oo na hindi tayo

34 1 0
                                    

Sobrang saya pag tayong dalawa
Hindi iniisip ang sasabihin ng iba
Meron tayong sariling mundo
Mundong ginawa para tumibay ang tayo
Sa paglipas ng panahon
Pinatitibay ang relasyon
Di pinalalampas ang pagkakataon
Ngunit lambing ay naglaon
Sinanay mo ako sa lambing mo
Sinanay sa mga ngiti mo
Sinanay sa mga halik mo
Sinanay na laging nasa tabi ko
Sinanay mo akong laging masaya
Sinanay na laging magkasama
Ngunit bilog ang pagkakataon
Bumaliktad ang relasyon
Napawi ang lambing
Kumupas ang ning ning
Ikay naging malamig
Nakalimutan ang pagibig
Ang dating tugon sa mahal kita
Ngayon ay napawi at wala na
Iniwan moko ng walang dahilan
Hiningi mo ang iyong kalayaan
Binigay ko ang gusto mo
Kahit nabibiyak ang puso ko
Hinayaan kitang lumayo
Hinayaan kitang sumuko
Ngunit bakit parang kang naglaro
Bumalik ka at binawi ang pagsuko
Naging bulag ako siguro
Dahil tinangggap ko ang pagbalik mo
Pinainit muli natin ang samahan
Binalik ang pagmamahalan
Ngunit parang may mali
Teka , teka sandali
Bumalik kaba dahil mahal pa
O dahil lang sa naawa ka?
Madaming naging tanong
Mga sagot na urong sulong
Naibalik natin ang init
Ngunit teka saglit
Bakit parang umulit
Pinadama mo ulit ang sakit
Bumalik ang lamig sa mga sagot mo
Walang sagot sa mga tanong ko
Mga gawa koy balewala mo
Di mo pinapansin ang mali sa relasyon na to
Alam kong alam mo
Alam mong nagiba tayo
Tinanong kita tungkol dito
Ngunit ewan at iling ang sagot mo
Alamg kong hanggang ngayon merong tayo
Merong tayo pero di sigurado
Mahal kita ng todo todo
Maha kita yun ang totoo
Ramdam kong ayaw mo na
Kase pinapakita mong suko kana
Pero kakapit parin ako
Kakapit ako sa tayo
Tayo na dating masaya
Tayo na dating buo pa
Tayo na dating may lambing pa
Tayo na dating nagmamahal
Bumalik ang tayo, yun ang dasal
Ngayon tayo paba talaga?
Kase ramdam kong ayaw mo na
Tinatanong nila kung tayo
Oo na hindi ang sagot ko
Sana naman takot ka
Takot ka na mawala pa
Mawala pa ang ako sayo
Mawala ako sa salitang tayo
Tao lang ako mako
Taong napapagod at kayang sumuko
Tao lang ako mako
Taong wasak na wasak ang puso
Alam kong limatado
Limitado lahat akoy sigurado
Pero mako hanggang ngayon
Umaasa ako sa pagkakataon
Na sana tuloy ang relasyon
Na sana oo na hindi tayo
Kailanman ay di totoo
Kase mahal ko
Hanggang dulo
Gusto kong makasigurado
Na sa hanggang dulo may salitang tayo

Pekeng makata💔

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 01, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pekeng Makata ❤Where stories live. Discover now