Chapter 18

2.7K 64 0
                                    


#IkawNaNga
CHAPTER 18



Loisa's P.O.V.



"Ma, Pa. Alis na po ako." Sabay beso ko sa kanila at nagpaalam na para pumasok sa school.






"Sige anak. Mag-ingat ka."





Lumabas na ako ng bahay at binuksan ang gate.



Unang hakbang ko pa lang ay napansin kong may nakatayo sa malapit na poste. Hala. Anong ginagawa niya dito.




Gulat ko siyang tiningnan at hinimas niya ang kanyang batok na parang nahihiya.




"Ah. Good morning, Miss. Naligaw kasi ako ng daan papuntang eskwelahan eh. Pwede mo ba akong samahan?"




Natawa ako sa sinabi niya. Asus! Pasimple pa 'toh.





"Mga banat mo eh noh! Sabihin mo na lang, gusto mong makipagsabay!"




Nginitian niya lang ako at lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo. "Good morning, Baby."



Waaaah! Enebeyen! Aga aga ehhhh pinapakilig ako!!!! "Good morning din."




"Wala man lang baby?"



"Wala."



Aakmang tatalikod na sana siya. Tsss. Napaka matampuhin talaga! "Good morning din, Baby."



Hinarap niya ako and he bit his lower lip. One hot move. Oh god.



"Tayo na." Hinila niya ako at pinagbuksan para makapasok na ako sa kotse niya at umikot naman siya sa kabila para makapasok na din.



Habang nasa biyahe kami, naaalala ko yung mga pinag-usapan namin kagabi. Nakakatuwa lang isipin na malalaman ko pa talaga yung totoong nararamdaman niya sa hindi inaasahang pangyayari.


Tinanong ko din siya kahapon kung ano na nga talaga yung status namin. Sabi niya, hayaan ko na daw muna siyang manligaw kaya heto baka siguro parte toh ng panliligaw niya ang sunduin ako sa amin.



Ang sarap gumising sa umaga na alam mong mahal ka din ng taong mahal mo. Ang gaan sa pakiramdam. Pagkatapos kung umiyak ng sandamakmak, sagad na sagad naman yung kasiyahan ko ngayon. Oh my God.



"Loisa, bigyan mo nga ako ng lahat ng oras at schedule ng mga subjects mo. Diba sa isang subject lang tayo magkaklase?"



Tiningnan ko siya. Kung alam mo lang talaga kung gaano ako kasaya ngayon Ronnie. "Okay po. Oo sa isang subject lang."



Inabot ko sa kanya yung schedule ko. Kinuha niya habang nagdadrive siya.



"Pati na rin pala sa mga pangalan ng mga lalaki mong kaklase sa mga subjects mong di tayo classmate. Lahat ah!"


Natawa ako. He's so possessive. Typical bad guy but only good for me. "Loko ka ah! Dami nun!"



"Mapapasubo pala ako neto ah! Gaano kadami ba yan? Kaya ba nila itong muscles ko?" Sabay kaming natawa sa sinabi niya.



Ang saya saya lang namin. Hindi pilit na kasiyahan. Totoong-totoo.


"Pero seryoso Loisa, wag kang magpapadala diyan sa mga kaklase mong lalaking pumoporma sayo ah."


Seloso!


"Opo."


"Promise yan ah."


Tumango lang ako. Ang paranoid ng isang 'toh kahit kelan!


"Please say it, baby."


Wew! Kahinaan ko talaga yang baby niyang yan eh!!!!


"Promise po."


Ngumiti siya at hinalikan ang aking kaliwang kamay. "Good. Because I can't handle those guys who keeps on looking at you. Ayokong makita nila kung anong nakikita ko. Akin ka lang. And no one should dare to touch my baby except for me."



Oh my God. Bat nya sinasabi ang lahat ng 'toh. Mas lalo lang tuloy akong nahuhulog sa kanya. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko para kayanin ph damhin ang mga sinasabi niya. Nangatog ang buong sistema ko. I don't like this comversation. Mas lalo ko lang nakumpirma sa sarili ko na baliw na baliw ako sa lalaking 'toh.

-----------------------------------------------------------------

IKAW NA NGAOù les histoires vivent. Découvrez maintenant