XXVI

4.3K 99 0
                                    

[Freya P.O.V]

Pasado alas-dies ng gabi nakabalik ako ng Mansion.

Bumaba na ko ng sasakyan at nakita kong nakatayo lamang doon si Serra at ng nakita nya ako ay agad syang tumakbo papunta sa akin.

"Lady Freya. Ayos lang po ba kayo?" Tanong nya at tumango ako.

"Yeah. Aakyat na ko. Magpahinga ka na rin" Sambit ko pero tinignan nya lang ako.

"Lady, Kumain na po ba kayo?" Tanong nya at tumango ako.

"Bago ako umuwi kumain na ko. Sige na Serra. Magpapahinga na ako, magpahinga ka na rin" Sambit ko at tumango sya.

Dumiretso na ako sa kwarto ni Nathan at naglinis ng katawan.
.
.
.
.
.
.

Galing ako sa Hide-out ni Knight. Nagtraining lang ako pero hindi pa rin mawala sa isipan ko kung sinong Heir ang tinutukoy ng babae kanina.

Inilabas ko ang vitamins na kailangan kong inumin at humiga na. Hindi ko pwedeng pwersahang pagurin ang sarili ko. Baka mapahamak si Baby.
.
.
.
.
.
.
.

9am ng nagising ako at napatingin ako sa cellphone ko sa gilid.

May mga missed calls galing kay Kuya at kay Knight.

Inilapag ko iyon sa kama ng bigla akong maduwal. Tumakbo kaagad ako sa banyo.

"Masyado mo namang pinahihirapan si Mommy, Baby" Sambit ko at naghilamos na rin pagkatapos.

Lumabas na ako ng kwarto at agad akong napayuko ng makita ko si Tito Niel.

"I am about to knock the door. Anyways, let's go down... Breakfast is ready" Sambit nya at tumango ako.

Sa totoo lang... Mabait naman si Tito Niel. Siguro pareho sila ni Nathan. Kapag nakilala mo personally hindi mo sila makikita bilang mga misteryosong tao.

"Uhm.. Tito... Kamusta po si Nathan?" I asked him pagkaupo ko sa upuan.

"He's good. Masyado syang tutok sa trabaho pero may mga oras na makikitang nakatulala lang sya. Pupunta ako mamaya doon." Sambit nya at tumango nalang ako.

"Uhm... May salad?" I asked the maid kaya napahinto si Tito sa pagkain. May mga preservatives kasi yung nakahandang pagkain. Medyo binawalan ako ng Doctor kaya hindi ako pwedeng kumain nun.

"Serra" Tawag ni Tito at nakita ko si Serrang may dalang gatas at inilapag sa gilid ko iyon.

"It's your milk, Lady Freya" Sambit nya at ngumiti nalang ako.

"Aside from Veggies, what do you want to eat?" Tito asked me at umiling ako.

"Wala na po Tito... Napractice ko po kasi ang laging gulay sa umaga and I also avoid eating foods with preservatives... Pinagbawalan po kasi ako ng Doctor" Sambit ko at tumango lang sya.

"Regarding what happened Yesterday... May idea ka ba kung sinong maaaring gumawa nun?" Tanong nya at umiling ako.

"I don't know tito. Nagtataka rin po ako kung pano nila nalamang nandito ako. Basta may sinabi po yung babaeng the heir wants me." Sambit ko at napatingin sa maid ng ibaba nya sa harapan ko ang veggies. Its a vegetable salad! yays! Favorite!

"Much better kung hindi ka na muna lalabas dito--"

"Tito... Nagt-training po ako... Besides---"

"I have a training underground. Serra will lead the way to you later. Just finish your food. May darating na Designer mamaya, just tell her what kind of gown you want. She is from Nathalie's Shop so don't worry" Sambit nya at tumango ako. Ipinagpatuloy nalang namin ang pagkain hanggang sa magpaalam na si Tito na aalis.

Say It Again [COMPLETE]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora