"Panyo Ko, Nginit Mo"

24 2 0
                                    


Wag kang mag-alala kung iniwan ka n'ya;
Sadyang 'di na lang siguro s'ya masaya;
Ang magpanggap ay 'di na rin niya kaya;
Tahan na, hayaang sarili'y lumaya.

Ngumiti ka't ipakita ang 'yong ganda.
Buhay mo, ngayo'y ikaw na'ng magtatakda.
Tumayo ka't mahaba pa ang parada.
Sa araw ngayo'y ikaw naman ang bibida.

Paglimot, sadyang 'di isinakapsula.
Tadahana ay mukha mang napakapakla.
Sa diwa'y 'di man sinliwanag ng tala.
Bawat alaala'y 'di dapat mawala.

Ikaw ay nagmahal ngunit nasaktan ka.
Pait ng pag-ibig 'wag sanang magmarka.
Nang 'di makasakit mala sirang plaka.
Pakatandaan mo ito, matibay ka.

Halina't bumangon 'pagkat umaga na.
Alas dose ng gabi ay nagdaan na.
Masdan mo ako't subukang ngumiti na,
Bagong pag-asa'y sa'yo'y manghaharana.

How To Smile With HappinessWhere stories live. Discover now