Chapter 88
After noon..buong araw ko hawak yung pink rose, pinagtitinginan na nga ako..pero lahat sila nakangiti..ewan ko..baka alam na nila yung nagyari..naririni-rinig ko pa nga si seth na sinasabi sa akin na sikat na daw ako..blah-blah..pssshhhhh..speaking of seth..hindi ko pa nga pala nasasabi kay aidan yung sa interview..pssshhh..whatever..haha magsawa ang lokong yun..
Nga pala nasa labas ako ng room ngayon at kasama ko ang mga kabarkada ko..kakatapos lang ng klase namin at may hinihintay ako..kasi may pupuntahan ako este kami ngayon
"tagal naman" wala sa sarili kong sabi
"sino naman?" tanong ni ezelle
"ah..wala" sabi ko..
pinag-uusapan pa namin na dahil late na kami nagsimula ng class..sa January na daw ang midterms plus 2 weeks na lang Christmas break na..gosh!!parang 2 linggo pa lang ako napasok..bakasyon na naman!wahahahaha..saya!
"bakit daw ganun?" sabi ko
"well..maliban sa mali ang nagawang time frame ni ms. Author kaya ganito kagulo ngayon eh..hindi pwedeng hindi magkaroon ng 2 weeks sembreak..magkakagulo na..alam mo naman ang estudyante..kumonti lang ang panahon ng bakasyon..akala mo inapi na" paliwanag ni telli
infairness may point xa
"kung sabagay..ako rin nama-" hindi na natuloy ni Marriel ang sasabihin nya kasi dumating na ang kanina ko pa hinihintay
"Finally!" nasabi ko
"paxenxa na at late ako..nakatulog kasi ako sa klase..naiwan na pala ako hindi ko pa alam" sabi ni Yueh
nabatukan ko nga "pasaway ka!o hayan.." binigay ko ang bag ko na may laptop sa kanya
"ano ito..dadalhin ko?" tanong nya
"hindi..baka kakainin mo..haller"
"pasalamat ka-"
"EHEM!"
napatingin kami sa mga kaklase namin
"ay sorry..ui..mauuna na kami nitong si Yueh..nagpasama kasi ako sa kanya"
"ano yan ha??date??" asar nilang tanong
"Hindi!mga adik..sabihin na lang natin na..monthsary ko ngayon at dapat ay may gawin akong special..kaya lang wala naman yung kamonthsary ko kaya naman..dahil sa SOBRANG BAIT nitong si Yueh..nafairygodbrother ko kaya tutuparin nya ang wish ko..di ba yueh?"
"oo na..tara na..nababanasan na ako dito"
"xaxa..papansin ka pa dyan kay marriel eh..gotta go!"
hinila ko na xa habang nagsasalita xa ng 'hindi ako nagpapansin'..hanggang maka-abot kami sa sakayan ng jeep..
"alam mo yueh..tumigil ka nga sa pagdedeny mo dyan..halata ka naman" iimik pa xa kaya lang pinatigil ko na xa "hep..wag mo sasabihing mali ako..masyado kang defensive..kaya lalo ka napaghahalata"
"whatever..sandali..san ba tayo pupunta at talagang hinila mo pa ako?"
"basta..please..mamaya ka na magtanong" at pumara na ako ng jeep..
pagkasakay namin ng jeep..naging tahimik lang kami..pero halata naman sa kanya na hindi xa marunong sumakay ng jeep..wahahaha..
"alam mo Yueh..hindi ka naman mamatay pag sumakay ka ng jeep"
"hindi kasi ikaw ang pinagtitinginan ng ganito"
napatingin ako sa mga pasahero..pambihira!gumana na naman ang pagiging pogi ni pareng yueh!
"yan..nagana na naman ang kapogian mo!" sabi ko
tapos parang nawala yung pagkailang nya at ngumiti xa "so..inaamin mo na pogi ako?"
napatampal ako sa may noo ko..(buti na lang nasa lap ko yung flower) MAGPINSAN NGA SILA NI AIDAN!!!!ANG HAHANGIN!!!
"BIGLANG HUMANGIN..HOOOHH..ANG YABANG!!" with matching parang nadadala effect pa ako para bongga ang drama
"sus.."
tapos napansin ko na parang kinikilig na kiti-kiti yung mga nasa tapat namin..halatang mga highschool students pa lang..
"pati mga highschool students kinikilig sayo..pambihira"
"ikaw lang naman ang hindi eh"
ayan na naman xa..hindi ko alam kung biro lang o nagpaparinig
hinampas ko xa "alam mo minsan hindi ko alam kung..ay ewan!"
ngumisi xa "sa kaiingay mo dyan..baka makalampas tayo!hindi pala sa inyo ang punta natin saan tayo-"
"PARA PO!!!!!!!" grabe muntikan na kaming makalampas
pumureno yung jeep ng bongga..hinampas ko xa bago kami bumaba "ANG YABANG MO KASI!!AYAN TULOY MUNTIKAN NA TAYONG LUMAMPAS!!" sinasabi ko habang bumababa kami
"aba..ikaw kayang-"
"BABA NA!!"
ayan..ang ingay namin habang nasa daan..pero ng matapos ang mga walang kwenta naming pag-uusap..nagtanong na rin xa
"asan tayo?"
"sa isang place na special sa akin"
tumango lang xa at sumunod..
Sakto lang ang dating namin..pansin ko..halos sunset na noon..at gaya ng dati..
Maganda pa rin ito..
Umupo ako sa may damuhan, inilapag ang bulaklak na bigay sa akin ni aidan at binuksan ang laptop ko..swerte ko na alam kong wi-fi area itong lugar na ito..kaya naman malakas ang loob kong tingnan ang mail ko..
Hindi umiimik si yueh sa tabi ko..heto ang isa sa pinakagusto kong katangian ni yueh..alam nya kung kailan tatahimik at alam nya kung pwede ng umimik..
Dub..dub..
Dub..dub..
Dub..dub..
Ang bilis ng tibok ng puso ko..sobra
Ewan ko kung bakit ramdam ko..dahil sa espesyal ang araw na ito..alm ko..
Sa wakas..malalaman ko na ang lahat..
Ilang saglit pa..nabuksan ko na ang mail ko..
You received one mail in your inbox (sorry..di ko tanda kung ganyan nga ang lumalabas sa email..hqaha..pagbigyan nyo na)
Dub..dub..
Dub..dub..
Dub..dub..
Pumikit ako..
Heto na iexsha..
It is either bigo ka o iiyak na naman..
Ang pangit ng parehas na choice..
Nang tingnan ko kung sino..
Galing kay Aidan Genesis Hazuell..
Sa wakas..halos maiiyak na ako ng makita kong nagmail na xa..pero kailangan ko ito kayanin..kung yun nga kanina kinaya ko..ito pa?
Kaya nga sinimulan ko na xang basahin..
Mhine..
I'm so sorry..sorry sa lahat..lahat lahat..tanga ako at ulaga ng iniwan kita ng wala man lang akong paalam..tanga ako kasi naduwag ako..naduwag ako na baka pag nakita kitang umiiyak..baka hindi ko na kayanin na iwan ka pa..naduwag ako na baka magalit ka sa akin..na baka paalisin mo na talaga ako hindi lang dyan sa Philippines kung hindi sa buhay mo sa sobra mong galit sa akin..at yun ang hindi ko kakayanin..higit pa sa distance..ang malaman kong inalis mo na ako dyan sa puso mo..yun ang higit na masakit sa akin..
Nagtataka ka siguro kung bakit ngayon lang ako nagreply sa email mo..maliban kasi na inaayos ko pa ang problema ko sa family ko..iniipon ko ang lahat ng lakas ng loob na meron ako para kausapin ka kahit sa isang email lang..
Kung akala mo habang binabasa ko ang sulat mo natatawa ako sa un among mga pagbabanta..to tell you honestly..OO!!natatawa ako..pero..at the same time..halos napapaiyak na rin..ikaw lang ang nakakagawa nito sa akin!!ikaw lang!!!
At tungkol doon sa mukhang aso..IEXSHA NAMAN!!maniniwala ka doon???kung nagsasawa man ako..yun ay dahil sa mga katulad nyang epal..pero ikaw??ikaw?? pagsasawaan ko??hindi ahh!!! Never!!!masyado kitang mahal para magsawa!!!
Alam kong habang binabasa mo ito..nakita mo na yung video na binigay ko kay sir mars..alam kong nagitla ka..pero sana maunawaan mo na higit sa video..mas gusto kong magsorry sayo ng personal..
Mahal na mahal na mahal kita..tandaan mo yan..walang anuman o sinoman ang pwedeng magpabago noon..hindi hadlang na malayo tayo sa isa't isa..wala sa distance ang sukatan ng pagmamahal ko sayo..higit pa yun sa layo ng france sa pilipinas..alam ko corny na ako..pero yun talaga ang nararamdaman ko..
Can't wait to see..hear..and feel you baby..isang buwan pa lang pero parang nauupos na ako dito sa france..hindi lang ikaw ang nahihirapan..higit ako..
Wag kang mag-alala..hindi kita ipagpapalit sa mga babae dito..kahit pagsama-samahin sila..kulang sila para higitan ka!!
Sana nagustuhan mo ang mga roses..
Sana mahintay mo ang sandaling ako na..
Ako na ang magbibigay ng huling rose..dahil bumalik na ako..
Tandaan mo..pagbalik ko..
Wala ng urungan..
I love you..
PS..sana pagbigyan mo na si Seth na interviewhin ka..
Aidan
Higit sa gulat ko sa PS nya ay ang gaan sa pakiramdam na naramdaman ko..na para bang kahit konti gumaan ang lahat sa akin..pinatay ko na ang laptop ko at binalik na ulit sa bag..si Yueh..tahimik pa rin..tumayo ako at hinawakan ang rose na bigay nya sa akin habang nakatingin sa araw..
"Naalala ko noon..habang binabasa ko ang New Moon..hindi ko maisip na para bang ganun ba talaga kahirap na mawala ang taong mahal mo sayo? Ang iwan ka nya ng biglaan?ganun yung naramdaman ni Bella noong iniwan xa ni Edward di ba?pero ngayon..mas nauunawaan ko na ang nararamdaman ni Bella..higit sa nauunawaan nararamdaman ko yun..sabi ko noon..di naman siguro tunay yung parang may butas na sa pagkatao mo kapag nawala ang taong mahal mo..yung wala kang magawa kung hindi maghintay na lang..nararamdaman ko xa ngayon..Yueh..bawat araw..bawat oras..bawat segundo..hindi lang pagkatao ko ang parang may kulang..kung hindi ang puso ko..hindi man physically pero alam kong nasa france ang puso ko..nasa kanya..at ang butas na nararamdaman ko ay ang pagkawala nito.."
tumingin ako sa kanya..nakatingin xa sa araw..pero alam kong nakikinig xa kaya itinuloy ko ang pagdadrama ko..
"Nang makita ko xa kanina..higit sa gulat ang naramdaman ko Yueh..pangungulila..hindi mo lang alam kung gaano kahirap sa akin ang hindi lumupagi kanina at ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko..hindi mo lang alam ang pagnanais kong lumapit sa unahan at haplusin ang mukha nya..kahit alam kong whiteboard lang ang mararamdaman ko..pero napigilan ko ang sarili ko dahil alam ko..gaya ng sabi nya..na halos parehas lang kami ng nararamdaman..
isang buwan pa lang..upos na ako Yueh..pero nagpapakatatag ako dahil kailangan at dahil alam kong yun ang gusto nya..
hindi nyo lang alam kung gaano ako katakot na buksan ang email nya kanina sa akin..natatakot ako na baka ayaw na nya sa akin kahit kanina lang naririnig ko xa kasama nyo na mahal nya ako..para bang hindi ako kuntento ng ganun lang..selfish na kung selfish..maarte na kung maarte..pero gusto ko..iconfirm nya mismo yun sa akin at yun nga ang laman ng email nya sa akin kasama ng explanations nya..
hindi ko magawang magalit o magtampo sa kanya..pakiramdam ko..pagnagalit ako..hindi ko mapapatawad ang sarili ko..ganun ko xa kamahal yueh..ganun ko kamahal ang pinsan mo..na gagawin ko ang lahat..lahat-lahat para hindi iparamdam sa kanya na nalulungkot ako kasi ayaw kong mag-aalala xa..kahit na pekein ko ang ngiti ko..pero kilala nya ako..alam nya yun ang ginagawa ko kaya pinayuhan na naman nya ako doon..at masaya ako na kahit papaano iniisip nya ako..kahit malayo na kami sa isa't isa" pinipigilan ko ang sarili ko na hindi umiyak..kaso waepek pa rin..
naramdaman ko na lang na niyakap na ako ni Yueh
"iiyak mo lang"
hindi na ako nagmatigas at umiyak na ako..na halos mabasa na ang damit nya..pero tumigil din ako ng mapansin kong papalubog na talaga ang araw..tumingin ako sa araw at pinahid ang mga luha
"alam mo ba na dito kami huling nagdate ni Aidan?"
"talaga?"
tumango ako "ganito rin noon..pinanood naming ang sunset sa" tinuro ko yung ferris wheel na ganun pa rin ang hitsura pero halatang hindi na nagamit ulit.. "dito ko naranasan na maging sobrang masaya..kaso hindi ko akalain na babawiin agad yun sa akin..umalis xa at iniwan ako..pero maghihintay pa rin ako yueh..hihintayin ko xa"
ngumiti si yueh ng tumingin ulit ako sa kanya "yan ang iexshang kilala ko..lumalaban"
"tama ka..ako nga ito.."
tapos naglakad ako ng konti at sumigaw..
"AAAAAIIIIIIIIIIDDDDDDDDDAAAAAAAAANNNNNNNNNN!!!HIHINTAYIN KITA!!!HIHINTAYIN KO NA DUMATING ANG ARAW NA IKAW NA MISMO ANG MAGBIGAY SA AKIN NG ROSE!!HIHINTAYIN KITA KAHIT GAANO KATAGAL!!!KUNG MAY BIBITAW LECHE PINAPANGAKO KONG HINDI AKO YUN!!!NARINIG MO!!!MAHAL NA MAHAL KITA G*GO KA!!!!!!!!!!!!!!!!!"
after kong magwala..tumingin ako kay yueh at niyaya na xang umalis..kinuha nya ang gamit ko at dinala yun....pero bago kami lumabas bumulong xa sa akin
"T*nga lang si Aidan kapag xa pa ang unang bumitiw"
at lumabas na kami na masaya sa dreamland ko..
bitbit ang isa pang pangako na pupunta dito every 27th of the month..
at ang assurance sa sariling..
walang bitawan
�������<,xIsnO
BINABASA MO ANG
Spaces To Fill Book 3: Keep Holding On (COMPLETE)
Teen FictionKeep Holding on Minsan.. akala mo kuntento ka na sa buhay mo.. na masaya ka na sa mundo mo.. mahal mo xa at mahal ka nya.. sapat na.. pero minsan hindi mo aakalain na may isang sorpresa ang gugulat sayo.. hindi lang basta gugulat k...