Chapter 58

1.7K 6 2
                                    

Araw na para sa engagement party nina Derek at Eunice..Abala ang lahat sa pagaasikaso nito ginawa talagang engrande ni Derek ang celebration...Sinigurado nya na magiging memorable ang gabing ito para sa lahat ng nandoon..Lalo na kina Eunice at Patrick....Dahil sigurado sya na dito na magsisimula ang lalong pagkamiserable ng kanilang buhay....

Sa bahay nila Eunice....Sinadya syang puntahan ni Ivy dahil alam nito na ngayon sya higit na kailangan ng kanyang bestfriend....Hindi nga nya alam kung bakit ito dindanas ni Eunice,,napakabuti nyang tao..Wala ni isa man syang sinaktan at inagrabyado...bakit sa kabila ng kanyang kabutihan ay pinaparusahan sya ng ganito...

Naabutan ni Ivy na nakahiga si Eunice sa kanyang kama....

"Eunice.."tawag nya sa kaibigan...

Pinunasan pa nito ang kanyang mata bago bumangon sa kama....Simula ng gumising sya wala na syang tigil sa pagiyak kusa na lamang tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata...

Umupo sya sa headboard ng kanyang kama...."Oh anong ginagawa mo dito?"

"Sis naman ngayon pa ba ako mawawala...." sabi ni Ivy at umupo na ito sa gilid ng kama ng kaibigan..

"Salamat .... magiging ok din ako ..."

"Kilala kita Eunice,nagpapangap ka na kaya mo ang lahat pero tao ka lang girl may karapatan kang mapagod,,,Alam ko na sinasabi mo na ok ka para hindi kami magaalala sayo...pero lalo kaming magaalala kung sasarilinin mo lahat mg nararamdaman mong sakit..."

"Hindi ko alam Ivy,,,hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman na hinihiling ko na sana mamanhid na lang ako para hindi ganito kasakit....pero hindi eh ramdam na ramdam ko pa rin ang lahat ng sakit tagos pa rin sa puso ko..."

"bakit naman kasi nagtitiis ka pa? bakit pumapayag kang magpa control sa hayop na Derek na yan...Lumaban ka naman kahit konti Eunice...mahalin mo naman ang sarili mo at hindi puro kapakanan ng iba ang iniintindi mo....Habang buhay ka na lang ba magpapaagos kahit alam mong lunod na lunod kana...."

"Ivy....hindi ko kaya na mas maraming masaktan once isipin ko lang ang sarili ko...lalong lalo na ang anak ko dahil alam kong sya ang madadamay sa lahat ng ito kapag hindi ako sumunod sa mga sinasabi ni Derek....kaya kong tiisin ang lahat ng parusa na iibigay nya sa akin pero ang maapektuhan dito si Abby ikamamatay ko......"

"Anong gagawin mo magpapakasal ka kay Derek na para mo na ring pinatay ang sarili mo....Girl,magiging impyerno ang buhay mo sa demonyong yun..."

"Alam ko.....pero para sa anak ko kahit impyerno man handa akong pasukin.."

"Hndi ko na tlaga kayang baguhin ang pasya mo.....Nasasabi ko lang siguro ang lahat ng ito dahil hindi ako ina...Kung ano mat anoman ang kakahintnan ng lahat ng ito doblehin mo ang tatag ay lakas mo yun ang higit mong kailangan.."

At doon niyakap ni Ivy ang kaibigan......ganun talaga siguro na hindi mo na maiisip ang sarili mo para lang sa ikakabuti ng mga taong mahalaga sayo na kahit ang sarili mong kaligayahan handa mong talikuran para sa minamahal mo....

Nagpaalam na rin si Ivy at nagsabi na ito na hindi sya pupunta sa engagement party mamaya baka hindi lang nya mapigilan ang sarili at ano pa ang magawa nya at labis itong naintindihan ni Eunice..

Alam ni Eunice kung gaano ka concern sa kanya ang kaibigan...kahit minsan ay nagkaroon din sila ng hidwaan pero hindi mapapantayan ng anomang hidwaan ang pagiging magkaibgan nila....

Marami nga silang pagkakaiba palaban kasi si Ivy ,hindi ito kailanman nagpadaig sa iba ginagawa nya ang lahat ng paraan para mapasakanya ang kung anong naisin nya.....basta ang importante ay kung ano ang magpapaligaya sa kanya....Hindi sya madaling sumuko at magpadala..sya ang tipo ng tao na papatay para lang hindi sya maagraabyado..

forever in my heartWhere stories live. Discover now