Crimson Student

22.9K 542 15
                                    

@jdudhuc hi! Sobrang naappreciate ko 'yung message mo para saakin.


●●●


"We'll wait for you outside.", sabi ni Rose at tanging tango lang ang naibigay ni Andrei saka pumasok sa Faculty Room.

"Ang aga naman nung bad bad student na dumating hmp. Alas-tres pa naman ang meeting ihh.", maktol ni Jayden.

Hindi na kami nakapagtraining dahil sa biglaang pagdating nang estudyante na galing sa Crimson Academy. Hindi namin alam kung bakit one o'clock palang ay naririto na siya eh ang usapan nila ay three o'clock.

"I don't know. Something is off.", sambit ni Rose at ilinagay sa baba niya ang kaniyang daliri na para bang nagiisip.

Kahit hindi ko alam ang pinaguusapan sa loob ng Faculty Room, hindi ko mapigilan hindi makaramdam 'rin nang kakaiba. Katulad na lamang nang sabi nila na nalalapit na ang propesiya, pero ilang buwan na ang nakakalipas, bakit wala pa 'rin nangyayari? Mayroon ba talagang digmaan magaganap dahil sobrang tagal nitong mangyari.

"Something is Off? Hah! Yung ilaw off!", sabay turo ni Jayden sa ceiling kung saan may ilaw na nakalagay.

Palagi ko nalang natotorture utak niya sa isip ko. Bakit kaya pinanganak siyang tatanga-tanga sa mundong ito?

"We'll just wait for them to come out then we can ask Andrei what's the meeting all about.", Rose said firmly and lean on the wall.

"Sige.", sabi ko at umupo sa sahig. Wala naman akong pake kung marumi ito. Kahit dilaan ko pa. Joke.

"Chelsea...", pagsisimula ni Rose kaya napatingin kami dito. "You're the Saviour am I right? How does it feel like being accused as a traitor even if you're the saviour of the Realm?"

I frowned a bit and averted my eyes to Jayden instead. "Hindi ako ang tagapagligtas niyo.", there, I said it.

Natawa naman ito sa sinabi ko, para bang hindi naniniwala. "Don't fool us, we know it's you. Jayden confirmed it also."

"Oo nga! Insan kita ih.", sumimangot naman ako dahil dito.

"Seryoso? Maniniwala ka dito sa living creature na kulang sa neuron cells?", natatawa kong sabi at bigla naman ngumuso si Jayden. "Gawa-gawa lang iyon ni Jayden. Hindi naman talaga ako tagapagligtas at hindi ako pinsan ni Jayden, napagkamalan niya lang ako."

Akmang magsasalita pa sana si Rose pero hindi ko na ito binigyan ng motibo para magsalita pa. Napapansin namin na habang naghihintay kami ay napaparami ang mga estudyanteng babae na naghihintay sa labas 'rin ng Faculty. May hinihintay ba sila galing sa loob?

"Woy insan, baket andito eang mga manok? Tutukain ba nila si Andrei paglabas?", bulong ni Jayden sabay turo sa nagkukumpol-kumpulan na mga babae.

Tinignan ko naman ito nang makahulugan at pinitik ang kaniyang noo. "Paandarin mo utak mo."

"Aray! Ang sakit non ah!", maktol nito habang hinahaplos ang kaniyang noo. "Walang makina ang utak ko! Anong pinagsasasabi mo diyan!"

Imbes na magalit 'rin ay natawa pa ako dahil parang maiiyak na siya sa tuwing magagalit siya. Pero agad 'rin napatigil nang lumapit si Rose sa mga babae kaya napatingin naman sila dito.

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon