Carlo Dwayne

84.5K 1.6K 232
                                    

TheBitterCupid:

Before reading, I would just like promote my other fantasy story wherein it is related to Angels.

Check it out if you want!

The Title is Vion Academy.






"Tsk. Oh! Tapusin mo na yang ginagawa ko at magluto ka na ng agahan namin. Bwiset ka, tapos kung makatingin ka sakin, 'kala mo naman ikakaganda mo yan.", sambit Catrina at nag walkout na ng kusina.

Pabalang naman akong natawa dahil nahiya ako sa nunal niyang nag stand out sa kaniyang noo.

Nagmumukhang third eye yung nunal niya sa gitna ng noo eh.

Ginising ako ni Auntie kanina na mukhang sasabog na ang mukha ng dahil sa galit. Binuhusan pa nga akong malamig na tubig.

Now, who would've thought that I could handle them as much as I can handle the bullies inside the University?

Nang matapos na ako magluto ay tumaas ulit ako para maligo't magbihis dahil papasok pa ako.

Naglagay pa ako ng concealer sa ilalim ng mata ko kasi nagmumukha na akong si Carlo. Dahil hindi ako makatulog ng maayos kagabi. Kasalanan ko bang bitin at kulang kulang magkwento yung mokong iyon? Nakakapangduda tuloy.

Tapos anong universe pinagsasasabi niya kahapon? Alam niya bang masakit sa parte ko na malaman na inlove pala siya sa iba tapos 'yon pala SA UNIVERSE LANG PALA BEH.

And one of the weirdest reason why I can't sleep is because of how Aurora filled the sky last night.

I mean, Aurora only happens if you're near the north pole right? Pero potangina, ang creepy, kasi nagka Northern Light dito. And it isn't just pink, green, and blue.

The Aurora was in the shade of Gold.

Though, it was like, I was staring at the lumin of the universe that time. I don't know why but it felt surreal.

Pagkatapos ko magbihis ay naglakad na ako papuntang UNC. Hindi ko na napagisipan pang magcommute kasi masasayang na naman ang pera. Mas mabuti pang magtipid muna ako kaysa sa magsayang. I'm just poor but my Aunt isn't.

They treat me as their servant.

No one knows it but Carlo.

I don't why they hold a lot of grudge towards me but one thing for sure, they hate my Mother's existence. And they won't tell a single thing on about who my mother is.

Pinilit ko silang sabihin saakin kung sino ang totoo kong ina, pero wala silang ginawa kundi ay ang parusahan ako every single time na magbubukas akong topic tungkol sa mama ko.

"Shit."

"O-Oh, s-sorry.", nauutal kong sambit ng matagpuan kong nahulog ang hawak niyang cellphone dahil nagkabanggaan kami.

Kinuha naman niya ang cellphone niya at kunot-noong ibinaling saakin ang kaniyang tingin.

Natense naman ako dahil sa binibigay nitong tingin na para bang sinusuri ako. Kaya yumuko ako at nagbigay ulit ng paumanhin. "S-Sorry po talaga, Miss.", saad ko habang nakayuko pa 'rin.

"Careful, child. You should watch where you are going the next time."

Ang tanging sabi nito bago ko maramdaman ang papaalis nitong presensya. Bigla namang nanuot sa aking ang mahalimuyak nitong pabango na nakakapagpagaan sa aking sistema.

Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makaalis nito. Saka lamang ako nakahinga ng maluwag.

I really do can't fight for myself.

Pagpasok na pagpasok ko ng classroom ay tinapunan nila ako ng tingin. Aba ganito na ba talaga ako kaganda para pagtinginan ng lahat?

That's right. Stare at my beautiful face, everyone.

Sa may pinakalikuran ako umupo at nakita kong natutulog na naman ang bestfriend ko kaya kinurot ko ito sa may tagiliran para magising.

"Hmm.... aray! Ang sakit!" Reklamo nito at napaayos ng upo.

Natawa naman ako dito."Bakit ba kasi tulog ka ng tulog dito sa classroom? Wala ka na namang maayos natulog kagabi noh?", umupo ako sa tabi nito.

Sinamaan naman ako nito ng tingin at umungko ulit. "Syempre may ginawa ako kagabi kaya hindi ako makatulog ng maayos."

Napairap nalang ako dito at napahalukipkip. Minsan talaga hindi ko alam kung lalaki talaga ito o nagpapanggap lang. Ang lambot lambot pa minsan maglakad parang bakla.

Napatingin ako dito nang may maalala ako. "Oo nga pala, may sasabihin ako sayo, Carlo."

"Oh ano ngayon?" Sungit naman, rineregla na naman ba tayo sis?

"Makinig ka nalang pwede ba? Sapakin kita dyan.", tumango nalang ito at ilinagay sa kamay niya ang kaniyang baba. "May nakita ako kagabi. Medyo creepy..."

"Hmm.", tumango-tango lang ito habang nakaungko.

"I saw how the sky turned into the shade of gold. How did that happen? It was all over the news!", I utter.

It was so strange and spine-shivering to be exact. I mean, who could've done that? Where did it come from? This questions are bothering me since the night.

Hindi ito nagsalita ng ilang segundo at hinintay ko itong may sasabihin, "I didn't saw anything last night. I was studying the whole damn night."

"Aysus! Nagaral daw! Eh 'di nga kita nakikitang nagaaral! Sabihin mo, gumala ka na naman!"

Oo, mahilig kasi siyang gumala tuwing gabi. Minsan nga nakikita ko siya naglalakad sa village namin eh.

Barangay tanod siya eh.

Panay ang lamon ko dahil sa binili naming isaw ni Carlo. Sobrang nakakatuwa dahil libre niya pa ito kaya nagmumukhang eat all you can yung stall ni Kuya Tindero.

Others would disgust this kind of food but this is the kind of food I always crave for.

"Tsarap! Carlo, try mo! Masarap!" Sabi ko sabay harap sa bibig niya ng isaw. Hindi naman ito nagdalawang isip na kumagat sa ilinahad kong isaw.

Hindi ko alam pero ramdam ko nalang na lumundag ang puso ko matapos itong subuan. Bakit kailangan pati pagsubo niya maiinlove ka na Chelsea?

"A-Ano? Masarap?", Tanong ko.

"Hmm... it tastes good. Here, try this, Chelsea." Sabi niya at sinubuan ako ng barbeque.

"Lamporeber!" napatingin kami sa isang batang babaeng napadaan. Nakatingin ito saamin ng masama. "Mag brebreak rin kayo...", saad nito.

Tangina, broken ba 'yon?

"Ang bitter nung bata." Natatawang sambit ni Carlo kaya napatingin ako sakanya.

Gosh, stress reliever na ata itong tawa ni Carlo. Kung pwede lang kuhanan ng video ang tawa niya baka magdamag ko itong panoorin.

"Wait lang..." sabi niya at kinuha yung panyo niya sa bulsa niya at pinahid sa gilid ng labi ko. "Ang baboy mo kumain."

Imbes na mainis ako sa sinabi nito ay namula pa ako dahil sa sobrang lapit ng mukha nito habang pinupunasan ang gilid ng labi ko.

Tangina, Chelsea. Kaya pa ba?

I don't know why but every time he'd be like this, my heart would skip a beat. The entire system of my body would be in havoc due to his laughters, smiles, and his actions.

Crimson AcademyWhere stories live. Discover now