ang in-applyan mo pero base sa kwento mo malaki ang panga-ngailangan mo."
Sabi ni Cessa at hinawakan ang isa kong kamay.

"A-ayoko parin."
Sabi ko at umiling.

"Lets respect her dicission."
Sabi ni Mama Ses.

"Ipadala mo na lang don sila Shaina. At humingi ka ng tawad pupunta ako don mamaya. Mabilis lang to."
Sabi ni Mama Ses kaya naman tuluyan ng umalis si Cessa.

"Listen Kara. Alam kong bago ka palang sa mundo namin kaya ni re respeto kita. Pero sana respetuhin mo rin yung trabaho namin kahit alam kong di to ka respe-respeto."
Sabi ni Mama Ses at ngumiti sa akin.

"Opo. I'm sorry because of what i act with your clients."
I apologize.

"I understand. Beyen na papa inggles akes ng was sa oras. Was anda na nga nosebleed pa."
Sabi ni Mama Ses sabay tawa. Natawa narin ako kahit diko na intindihan yung iba sa sinabi niya.

"Gawin mo lang yung trabaho mo at kikita ka ng malaki. Tsaka masanay ka na sa mga bastos ditey, club to e."
Sabi naman niya at umalis na.

Dapat nga siguro ma sanay na ako.

Nag ikot ako sa Club para mag hanap ng o-order.

"Mis dalawang Beer nga."
Sabi nung isang lalaki.

Sinunod ko naman at pag balik ko binigay niya sakin ang bayad.

"Eto eh Miss."
Sabi niya tapos humawak sa bewang ko.

Kalma Kara. Kalma wag kang mag panic. Wag mong sampalin. Customer yan Kara.

"Thankyou."
Sabi ko sabay ngiti ng pag ka tamis-tamis. Kahit ang totoo ay sukang-suka na ako.

"Here's your tip Babe."
Sabi niya sabay abot ng two thousand.

Oh my gosh! Two thousand mga te.

Kung binigyan niya ko nito ng mayaman pa ako baka ipakain ko lang yan sakanya. Baka nga triplehen ko pa e.

Kaso.

Mahirap na nga pala ako.

Her Imperfections [Fukanzen]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin