Chapter 33

2.5K 74 2
                                    

#IkawNaNga
CHAPTER 33

"Okay lang po Tita. Naiintindihan ko po." Nanlumo kong sabi sa Auntie ko sa kabilang linya. Nasa sasakyan pa ako ni Ronnie at kakahatid niya lang sa akin. Nasa tapat na kami ng bahay.


Tanaw na tanaw ko yung ngiti niya na abot hanggang tenga. Inirapan ko nga.


"Oo nga po eh. Sayang din pero okay lang po. Sa susunod na lang siguro." Sambit ko.

Pinipigilang tumawa ni Ronnie kaya kinurot ko siya. Nangiwi naman sa sakit ang loko. Nalulungkot ako. Tumawag kasi sa akin yung Tita ko na hindi raw kami matutuloy sa California. May emergency daw siyang gagawin sa business niya dito sa Pinas.


Excited pa naman ako pero no choice eh. Tuwang-tuwa naman itong kasama ko. Bwisit.


"Sige po. Bye." Agad kong binaba ang telepono. Tinawanan ako ng malakas ni Ronnie at pinandilatan ko siya ng mata.

"Saya mo ah?!" Sigaw ko sa kanya. Nakakainis.


"Paano ba 'yan, tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para magkasama tayo." Proud niyang sabi. Nag-iwas ako ng tingin.


Oo nga noh? Sinadya talaga ng panahon na ikansela ang flight ko ngayong okay na kami ni Ronnie.

"Manahimik ka nga! Di tayo magiging okay hanggat magka partner kayo ng Julia na yan."


Napatawa siya ng mahina. "Selos ka na niyan?"


"Mahal mo na ata siya eh!" Pagbabanta ko sa kanya.


Biglang naging seryoso yung mukha niya. "Kung may iba akong mahal, wala ako dito para magpakabaliw ulit sayo matapos mo akong ipagtabuyan."


Biglang lumundag ang puso ko sa kanyang sinabi. He really knows how to make me feel special. He really knows the right words to say. Damn.


"Gusto ko ako lang ang kailangan mo. I want you to crave for me like how I crave for you." Dagdag niyang sabi.


Di pa rin ako nakapagsalita. Bigla niyang hinawakan ang mukha ko at hinalikan ako sa labi. Iba ang saya na nararamdaman ko. Kasabay ng paggalaw ng aming mga labi ay dinig na dinig ko ang aking puso na parang tambol sa bilis ng pitik nito.

Napapikit ako habang dinadama ang halik niya. Bigla siyang bumitaw noong hinahabol na namin ang aming hininga. Matapos niya akong halikan ay pinagdikit niya ang aming mga noo.

"Ikaw ang huling babaeng hinalikan ko. I've been so loyal to you, baby. Ikaw lang ang nagpapabaliw sa akin ng ganito." Sabi niya.


Napangiti ako at hinawakan ang kanyang kamay na nakahawak sa aking mukha. "Ikaw lang din ang lalaking hahalikan ko. Ikaw lang naman ang pwedeng humalik sa akin."


Hinalikan niya ako sa noo at kumalas sa aming posisyon.



"Tara na? Ihahatid na kita sa loob. Magmamano lang ako kina Papa at Mama." Sabi niya. Natawa naman ako dahil sobrang seryoso niya.



"Anong Mama at Papa ka dyan! Korni mo!" Lumabas ako ng kotse habang tumatawa pa rin.


"Tumahimik ka nga. Tara na." Siya pa mismo ang humila sa akin sa loob habang magkahawak-kamay kami.


"Ma! Pa!" Sigaw ko.

Walang sumagot kaya dumiretso kami sa sala. Nakita ko silang tutok na tutok sa TV. Magmamano sana ako ng mismo si Ronnie ay huminto din sa paglalakad.


IKAW NA NGAWhere stories live. Discover now