Chapter 99
Tik..tak..
Tik..tak..
"urrrggghhhh"
boink!boink!
boink!boink!
"ano ba.."
boink!boink!
boink!boink!
"ano ba kasi..natutulog pa yung tao"
boink!boink!
boink!boink!
"ANO BA KASI!!"
Napabangon ako sa kama at sinamaan ng tingin kung sino man ang tangang gumising sa akin..sa lahat naman ng ayaw ko..YUNG GINIGISING PA AKO!!
O_O
"Yu-yueh?"
huh? Anong ginagawa ni Yueh sa kwarto ko?????
"wag mo akong tingnan ng ganyan"
nagkamot ako ng ulo ko tapos humiga ulit "aaaaahhhhh..nananaginip ako.."
pak!
"ARAY!!!" napabangon na talaga ako "ANO BA KASI!!!"
tapos dun ko lang napagtanto..
ohmy..
"ANONG GINAGAWA MO DITO??????????????!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
ngumisi lang xa "ginigising ka"
"huh???at kailan ka pa naging alarm clock ko?"
"ngayon lang.."
sinamaan ko xa ng tingin "SISIGAW AKO KAPAG MAY GINAWA KANG MASAMA SA AKIN!!" inilapit ko sa sarili ko ang kumot
Boink!
"kanina mo pa ako binabato ng..ANO BA YAN??"
"butong pakwan"
"BUTONG PAKWAN???????"
"inulit"
"grrrr"
"nagtatanong ka di ba kung bakit ako nandito?"
"oo naman..yadah..."
"kasi po.."
"ANO???pasuspense ka pa..bwisit ka"
" birthday mo kasi"
...
"huh..xa din pala..nakalimutan na birthday nya"
Boink!
"ARAY!!" xa naman ang sumigaw
"asa ka naman na nakalimutan ko na birthday ko!"
"weh"
"YUEH!"
"oo na..hindi mo na nakalimutan"
"sandali..bakit nandito ka nga?"
"ginigising ka nga"
"pwede naman sina kuya ahh"
"ahh..ehh..ako na lang daw"
"hmmm..weird..pinapasok ka sa kwarto ko..meaning-"
"may tiwala sila sa akin"
"tama!"
umayos na ako ng tayo at tinitiklop ko na ang kumot ko.."nagising na ako..pwede ka ng lumayas"
tumaas ang kilay nya "ganun?"
"oo..hmmmmppphhh..sinabi mo ngang birthday ko..hindi mo man lang ako binabati...hmmmppp"
napatawa xa.."sus..yun lang pala ang hinihintay..happy birthday"
"psssshhhhh..kung hindi ko pa nasabi..hmmmpp!!!!!!!!!!!"
"sayang ang regalo ko"
tiningnan ko lang xa (nasa upuan xa na malapit sa kama) "wala akong paki" tapos tumayo na ako "aalis na ako..galit ako sa mga taong ginigising ako ng maaga..tapos aasarin lang ako"
"yan ba ang tinatawag na 'Debutant syndrome'?"
tiningnan ko lang xa ulit bago ko hawakan yung knob "hindi..ito ang tinatawag na 'nagtatampo ako sa kaibigan ko kasi ginising nya ako ng di oras at napilitan lang xang bumati ng happy birthday disease' kaya aalis na ako bago ka pa mahawa sa akin"
hinawakan ko na yung knob at pinihit..
....
...
???????
pinihit ko pa ng pinihit..pero..ayaw pa rin "LOCK!!!!!!!!!"
"oo nga..yan ang rason kung bakit hindi din ako makakaalis"
"WHAT???KANINA MO PA ITO ALAM..BAKIT HINDI MO SINABI SA AKIN?????"
"nagtanong ka ba?"
"AARRGGGGGHHHHHHH!!!" tapos sumigaw pa ako "KUYA!!!!!INAY!!TATAY!!BUKSAN NYO ANG PINTO!!!"
"hindi nila yan bubuksan"
"at bakit naman?"
"kasi sila ang nag-lock nyan"
"WHAT??"
"oo..kaya tama na yang pagsigaw mo..nakakabingi"
lumapit ako sa kanya at dinutdot xa sa ulo "ikaw ang pakulo nito?"
"hindi ahh..paranoid ka lang"
"huh???paano naman ako hindi mapaparanoid..una, nagising ako ng hindi sa oras..pangalawa, may LALAKI sa kwarto ko..at pangatlo, LOCK ang pinto..sabihin mo..sinong hindi mapaparanoid???"
tumungo xa.."sorry" yun ang narinig ko sa kanya
Pumunta ako sa banyo..buti na lang at may banyo ako sa kwarto ko..inayos ang buhok ko, nagmumog, at naglinis ng mukha..nang makalabas ako ng banyo..nakita kong nakayuko pa rin si Yueh..yan..nakonsensya tuloy ako sa inasal ko..dahan-dahan akong lumapit sa kanya tapos umupo ako sa kama at sinandal ang likod ko sa pader
"ako dapat ang mag-sorry..ganito talaga ako kapag bagong gising..nagwawala..alam ko naman na kaya ka lang nandito talaga para pasayahin ako sa birthday ko..grabe..parang noong isang araw lang birthday mo lang..ngayon-"
"dalaga ka na"
ngumiti ako "oo nga ano..haha..si Iexsha Kylie Grzybowski ay dalaga na.."
"dalaga na nga..isip-bata nga lang"
binato ko nga ng unan "ang sama mo!" nag-pout pa ako
"aba..sa ginagawa mong yan..tunay talaga ang sinasabi ko"
"oo na.." may naalala ako "regalo ko?"
"akala ko ba ayaw mo?"
"maraming namamatay sa maling akala"
"o xa.." tapos may kinuha xa sa bulsa nya at inabot sa akin..
medyo maliit na box xa..hmmmm.."nambarat ka na naman ano?"
"bakit naman?"
"ang liit nito.."
"it's not the size..it's the value"
"wushu..palusot"
"buksan mo na nga lang kasi.."
So binuksan ko na nga..dahan-dahan pa..sayang yung ribbon..pero pagdating sa wrapper..
"mas grabe ka naman sa akin kung murderin yung wrapper"
"walang pakialamanan"
"fine..tingnan mo na lang"
so sinunod ko na nga yung payo nya..kung sabagay..ito ang first gift ko..kaya naman excited akong buksan..
pagbukas ko..
O_O
"oh..my..gosh.."
O_O
Napahawak ako sa bibig ko..
"tu-tunay ba ito?"
"oo naman.."
tiningnan ko ulit yun..at inilagay sa may palad ko..hinawakan at dinama ko ang design na nakaukit dito.. "seryoso ka?" tanong ko sa kanya kahit na hindi ko xa tinitingnan at talagang parang naengkanto ako sa binigay nya
"oo nga.."
curious na ba kayo kung ano ang regalo nya sa akin?
"nabubuksan ba ito?"
"Oo naman..original yan ehh" tapos lumapit na xa sa akin at inabot yung parang lock tapos nabuksan na nga
"OMG!!hidni ka nga nagbibiro..original talaga!!!!"
ngumiti xa "akala mo ba ikaw lang ang may kayang mag-order nyan sa net?"
"..."
hindi ko na xa nasagot kasi namangha ako sa nakita ko..
tik..tak..
nakita ko kung anong oras na.. 9:30..kita nyo na?ang aga pa..11 dapat ang gising ko!hay naku.. tapos napatingin ako sa isang side..
may nakaukit..
11-11-2009
Don't forget!!
Napatingin ako sa kanya.."ano itong nakasulat na ito?"
"yan yung date na kung saan..
unang beses akong nakampante at kumalma..simula ng mamatay si Reina"
ahh..yung nagwawala xa.."sus..wala yun.." tapos bumalik ako sa pagtingin sa hawak ko..
isang pocket watch..
tama isang pocket watch..pero hindi xa basta pocket watch lang..
dahil para xang locket..sa labas..ay nakaukit ang design na nagbibigay ng importance para sa akin..
sa lahat ng adik sa anime katulad naming dalawa.. isa itong PRICELESS item
Lion pocket watch..
At ang mga taong nakakaintindi sa akin..tama ang hinala nyo..
Ang simbolo bilang isang LEGALLY STATE ALCHEMIST (Fullmetal Alchemist)
Grabe..super ganda talaga..PANGARAP KO TALAGA ANG MAGKAGANITO!!!!
"hindi pa rin ako makapaniwala..grabe..Yueh..wahh..salamat..naiiyak na ako!!tapos yung meaning nung date..grabe..i feel so important!!"
napatawa xa "oa mo naman..alam mo ba hinanap ko talaga yan sa net..grabe..ang daming nagbebenta ng ganyan kaso puro fake..hanggang mahanap ko din ang distributor ng original na ganyan..tapos pinaukit ko yung date at ginaya yung statement na nakasulat sa Fullmetal alchemist (yung 'Don't forget!!') "
"alam mo..kung hindi ko lang friend si Marriel..naku..nayakap na kita ng bonggang-bongga! Pero dahil mabait ako..hindi ko yun gagawin"
"tsk..idinamay pa si marriel" sinabi nya pero nakikita naman na..uii..nagbablush!haha
"ano nga pala ang nangyari sa inyo ni marriel?"
"balita ko hinabol mo xa noong last day..anong nangyari?"
napataas ako ng kilay "fine..ako muna ang magkekwento..pero pagkatapos ko..ikaw naman"
"oo.."
"so..nang makaalis kayong dalawa ni Lance..nandun na pala yung mga kabarkada ko..at hinanap na namin si marriel..nakita namin xa sa isang room na hindi ginagamit tapos..."
Flashback!
Isang nakakagulat na marriel ang bumungad sa aming lahat..
Kagulat gulat na nakatingin lang xa sa may bintana at walang kibo..parang kanina lang umiiyak xa sa harapan namin
"Marriel" sabi namin
pero hindi xa lumingon pero nagsalita pa rin xa "bakit ganito ang lahat?"
"...." Hindi muna kami umimik habang papalapit sa kanya..ako yung pinakalumapit sa kanya
"alam nyo ba kung gaano ako kasaya ngayon?na para bang tumatalon ang puso ko sa mga narinig ko kanina..mahal nya pa ako..mahal pa ako ni Yueh..masaya..sobra..na para bang gusto ng lumabas ng puso ko sa sobrang saya..pero-" tumingin xa sa akin tapos tumingin ulit xa sa labas "nang makita ko si Lance.." tapos napaluhod xang bigla at umiyak na "nakaramdam ako ng hiya sa sarili ko..sa totoo lang..naging masaya ako kapag kasama ko xa pero ginamit ko lang xa!ginamit ko lang xa para hindi na ulit ako masaktan..pinaasa! dati..galit nagalit ako kay Yueh dahil pinapaasa pa rin nya ako..pero..yun din ang ginawa ko kay Lance!!"
ako..si ezelle..si Hannah at Lhen ay lumuhod na rin para damayan xa..ang iba ay umupo sa mga upuan na malapit sa amin
Wala akong maiimik ng tama..alam kong mahirap ang nasa sitwasyon nya..oo nga at halos parehas kami ng sitwasyon dati..pero..ang akin kasi..hindi ko alam at hindi ko ieentertain ang feelings ni Yueh..at halos igive-up ko na ang nararamdaman ko kay Aidan..pero bago ko pa yun magawa..nagpalaya na si Yueh..
Ang kay marriel kasi ay iba..ang taong mahal nya ay ngangayon lang umamin sa kanya ng pagmamahal nito..pero naeentertain na nya si Lance..at well..kung ako si Lance,,ay grabe,,mas masakit yun..kasi sa totoo lang..humanga nga ako kay Lance kasi handa nyang sambutin si marriel kahit na mas masakit yun sa kanya..mapasaya lang ito..pero ngayong..luminaw na ang lahat..paano na xa?
"alam kong masakit talaga..sobra..pero ganito marriel..hindi mo naman ginusto na ganito ang mangyari..walang may gusto na magkaganito" sabi ni Lhen
"tama xa..wag mong sisihin ang sarili mo..ginusto mo lang maging masaya" si ezelle
"pero-" si marriel na umiiyak ang tiningnan lang sila
"ganito..pumikit ka.." pumikit nga si marriel "una..isipin mo si Yueh..anong nararamdaman mo?" sabi ni Hannah
matagal din bago nagsalita si marriel "masaya ako kapag ayos lang kami..noon pa man..napakasaya ko ng kasama ko xa..nang maging magkaibigan kami..naging masaya ako ulit..at araw-araw na nakakasama ko ulit xa..alam ko..xa pa rin ang mahal ko..pero kapag..umiimik na naman xa ng sala, parang may sumasaksak sa puso ko..kapag nagmamatigas xa na hindi ako pansinin, parang pinupunit.." tapos umiyak na naman xa
"shhh..ngayon naman isipin mo si Lance" sabi ulit ni Hannah
"si Lance..napakabuti nyang tao, pinapasaya nya ako at inaalagaan..lahat ng gusto kong gawin sa akin ni Yueh, ginagawa nya..pero..-"
"pero..wala kang nararamdaman para sa kanya?" tanong ko
"e-ewan..ang alam ko lang..basta kapag kasama ko xa..hindi na ako iiyak ulit..hindi na ako masasaktan" dumilat na xa "pero parang mas nagi-guilty ako.."
"alam mo.." panimula ni ezelle "minsan..mas magandang pakinggan muna ito" tinuro nya ang puso nya "bago mo pag-isipan..dahil minsan, alam na ng puso ang sagot pero ayaw lang tanggapin ng isip mo"
"tama xa" sabi ko "magiging maayos din ang lahat..wag mong madaliin..kung mahal ka nilang talaga..handa silang maghintay di ba? Pero kung nagi-guilty ka..lalo na kay Lance..mas maaga mong sabihin sa kanya ang lahat..mas masasaktan xa kapag pinagpatuloy mo pa"
"but-"
"sabi nga ni Yueh kanina..maghihintay xa..hanapin mo ang tunay na makapagpapasaya sayo..alam kong hindi ka pa handa na magkaroon ng relationship..just go with the flow.. at idadagdag ko lang kay Lance.. kung gusto nya na maging masaya ka..rerespetuhin nya ang magiging desisyon mo.. masakit..oo..pero, nang magdesisiyon xa na mahalin ka, kahit alam nya na may malaking chance na magkaganito, tinuloy pa rin nya..alam nya na ganito ang mangyayari..alam nya ang pinasok nya..kaya wag mong masyadong isisi sa sarili mo okay?"
napatingin kami sa nagsalita..
"JHAS???"
"oh..bakit?" tanong nya
"wa-wala naman..ayos ahh..ganda ng sinabi mo"
"hehe..well..yun lang naman ang tingin ko sa mga nangyayari"
tumingin ulit ako kay marriel "kausapin mo silang dalawa..hayaan mong isipin mo muna ang sarili mo.. hindi mo kailangang madaliin ang lahat.."
tumingin xa sa aming lahat "sa-salamat"
"oh..c'mon..wala yun" sabi nil hen
"GROUP HUG!!!" at niyakap na namin si marriel na napatawa na rin namin
End of flashback!
"yun na nga..yun ang nangyari..tapos dun sa sementeryo ko na xa ulit nakita..ngayon.. ikaw naman ang magkwento"
nakatingin lang si Yueh sa akin tapos tumango "tingin ko, fair lang na sabihin ko ang nangyari..nang umalis ka-"
Flashback!
(Yueh's POV)
Naiwan kami ni marriel sa sementeryo nang umalis si Iexsha..tahimik pa rin kami..nasa tabi ko si marriel..maggagabi na..
"err..amm..gusto mo ba na samahan akong magdinner?" tanong ko sa kanya
"uhmm..sure.."
lumuhod ulit ako sa tapat ng lapida ni Reina at hinawakan ko ulit ito "alis na kami..Reina.. alam kong masaya ka na kung nasaan ka man ngayon.. salamat..salamat sa lahat" tumayo na ako at hinarap si marriel "shall we?"
tumango lang si marriel tapos tumingin sa lapida ni Reina "best..salamat..sa lahat-lahat"
At umalis na kami sa sementeryo..napagpasyahan namin na magdinner sa isang restaurant malapit na rin sa area..nakakahiya man, nagtricycle kami pero walang angal si marriel..at ngumiti pa sa akin..
Ang ngiting yun.. dub!dub!..asar..
Nang makarating kami sa restaurant inassist na kami ng isa sa mga staff at pinaupo katabi ng glass wall..bago pa ako makapagreact bilang gentleman umupo na agad xa..kaya wala akong nagawa at umupo na rin sa tapat nya..binigay agad sa amin ang menu..ilang minuto pa naka-order na kami..
Habang hinihintay ang order namin..napansin ko na parang kinakabahan ang kasama ko..
"hindi naman ako mangangagat" sabi ko
"huh?" tapos nang parang nagets na nya ang sinasabi ko..napatawa xa "sorry..ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan"
"wala ka naman dapat ikakaba.." tapos may naalala ako "nga pala..sorry nga pala dun sa nangyari sa convention..alam kong nagulat ka"
napatingin lang xa sa akin tapos namula "wa-wala yun..nga pala..nakapag-decide na ako"
tiningnan ko lang xa ulit..
dub!dub!
dub!dub!
kinakabahan ako..baka sabihin na naman nya na 'kahit ngayong maging masaya ako..wag mo nang ipagkait..' baka hindi ko kayanin..
"Nakapag-usap na kami ni Lance nung isang araw"
"ta-tapos?" woah..san galing ang pagkautal-utal ko?
tumingin xa sa labas "I told him about my feelings..feelings ko para sayo at sa kanya"
hindi na ako makapagsalita..hinihintay ko na lang ang susunod nyang sasabihin.. pakiramdam ko..biglang lumamig..
"sinabi ko sa kanya na masaya ako kapag kasama xa..na nakakalimutan ko lahat ng sakit na nararamdaman ko" bawat salitang sinasabi nya parang unti-unting mas pianapalamig pa ang mundo ko ngayon "pero-" tumingin na xa sa akin..nakikita ko na umiiyak xa..hindi ko napigilan ang sarili kong hindi punasan ang luhang pumapatak..
kahit ang mga luhang yun ay para sa akin..
kahit ang mga luhang yun ay sakit ang ibibigay sa akin..
hindi ko hahayaang umiyak xa sa harapan ko..hinding-hindi na..
"pero..hindi sapat ang lahat ng yun para mahalin ko xa.."
O_O
Tumigil ang pagpupunas ko sa mga luha nya..unconsciously, napasandal ako sa kinauupuan ko..
Ang ibig sabihin..
"ang ibig mong sabihi-"
"ma'm, sir..here's your order"
napatigil ako sa sasabihin ko..inilagay lang nung waiter yung pagkain namin sa lamesa..parehas kaming walang imik habang nakatingin sa pagkain..ilang saglit pa, umalis na rin yung waiter,,at naiwan na naman kaming dalawa..
"kain na tayo" tumango lang xa..mamaya na lang kami mag-uusap..mamaya na lang..
Masarap ang hapunan..pero puno pa ako sa streetfoods na kinain namin ni Iexsha..nagyaya lang naman ako magdinner(early dinner..actually) para makausap si marriel..nang maramdaman kong tapos na rin xa..naglakas loob na akong magsalita
"yung kanina" tumingin xa sa akin "ang ibig mo bang sabihin?"
tumango xa..pero hindi ngumiti "oo..kahit anong gawin ko..ikaw pa rin ang mahal ko.."
mahal pa nya ako..
...
..
!!!!!
gusto ko tumalon..gusto ko sumigaw..gusto ko magwala..MAHAL PA NYA AKO!!!!!!
Hinawakan ko ang kamay nya "sa-salamat"
Pero tiningnan lang nya ako "pero..hindi pa ako handa sa isang relationship"
Ano daw?
"huh?"
nagbuntong-hininga xa "mahal kita..oo..pero hindi ko pa kayang magkaroon tayo ng relationship..hindi madali ang lahat Yueh..madaming beses tayong nasaktan..marami tayong nasaktan..madaming nangyari..yung sa parents ko, si reina..ang pagkakahiwalay natin..si iexsha..si lance..pakiramdam ko..hindi pa ngayon ang tamang panahon para maging boyfriend kita..gusto ko kapag maayos na ang lahat..kapag masaya na ang lahat..kasi gusto ko.." hinawakan nya ang pisngi ko at ngumiti "ikaw na talaga"
kung akala nyo..magagalit ako sa desisyon nya
nagkakamali kayo..
ngumiti din ako ..hinawakan ko ang kamay na nakahawak sa pisngi ko "di ba ang sabi ko naman sayo..hanapin mo muna ang makakapagpasaya sayo?maghihintay lang ako..kahit gaano katagal..kung nahintay mo nga na mabuo ulit ang puso ko para makuha mo..ano pa ba ang ihihiling ko? sapat na sa akin na malaman kong ako pa rin.."
madami na nga ang nangyari sa amin..maraming panahon ang nasayang..pero kahit na magsayang ako ng panahon sa paghihintay ko..
ayos lang..
basta kasama ko xa..hindi na masama kahit hindi kami official..ang importane lang naman..
kahit ilang beses kaming magkahiwalay, masaktan, magmahal ng iba..
alam pa rin namin na kami pa rin talaga para sa isa't isa..
First love never die..
"Yueh?"
"hmmm?"
"Happy birthday"
ngumiti ako "Thank you" at hinalikan ko ang kamay nya
End of flashback!
Normal POV
"pagkatapos naming mag-dinner..hinatid ko na xa..pero hindi ako lumapit masyado sa kanila, mahirap na.."
napangiti ako.. sinunod pala nya ang payo namin "mabait naman pala talaga si Lance"
tumango xa "aaminin ko..kung ako ang nasa posisyon nya..hindi ako papayag..pero siguro..alam na nya na mangyayari ito kaya, tinanggap na lang nya"
hinawakan ko na talaga ang kamay nya "I'm really REALLY happy..kapag nalaamn ito ni Aidan-"
"alam na nya"
"EH???"
"oo..at wag mo ng alamin kung anu-ano ang mga pinagsasabi nya"
napatawa ako "naiisip ko na..haha"
"IEXSHA!!MALIGO KA NA!!!"
huwah??
Bumalik ako sa wisyo ko..sa bilis ng pangyayari..hindi ko na naalala na hindi pa pala ako kumakain.. ibig sabihin..may tao sa labas!!!MAKAKALABAS NA KAMI!!!
Lumapit ako sa pintuan at pinihit ulit yung knob "PALABASIN NYO KAMI!!KUYA!!GUTOM NA TALAGA AKO!!!"
Pero walang sumagot sa akin..lumapit si Yueh "maligo ka na"
"pero.."
tiningnan lang nya ako "please..wala akong balak na bosohan ka or something.."
sinamaan ko lang xa ng tingin "CHE!!"
so pumunta na ako sa may banyo..bahala na mamaya pagkatapos ko!!lumabas ulit ako para kausapin si Yueh
"Yu-"
O_O
"bye!"
tapos narinig ko na lang na naglock ulit..
...
...
...
O_O+
"YYYYYYYUUUUUUUEEEEEEEEEEHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!"
at narinig ko na lang xa tumawa..
wala akong nagawa kundi..pumunta sa banyo at pagtripan ang pader habang iniisip ko kung paano ko papatayin mamaya si Yueh

YOU ARE READING
Spaces To Fill Book 3: Keep Holding On (COMPLETE)
Teen FictionKeep Holding on Minsan.. akala mo kuntento ka na sa buhay mo.. na masaya ka na sa mundo mo.. mahal mo xa at mahal ka nya.. sapat na.. pero minsan hindi mo aakalain na may isang sorpresa ang gugulat sayo.. hindi lang basta gugulat k...