Kaibigan

251 3 2
                                    

XIII- Kaibigan

—————

Siya ang taong handang ibigay ang tiwala.
Tiwala sa taong tinuturing na hindi lang kaibigan,
Hindi lang kaibigan kung hindi Kapatid rin.

Mga oras na nilalaan sa bawat isa,
Tampuhan na di maiiwasan,
Kwentuhang pang-matagalan,
At hindi mawawala ang wala nang bukas na tawanan.

Ngunit iyon ay magiging ala-ala nalang.

Tayo'y magkakahiwalay na.
Ang pagsasama ay tapos na.
Ang saglit na kasiyahan ay mananatili na lamang sa ating isipan.

Masakit isipin na tayo ay magkakalayo na.
Masakit sapagkat aalis na ang kaibigang hindi nang-iwan sa kahit anong pangyayari.

Ngunit hindi pa huli ang lahat.

Magkakalayo tayo ngunit hindi magkaka-limutan,
Magkakalayo tayo ngunit mananatili ang bawat isa sa ating puso at isipan.

Dahil ang tunay na kaibigan,
Ilang araw, linggo, buwan, o taon man hindi magkita,
Kapag dumating ang oras na tayo ay muling magsama,
Parang kanina lang tayo nagka-walay.

May tiwala ako na tayo'y magkikita muli sa hinaharap,
Tayo'y magkakasama muli,
At tayo ay gagawa ng panibagong ala-ala na muling tatatak sa ating puso't isipan.

Sa muling pagkikita, kaibigan.

THOUGHTS (Poetry)Where stories live. Discover now