Chapter 31

2.1K 7 0
                                    

Kinaumagahan matapos ang magdamag nilang pinagsaluhan gumising si Eunice na parang panaghinip lang ang nangyari kagabi....pero hindi totoong nakalimot sya kagabi at nagpaangkin sya sa binata ng buong buo....

Pero nasaan si Patrick wala na ito sa kanyang tabi....kaagad syang tumayo linibot na nya ang buong kwarto pero bigo syang matagpuan ang binata....Napaupo na lamang sya sa gilid ng kamo napayuko sapo sapo ang kanyang mukha...At hindi na rin nya mapigilan ang mapaluha...inis na inis sya sa kanyang sarili bakit ganoon lang sya nagpatalo sa nararamdaman...

"Napakalaki mong tanga Eunice......"sisi nya sarili.....

Muling bumalik sa alaala nya ang nangyari kagabi....ang gabi na kanilang pinagsaluhan na parang sa kanila lang ang mundo..Sigurado sya na alam na ni Patrick kung ano ang nararamdaman nya para dito hindi man sya sinabi pero buong puso naman nya itong pinaramdam sa binata sa pagpayag nyang magpaangkin dito...

Walang natatandaan si Eunice na ilang beses nyang nabangit kay Patrick na mahal nya ito bunga ng kanyang pagdedeliryo....

Ngayon na ang flight nya pabalik ng Manila ...Ano kaya ang maghihintay sa kanya pagbalik nya dun matapos ang mangyari sa kanila...sobrang naguiguilty na sya sa panloloko nya kay Derek.Patong patong na ang kasinungalingan na ginagawa nya at ito na ang pinaka matindi...Parang ilang saglit na lang ay sasabog na ang kanyang dibdib sa sobrang sakit na dinadala nito....

Pero hanggang ngayon ay nagtataka pa rin sya kung bakit biglang naglaho si Patrick....

Ilang sandali na lamang ay lalapag na ang eroplano......Balik na ulit sya sa realidad.....Paano nya haharapin si Derek dala dala sa konsensya nya na pinagtaksilan nya ito....

At higit sa lahat si Patrick saan sya kukuha ng lakas ng loob sa muli nilang pagkikita...."Ginawa mo yan pwes pagbayaran mo"bulong ng kanyang isipan.....

Dumertso na sya sa kanyang bahay.....At doon ay sinalubong sya ni Abby....kaagad nya itong niyakap ng mahigpit.....Sana ay habang buhay na lang bata ang kanyang anak walang alam walang kwestyon...dahil hindi nya alam kung paano sasagutin ang mga tanong nito at kung paano tatangapin ang sumbat nya....na bunga lang sya ng isang pagkakamali...

Paano nya sasabihin dito ang katotohanan tungkol sa kanyang ama...Napabuntung hininga si Eunice.....

Nagulat na lamang sya sa pag ring ng kanyang cp si Derek ang tumatawag..

"hello babe"

"Hi'

"I miss you..How's your trip?"

" Mabuti naman.."Ngayon lang sya tinawagan ni Derek simula nung bumiyahe sya patungong Quezon....sobrang busy naman sya kaya hindi nya ito matawagan o sadyang nawala ito sa kanyang isipan dahil tanging si Patrick lang ang umuokupa sa kanyang utak ng mga sandaling yun..Naguilty na naman sya.....Gusto man nya iconvince ang sarili mismo ang katotohanan na ang sumasapal sa kanya na talaga namang si Patrick lang ang laman ng kanyang isipan ng mga panahon na yun..

"Can I drop by.......gusto na talga kasi kita makita..Kung ok lang sayo"paalam ni Derek

Ipapagkait pa ba nya na makita sya ni Derek kumpara sa ginawa nyang kasalanan dito..Kaya pumayag na rin sya.....

Sa mansion ng mga Eusebio....

"oh tol..Kamusta conference mo marami ka bang naisara na deal'tanong ni Derek sa kapatid ng makasalubong nya ito.....Wala namn talagang conference yun lang ang dinahilan ni Patrick kaya mawawala sya ...Plinano nya talaga ang lahat para makasama si Eunice...

"Ok nman bro....may interesado naman makipag deal sa kompanya"pagsisinungaling ni Patrick...

" Good....Sige mauna na ako ngayon din kasi dumating si Eunice..pupuntahan ko lang miss na miss ko na kasi sya..."nakangiting paalam ni Derek

Saan lulugar si Patrick....bakit sa lahat ng pagkakataon iisa pang babae ang minamahal nila ng kanyang kapatid at sa nalaman nya kagabi na mahal din sya ni Eunice...Magagawa ba nyang ipaglaban ang dalaga kapalit ng pagkasira nilang magkapatid.....at paano ang nalalapit nilang kasal ni Sabrina...kaya ba nya itong talikuran para lamang sa tunay na babae na nagmamayari ng kanyang puso...

" Sana noon pa lang ay hindi na kita pinakawalan Eunice....sana hindi ko pinaniwala ang isip ko na galit ang nararamdaman ko sayo gayong alam ng puso ko na mahal na mahal kita...Sana hindi ko na lang pinilit ang sarili ko na kalimutan ka kahit alam kong sarili ko lang din ang niloloko ko na kaya ko.......Hindi yung ganito na kahit alam natin na mahal natin ang isat isa hindi pwede"sigaw ng isipan ni Patrick.......

"Ill go ahead magpahinga ka na rin"paalam ni Derek...

"Sige magiingat ka..."tugon nya.....

Humalik muna ito kay Eunice bago umalis......

May napapansin ang dalaga kay Derek iba ang kinikilos nito parang may itinatago..hindi lang nya maintindihan kung ano....Iba ito makatingin sa kanya na parang may ibig sabihin....

O napaparanoid lang sya dahil kinakain sya ng kanyang konsensya dahil sa panloloko dito....Hindi lang sya matahimik kaya kung ano ano ang iniisip nya....

" Akin ka lang Eunice.....Hindi ka na muling makukuha ni Patrick"bulong ng isipan ni Derek...

Lingid sa kaalaman ni Eunice at Patrick may nagmamanman sa kanila ito ay ang taong inutusan ni Derek para sundan si Patrick....Dinig na dinig kasi nito ang usapan ni Patrick at Mayor ng San Isidronung gabi ng birthday nya tungkol sa Medical Mission sa kanilang lugar na pareho din sa MM na pupuntahan ni Eunice alam nyang may binabalak ang kapatid hindi pwedeng nagkataon lang ang lahat na sa parehong lugar at araw kaya nagpangap syang may sakit para hindi makasama kay Eunice at malaman kung ano talaga ang plano ni Patrick pinaniwala nya ang lahat na masama ang kanyang pakiramdam ..  Walang nakaalpas sa pandinig ng taong inutusan nya mula ng magtapat si Patrick sa tabing dagat ng pagmamahal nya kay Eunice.....ang insidente ng paglalapat ng kanilang labi sa gitna ng ulan at higit sa lahat ang pagsasama nila buong magdamag sa hotel kung saan nagstay si Eunice......

"Boss kitang kita ko ang kapatid nyo at si Mam Eunice naghahalikan"balita ng inutusan ni Derek para manmanan si Eunice sa pagpunta nito sa Quezon....

Ito ang insidente na naglapat ang labi nila sa gitna ng ulan....wala silang kamalay malay na may nagmamatyag sa kanila......

"hayop ka Patrick..Sa pangalawang pagkakataon kukunin mo na namn sakin si Eunice pero sa pagkakataon na ito hindi na ako makakapayag"sigaw ng kanyang isipan..

'Gusto mo pala ng laro pwes maglalaro tayo at sa sisiguraduhin ko na ako ang mananalo...Kahit alam kong hanggang ngayon ay mahal ka pa rin ni Eunice alam ko na sa bandang huli ay ako pa rin ang pipiliin nya....."sambit pa nito sa sarili..

Umpisa na nga ng laro para kay Derek..paniniwalain nya ang lahat na wala syang alam.....Makikisabay lang sya sa agos.....Papa konsensya nya si Patrick hanggang ito na mismo ang umamin sa kanya dahil hindi na ito kayang dalhin ng kanyang konsensya....Paparamdam nya dito kung gaano nya kamahal si Eunice na ikakamatay nya kung mawawala ito para pagsisisihan nya kung bakit nya pa minahal ang dalaga.....

Hahayaan lang nya si Eunice sanay naman sya dito na ipamukha sa kanya na hindi sya nito mahal....Pero sa pagkakataon na ito hindi na sya magpapakatanga at magpapaka martir para sa dalaga...Hindi pwedeng habang buhay na lamang sya magiging talunan..Hindi man nya makuha ang puso ni Eunice hindi nya namn ito ipapaubya sa kapatid..

Alam nyang hindi rin makakayanan ni Sab na iwanan sya ni Patrick....Kaya hindi rin makakayanan ng konsensya ni Patrick na iwanan si Sabrina gayong malapit na silang ikasal....Alam ni Patrick na maaaring ikapahamak ni Sabrina kung tatalikuran nya ito...Kaya sa pagkakataon na ito matira ang matibay

Pagibig laban sa pagibig......

Kapatid laban sa kapatid........

ito ay sa ngalan ng iisang babaeng kanilang minamahal...

~done

forever in my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon