Traitor

23.1K 614 2
                                    

Isang buwan na ang nakakalipas at naging maayos na rin ang buhay ko. The Dexra Evenfall can't even resist my cuteness. Kaya hindi na nila ako ini-snob. And within that one month, the Crimson Students have already surpassed their limits due to their training.

Habang ako nandito lang sa dorm namin ni Yessa. Paminsan-minsan ay pumupunta kami sa Training Area.

Kasalukuyan akong nasa living room kasama si Yessa. Nakahiga ako sa mga hita nito habang kumakain nang gummy candies habang siya naman ay nagbabasa nang libro. Kung sila naman nag eensayo para maipalakas ang physical attributes nila, si Yessa naman ay pinapalakas ang magic attributes niya.

"Tamad ka talaga kahit kailan ano?", biglang sabi nito.

Sandali pa akong tumigil sa kakakain ng gummy candies para tignan lang ito. "Hihi nakakapagod mag training eh. At saka nageensayo naman akong mag-isa sa kwarto ko!"

Natawa nalang ito. "Pero natutuwa ako kasi madali kang matuto. You even managed to control your power."

"Hmm...", tumango ako dito at nagpalabas ng strings sa kamay ko.

Naibalik ko na kay Lorraine ang mahika niya with the help of professor. Tinuruan niya ako kung paano gamitin ang mahika ko. Pero hindi ko inakala na magiging ganito.

Kahit na naibalik ko na ang mahika ni Lorraine sakaniya, mayroon pa 'rin akong mahika katulad kay Lorraine. In simple explanation, pareho na kami ni Lorraine may mahikang Puppeteer.

"By the way, are you ready now?"

"Ha?", nagtatakang tanong ko dito.

Binigyan ako nito nang blankong ekspresyon, "Seryoso? Hindi mo talaga alam?"

"Ang ano nga?", naiirita kong sabi. Kung sabihin nalang niya kasi kung ano 'yon.

"The next day is our semestrial break."

Napaupo naman ako sa sofa habang nanlalaki ang mga mata. "S-Seryoso?!"

Gosh. Wala niisang nag inform saakin na may semestrial break 'rin pala dito sa academy. Kaya pala nakikita ko ang mga estudyanteng may hawak na mga kahon o kaya naman mga damit.

Excited na ako!

"So, what are you planning to do during this break?", tanong nito habang nakatuon ang pansin sa libro.

Napaisip naman ako kung ano ang pwedeng gawin ngayong semestrial break.

Hindi naman ako pwedeng mag stay dito sa Elemental Realm dahil wala naman akong bahay dito.

Sa Mortal Realm kahit papaano pinapatira ako ni Aunt Rita sa bahay niya, ang kaso lang maattitude ang dalawang mag-ina.

"Uhmm... Pupunta ako sa Mundo ng mga tao. Siguro mag-eenjoy ako dun.", kahit hindi naman totoo kasi wala akong kapera-pera. Syempre, expected ko nang magiging katulong na naman ako during this semestrial.

"That's great. Maraming estudyante ang pupunta ngayon nang Mortal Realm.", sambit nito at habang iminumuklat ang sunod na pahina.

"Ikaw ba?", tanong ko dito.

Saglit pa itong tumigil sa pagbabasa at napaisip-isip. "I think...", sumulyap ito saglit saakin. "I think i'll be staying here."

Kunot-noo ko naman itong tinignan. "Seryoso ka diyan? Ang boring naman ng buhay mo."

Natawa nalang ito, "My life never gets old but gets too boring I guess.", she jokes.

Crimson AcademyWhere stories live. Discover now