Salamat

214 5 3
                                    

IX: Salamat

—————

Salamat. Salitang masarap pakinggan.

Salitang masakit minsan kapag sinundan ng "pero ayoko na".
Salitang minsan ayaw ko nalang marinig.
Salitang minsan ay masakit sabihin sa taong hindi mo na makikita kailanman.

Salamat.

Hindi ko alam kung ako na ba ay nababaliw sapagkat ayoko na itong marinig. Ayoko na itong marinig mula sa iyo dahil maaaring sabihin mo ay "Salamat sa lahat pero pinapalaya na kita".

Pero... Hindi.
Wala na e,
Wala ka na.
Huli na ang lahat.
Nasabi mo na.
Hindi ako agad nakapag-isip.
Hindi ko agad nasabi sa'yo na ayokong ikaw ay lumayo.

Iniwan mo ang makulay kong mundo.
Ito ay unti-unting nagdilim at wala nang sino mang nagtangkang pumasok.
Wala akong ibang gusto kundi ikaw lang,
Pero iniwan mo ako ng basta lang.

Ngayon, hindi alam kung paano babangon,
Mula sa pagkabigo at pagkadurog ng aking puso.

Salamat.

Salamat sa iyong pag-durog sa aking pagkatao.

THOUGHTS (Poetry)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora