Chapter 1

3.6K 71 3
                                    

#IkawNaNga
Chapter 1

LOISA'S P.O.V.

"Good morning Loisa!"

"Hello Loisa!"

Nginingitian ko ang bawat estudyanteng nakakasalubong ko. Pasukan na naman. Kakatapos Lang kasi ng Christmas Break namin. Nakakatamad nga pumasok eh.

"Uy gaga! Aga mo ata?"

Tiningnan ko ng masama ang best friend kong si Maris na kasama na naman ang dyowa niyang si Mccoy. Inirapan ko nga! Ang aga aga napakasweet ng dalawa!

"Pake mo? Umalis nga kayo sa harapan ko! Nilalanggam ako rito!"

Biglang natawa si Mccoy sa sinabi ko.

"Ang sungit mo naman bes! O sya sige na maiwan ka na namin. Punta lang kaming library. Babalikan kita! Diyan ka lang!"

Kinawayan ko ang dalawa na kasalukuyang tinutungo ang daanan patungong library. Nandito ako ngayon sa gym. May iilang estudyante na rin at may mga varsity player na nagprapractice.

1st year college ako ngayon. At yung kausap ko kanina, best friend ko si Maris Racal. Magkaklase lang din kami sa iilang subjects namin kaya kami talaga yung palaging magkasama. Matagal na sila ni Mccoy. Ang sweet at ang bait ni Mccoy kaya gusto ko rin siya para Kay Maris. Kahit ako walang lovelife basta masaya siya, okay na sa akin.

Hindi ko alam kung paano kami nagkakilala ni Mar-------

*booooogsssshhhh*

Biglang naputol yung imahinasyon ko nang matamaan ng bola ang aking braso. Bwiset!  Sino ba yun?????

Tumingala ako at umaaninag sa akin ang mukha ng lalaking may mga tattoo. Mukhang 3rd year college na 'to.

"Ay hala! Sorry miss! Di ko sinasadya!"

Ngumiti ako ng pilit.

"Okay lang."

Magsasalita pa sana siya nang biglang may tumawag sa kanya.

"Zeus! Halika na! Hayaan mo na yan!"

Aba ang yabang!!! Biglang kumulo yung dugo ko.

"Ahhh sige miss. Sorry talaga ha. Zeus nga pala."

Tinanggap ko yung kamay niya.

"Loisa po. Kuya Zeus."

Ngumiti siya. Confirmed! Matanda nga ito kaya pwede kong tawaging kuya.

"Oy Zeus!!!! Tara na!"

Tiningnan ko yung mayabang kanina pa sumisigaw. Nung sinilip ko siya, hindi ko lubusang nakita yung mukha kasi tumalikod agad. Pero kitang-kita ko yung pangalan sa jersey niya.

ALONTE
07

IKAW NA NGAOnde histórias criam vida. Descubra agora