Hanggang Kailan

473 6 0
                                    

III: Hanggang Kailan

—————

Hanggang kailan ako magiging ganito?

Magiging gising sa buong magdamag kakaisip sa iyo?
Nagbibigay ng saya ngunit siyang kasabay ng pagdurog ng aking puso.

Pagdurong sa katotohanang hindi ako ang mahal mo,
Dahil kahit anong gawin ko, siya ang totoo.

Hanggang kailan ako magiging sunud-sunuran sa'yo?
Hanggang kailan ako magiging pangalawa mo?

Hanggang kailan ako—tayo magtatago ng relasyon nating ito?
Hanggang kailan ako aasa na balang araw ako naman ang mamahalin mo?

Hanggang kailan?

THOUGHTS (Poetry)Where stories live. Discover now