Ang gusto kong makalimutan

69 0 0
                                    

Isang gabing masaya
May videoke at kumakanta
May mga nagiinuman
May mga nagkwekwentuhan
Desperas yun ng pasko
Nakisalamuha ako sa ibang tao
Nung una nasabak ako sa kwentuhan
Sumunod na pumasok sa kantahan
Ngunit bumagsak ako sa inuman
Alaala itong ayaw ko ng maalala
Nalasing ako sa ilalim ng tala
Umiikot ang mundo
Kasama ang paningin ko
Tumayo ako upang umuwi
Tumayo ngunit natumbang muli
Sa huli ay may lalaking umakay sa akin
Patuloy ang pag ikot ng paningin
Wala na akong maaninag na tao
Kami nalang dalawa dito
Nais ko ng umuwi nung mga oras nayon
Ngunit hindi nangyari ang hiling nayon
Dinala niya ako sa madilim na lugar
Sa lugar na hindi bulgar
Nung una ay wala pa akong ideya
Nung una akoy nagtataka pa
Ngunit sinimulan na nya sakin
Sinimulan na nya ang pagbaboy sa akin
Lumaban ako ngunit mahina ako noon
Mahina ako nung  araw nayon.
Katanungan parin sakin kung paano
Paano ako nakauwi ng buhay sa bahay ko
Tanging sakit lang ang naramdaman ko sa paggising ko
Kahit ang kaluluwa ko ay ramdam ang pait ng gabi ko
Nais ko ng kalimutan ang nakaraan
Nakaraan na naglubog sa aking paanan
Ito, ito ang gusto kong kalimutan

-pekeng makata💔

Pekeng Makata ❤Where stories live. Discover now