XV- Human Heat

4.9K 107 2
                                    

[Frey P.O.V]

Nagising na lang ako sa tilaok ng manok at napapikit.

Unti-unti akong bumangon pero naramdaman ko ang sakit.

Napatingin na lamang ako sa orasan at nakitang "7am" na.

Umupo ako sa kama at napasabunot. Hindi. Hindi pwede to. Napatingin na lamang ako sa salamin at nakita kong madaming kiss mark sa may bandang dibdib ko.

Napasabunot na lamang ako sa sarili ko at lumandas ang luha sa aking pisngi.

Wala na. Ginusto ko rin naman pagdating sa kalagitnaan. Tuluyan ko ng isinuko.

Hindi ko napigilang hindi umiyak at masakit man ay iniligpit ko ang mga damit naming nagkalat sa sahig. At tyaka dumiretso sa banyo. Hindi ko alam pero doon ako humikbi ng humikbi. Kasalanan ko dahil ako mismo ang nagsabing ituloy nya. Napakagaga mo Freya! Wala na akong nagawa kundi ang umiyak at humagulgol.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Masakit. Paika-ika akong naglakad papuntang kama at pinalitan iyon ng bedsheet. Blood. Isang katunayan na wala na nga ang iniingatan ko.

Pagkatapos kong magpalit at magpatuyo ng buhok ay humiga na lamang ulit ako at tahimik na humikbi.

*Tok.Tok*

"Frey?" Tumigil ako sa pag-iyak at nagtaklubong.

"K-Kuya.." Pinilit kong ayusin ang boses ko.

"Ayos ka lang ba? Anong oras na. Hindi ka pa bumabangon. Papasok na ko sa trabaho" Sagot nya

"M-masama ang pakiramdam ko kuya" Sagot ko at narinig ko syang nagbuntong hininga.

"Uminom ka na ba ng gamot?" Tanong nya at tumango ako.

"Gusto ko lang magpahinga kuya" Sagot ko at naramdaman ko nalamang na pinat nya ang ulo ko at tumayo na sa kama.

"Pagaling ka bunso ha?" Bilin nya at tumango na lang ako at nakarinig na ako ng sarado ng pinto pero parang may mali. May nararamdaman akong presensya sa loob.

"K-Kuya?" Tanong ko pero walang nagsasalita.

"Frey..." It's him.

Hindi na ako sumagot at ipinikit ko na lamang ang mata ko .

"I'm so sorry last night" Sambit nya at umupo sa kama.

"Are you mad?" Tanong nya at hindi ko sya sinagot.

Una. Wala akong karapatang magalit dahil nung titigil na sana sya ay ipinatuloy ko.

"Frey... You have to eat" Sambit nya pero ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at natulog.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nagising na lamang ako ng narinig kong umuulan.

Napabangon ako bigla dahil paniguradong nagmamadali sila Tatay.

"Ouch!" Daing ko ng maramdaman ko ang hapdi. Kinuha ko ang jacket ko kasama na ang wallet ko at bumaba. Pabalik na sila kaya nagmadali akong lumabas ng bahay at nagpakabasa.

Pumara na ako ng tricycle at nagpahatid sa ibaba ng clift.

"Iha, hindi solusyon ang pagpapakamatay ha?" Sagot nya kaya kumunot ang noo ko sa sinabi nya at napatingin ako sa salamin. Maga. Magang maga ang mata ko.

"Nako. Hindi po ako magpapakamatay. Masama po iyon." Pinilit kong ngumiti at ibi-abot sa kanya ang bayad.

"Kayanin mo Freya" Sambit ko sa sarili ko dahil mahaba-habang lakarin at hagdan ang lalakarin ko dahil kailangan kong maglakad para makapunta doon.

Say It Again [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon