Alam kong ilang beses nakong nagloko
Alam kong minsan nakong naging gago
Alam kong dati akong tarantado
Alam kong dati ay iba ako
Ngunit mahal iba ang nakaraan
Ngunit mahal bakit dimo maintindihan
Ngunit mahal bakit dimo maramdaman
Ngunit mahal bakit puno ng duda ang iyong isipan
Ginawa ko ng lahat para sayo
Lumayo ako sa ibang tao
Tinigil ko ang hilig na ayaw mo
Kinulong ko ang sarili ko
Sinunod ko ang ang gusto mo
Pero bakit Dimo maintindihan?
Pero bakit dimo maramdaman?
Pero bakit dimo masilayan?
Pero bakit dimo masulyapan ?
Pero bakit palaging kulang?
Pero bakit dimo paniwalaan ang salitang 'ikaw lamang '
Ikaw lamang ang laman ng puso
Ikaw lamang ang sakin ay bubuo
Ikaw lamang ang sakin ay kokompleto
Ikaw lamang ang taong mahal ko
Ang hirap bang paniwalaan?
Ang hirap bang maintindihan?
Ang hirap bang maramdaman?
Naging manhid kana ba talaga?
Dahil lang sa kaisa isang kasalanang naibaon na
Kasalanang sabi mo ay napatawad mo na
Kasalanang hindi sadya ng aking katauhan
Kasalanang alam kong ang babaw naman
Sana naman meron pakong halaga sayo
Sana naman meron lang natituring pagmamahal sayo
Alam kong takot akong mawala ka
Alam kong di ako sanay pag wala ka
Pero tao lang ako mahal
Napapagod din ako magmahal
Kaya ko din naman sigurong bumitaw
Napupundi din naman ang ilaw
Kaya kung ayaw mo akong mawala sayo
Simulan mo ng pahalagahan
Ang salitang sinambit ko nung minsan
Walang labis , walang kulang
Pahalagahan mo ang salitang 'ikaw lamang'
YOU ARE READING
Pekeng Makata ❤
PoetryHindi ko alam pero ginanahan akong sumulat Biglaan ito ,simula nung aking pagmulat Lahat ng tulang galing sa aking utak parang luhang di tumitigil sa pagpatak mga tulang sa puso ko nahila mga tulang maiisip mong kakaiba mga tulang magbibigay ng lung...