XXV- Want

4.6K 87 0
                                    

[Freya P.O.V]

Nakatingin lang ako sa dagat habang panay sa pagsasalita si Knight. Puro sya sermon nang sinabi kong sasama ako sa kanya pauwi sa Manila.

"Look, Freya... I just know what's the right thing for you especially right now that you are pregnant and the war..."

"Yoon. Yoon yung point ko Knight. Yung laban. What if mapahamak si Nathan?"

"Freya.. You will stay here. Until the war ends" Sambit nya at umiling ako at tumayo.

"I have my rights to do my choice. Now, kung ayaw mo kong isama then fine. Pupunta ako doon mag-isa" Sambit ko at naglakad na palayo.

"Freya..." He called my name but I didn't look him.

------

"Lady Freya..." Napatingin lang ako sa babaeng sumalubong sa akin paglabas ko ng terminal at yumuko.

"Master sent me here to fetch you" Sambit nya at tumaas ang kilay ko.

"Master?" I asked her at tumango lang sya. May mga lalaking kumuha sa bitbit ko at inilagay iyon sa trunk ng isang sasakyan.

"Mr. Niel Bautista" Sagot nya at napatango nalang ako. I thought its Nathan. Pero sabagay... Hindi naman nya alam na nandito na ulit ako.

Naglakad na ako papunta sa kotse at pinagbuksan nya ako ng pinto kaya pumasok na ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Sa mansion ng Bautista kami dumiretso at sinundan ko lang ang babaeng sumundo sa akin kanina at tumigil sya sa isang pinto at yumuko sa akin.

"Master is inside" Sambit nya kaya kumatok na ako at binuksan ang pinto. I saw him look at Nathan's mother's picture...

"Sir..." Bati ko pero tinignan nya lang ako.

"Tito..." Pag-uulit ko at tumango sya. Seryoso?

"I know you will come. After Knight told me that you even fight just to go here" Sambit nya at napapikit nalang ako.

Bago ako umalis kanina... Nag-away kami ni Knight dahil ayaw nya akong paalisin kaya wala na akong nagawa kung hindi puntiryahin sya sa "Where it hurts the most.." At ginawa syang unconscious just to get here.

"Looks like you are really ready... Nagawa mong matalo ang isang Knight Harold Gomez?" Natatawang sambit nya at nagpakawala nalang ako ng hangin.

"Tito... Hindi ko kayang hayaan si Nathan. Besides before I went here nagpacheck up naman po ako and the Doctor says that healthy ang baby and no need to worry about it kung sakaling gagawa man ako ng mga trabaho" Sambit ko at tumango lang sya.

"You really love him" Sambit nya at napa-iwas ako ng tingin.

"You'll stay here. Siguro sa kwarto na lang nya, tutal hindi na naman nya naisip na tumuloy dito since you left. And the security here will make sure that you are safe" Sambit nya at tumango ako.

"Saturday." He said at kumunot ang noo ko.

Anong meron sa Saturday? Eh Saturday din ngayon eh?

"Nathan's 27th Birthday. A Grand Masquerade Event. Black and Silver ang Motif. If you want to go out of the mansion, always go with Serra. The girl who fetch you. She is my Third Ripper. She can protect you" Sambit nya at tumango ako.

"Tito... Sa Birthday ni Nathan..."

"Pagpatak ng 12am. Sa mismong event. Magsisimula ang lahat. The Mafia war will start and I told you this for you to think what are you going to do." Sambit nya at tumango ako.

Say It Again [COMPLETE]Where stories live. Discover now