Chapter 57

1.7K 5 0
                                    

Hindi titigil si Sabrina hanggat hindi nabibigyan ng malinaw na sagot  ang kanyang kutob......Hindi sya pwedeng magkamali na nag kakaila lang ang kanyang asawa.....

Nagsisisi sya na sana noon pa nya inalam ang totoo.....Pero hindi pa huli ang lahat at once napatunayan nya na niloko lang sy ni Patrick hindi nya alam kung anong magagawa nya....

Kinaumagahan ng makaalis si Patrick papuntang opisina ay naghahanda na rin si Sabrina para kausapin ang private investigator na uutusan nya para magimbestiga kung ano ba talaga ang totoo...

Palabas na sya ng pinto ng ...

"SAB...Can we talk?"mula sa likuran na boses ni Derek....

"We can talk later Derek, I have an important things to do now"tugon nya sa bayaw...

"I can give the answer..."

Nagulat si Sabrina sa tinuran ni Derek...."Huh?what are you talking about?"nagtataka nyang tanong..

"Kung ano man ang gumugulo sa isip mo?"

"Can you get straight to the point Derek....I dont wanna waste my time na makipaghulaan sayo"

"Is it about Eunice daughter at ang hinala mo na si Patrick ang ama ng bata"

Bahagyang lumapit si Sabrina kay Derek....."Are you trying to say na totoo ang hinala ko?"

"Well Sabrina......what if kung si Patrick nga ang ama ng anak ni Eunice"

"Answer me with a YES or a NO Derek......Is my husband the father?"

"NO.....ako ang ama ng anak ni Eunice.....mali ang hinala mo..."

"bakit kailangan mo pang legalized ang pag addopt sa anak ni Eunice if you are the father at bakit nilihim mo pa sa amin ang tungkol dito for a long time....."

"dahil hindi pinaalam sakin ni Eunice na buntis sya nung may nangyari sa amin habang nagkukunwari syang si Lorraine...."

"Paano ka naman nakasiguro na ikaw ang ama ng bata ..... Eh during that time impossible namang wala rin nagyayari between Eunice or your brother"

"Coz Eunice knew kung sino talaga ang ama ng anak nya and ako yun Sabrina...."

"Im not convinced Derek.......Porket ba sinabi ni Eunice na ikaw ang ama maniniwala ka....nagpaloko ka naman gusto lang nya protektahan ang image nya ...She's a user Derek dahil alam nya na hindi sya paniniwalaan ni Patrick once sinabi nyang sya ang ama nito dahil nga manloloko si Eunice......at nagpaimbestiga ako dati he told me na hindi ikaw ang ama,,,,,"

"Sinabi nya ba kung sino ang ama ni Abby."

"Nope....."

"Dahil inutos ko sa taong inutusan mong magmanman kay Eunice  na itago ang natuklasan nya na ako ang totoong ama ni Abby kapalit ng malaking halaga .I  knew all the while na pinaiimbestigahan mo si Eunice dahil gusto na syang balikan ni Patrick dahil ayaw mong mawala sayo ang kapatid ko gumawa ka ng paraan para paniwalain si Patrick na hindi sya kailanman minahal ni Eunice...."

"Ginawa mo yun Derek..."

"Coz Im smarter than you my dear sister in law....."

"Pero bakit hindi mo sinabi sa inutusan ko na binayaran mo na ikaw ang ama ng anak ni Eunice...And pinalabas mo na walang nakakaalam kung sino talaga ang tatay ng anak ni  Eunice..."

"Dahil once sinabi ko na ako ang ama ng anak ni Eunice lalong matatapakan ang ego ni Patrick na dalawa kaming sinisipingan ni Eunice....Na ang sarili pa nyang kapatid ang tumarantado sa kanya...Lalo syang magagalit sa sarili nya na hindi man lang nahalata na ang inaakala nyang asawa ay sumasama pa sa ibang lalaki at sa lahat ng tao sa kapatid pa nya..Mas mahihirapan syang makalimot at mag move on ...At masisira pa ang pagiging magkapatid namin....mas mahihirapan kang pumasok sa buhay nya at mas hindi ka nya magagawang mahalin kung puno ng galit ang puso nya ,,,,at sa araw araw pa nya akong makikita lalo lang isasampal sa mukha nya ang katotohanan na tinarantado sya....Atleast kung hindi nya kakilala ang ama ng anak ni Eunice at hindi nya ito nakikita mas madali para sa kanya ang kumawala diba.....So ngayon masaya na kayo ikaw na ang asawa at ako malapit na rin kami ikasal ni Eunice sana ibaon na natin sa limot ang nakaraan...At ikaw trust your husband...Ikaw ang mahal nya at hindi nya magagawa na lokohin ka"

"tama ka Derek....Siguro kung nalaman ni Patrick na ikaw ang ama ng anak ni Eunice lalo syang magagalit sa sarili nya..At masisira pa ang pagiging magkapatid nyo....Sobrang naguguilty ako dahil pinagisipan ko sya ng masama dahil sa pagdududa ko hindi ko inisip yung mararamdaman nya.....Hindi ko lang naman din kasi maiwasan kamukha nya talaga yung bata....."

"Sabrina naman.....syempre magkapatid kami ni Patrick iisa lang ang genes na pinangalingan namin kaya impossible naman na hindi mapasa sa magiging anak nmin,,,,,kami nga ni Patrick lagi kami pinagkakamalan na kambal...."

"Now I understand.......Malinaw na sakin ang lahat......But wait paano mo nalaman na naghihinala ako about Abby?"

"Yung sa reaction mo lang nung nakita mo si Abby kagabi at sa buong gabi mong pananahimik alam ko na yon ang iisipin mo....."

"Yah..masyado lang ako nasurprized last night....."

" basta ayusin nyo na ni Patrick ang lahat..at pakiusap ko lang sayo Sabrina wag mo munang sabihin kay Patrick na ako ang ama ni Abby,,,hayaan mo na ako na lang ang magexplain sa kanya ng lahat......"

"No prob..thanks Derek for clearing things up"

"I just want you guys to be happy....alagaan nyo ang pagsasama nyo lalo't soon makukumpleto na ang pamilya nyo.."

At doon natapos na ang usapan nina Derek at Patrick..sigurado sya na nabilog nya ang utak ni Sabrina sa kasinungalingan nya at ngayon magkakaroon ng utang na loob sa kanya si Patrick sa hindi nito pagsabi na sya talaga ang ama ni Abby..

At may biglang bumalik sa alaala ni Derek...Four years ago,,

Alam ni Derek na may nararamdaman na rin si Patrick para kay Eunice sigurado sya dahil isang beses pumasok sya sa kwarto nito para may itanong sna sa kapatid naabutan nya ito na natutulog na hawak hawak ang litrato ni Eunice at yakap yakap pa nito......nagkalat pa ang bote ng beer sa sahig..alam nyang nasasaktan ito sa lahat ng nangyayari,,,,

At nasaksihan din nya na hindi ito iniwan ni Sabrina pinakita nito kung gaano nya kamahal ang kapatid kahit pagtabuyan pa ito ni Patrick...

At  narinig nya ang usapan ng dalawa na nakapgdesisyon na si Patrick na ipaglaban ang tunay na nararamdaman nya para kay Eunice......Na gagawin lahat ni Patrick ang lahat para muli silang magkasama.....

At doon ay narinig ni Derek na may kausap si Sabrina sa phone na may iuutos sya na manmanan si Eunice Sarmiento..At ibalita sa kanya kung ano na ang nangyayari dito uunahan na nya si Patrick,,

Kaya may inutusan si Derek para sundan si Sabrina ....At naabutan ito na nakikipagusap sa isang private investigator tungkol sa karagdagang utos para sa pagiimbestiga kay Eunice..

Pero kapalit na malaking halaga na ibinigay ni Derek inutusan nya na ibahin ang kwento kay Sabrina na palabasin na may relasyon sila ni Eunice at hindi sabihin dito kung sino talaga ang ama ni Abby.....

End of FLashback......

Hindi pa ngayon ang tamang panahon para sa malaking pasabog sa isip isip ni Derek...hanggat hindi pa kami nakakasal ni Eunice hindi pa pwedeng lumabas ang katotohanan..

 Sumasangayon ang lahat sa plano ni Derek.......

Para lang syang derektor sa sarili nyang pelikula......

Kinabuksan na rin sa engagement party magkakaraon ng isang malaking pasabog si Derek...

NEXT CHAPTER....engagement party..

Wait for my next update....

forever in my heartWhere stories live. Discover now