4. IMPOSIBILIDAD

10.1K 372 38
                                    

Tinititigan lang ako ni Miguel habang isinalaysay ko ang nangyari sa akin sa library at bago ako magising. Mas lalo akong naging hysterical na halos magbago ang tono ng boses ko.

".... tapos nun ay bigla na lang ako napunta dito sa panahong hindi ako kabilang. Maniwala ka sa akin, Miguel. Please. Kailangan ko ng tulong mo .... Pero hindi ko alam kung anong klaseng tulong." Alam ko naman kasi na walang time machine dito.

Base sa kanyang reaksyon, hindi pa rin siya naniniwala sa mga pinagsasabi ko. Gusto ko sanang sabihin na hindi ko kinailangan ng time machine o anti-gravity, pero alam kong mas lalong hind niya ako maiintindihan at lalo niyang ipipilit na may war shock ako.

"Sumama ka sa akin. Doon tayo sa mas tahimik na lugar," ang sabi ni Miguel at naglakad patungo sa isang military truck. Sinundan ko siya hanggang sa likuran ng sasakyan.

Napapatingin sa akin ang ibang mga tao at hindi ko alam kung ano ang mga iniisip nila tungkol sa akin. Well, hindi naman nila ako kilala. So what? Napansin ko na halos karamihan ng mga tao dito ay sobrang payat at parang kalansay na. kahit dito sa labas ay may mga nakaratay na sugatan sa mga inilapag na kumot. Sana hindi ako maging katulad nila.

Tumigil siya at napatigil ako sa likuran niya. Pagkaharap na pagkaharap niya sa akin ay sinuntok niya ako ng malakas sa tiyan. Grabe! Halos mapaluhod ako sa sakit. First time kong masuntok at masaktan ng ganito. At hindi pa nakontento ang gago. Itinayo niya ako at tinulak ng malakas. Napaupo ako sa maalikabok na sahig at parang may nag-crack sa waist ko.

"What the hell! Ano bang problema mo?!" ang pasigaw na tanong ko sa kanya habang hinahawakan ko ang part ng tiyan ko na sinuntok niya. Gustong-gusto ko na siyang suntukin pero hindi ko magawa. Hindi ko talaga nature ang manakit physically, kahit wala sa pagmumuka ko.

"Huwag mo akong pinagloloko, Salvacion! Hindi ito ang panahon para sa mga kahibangan mo! 'Wag kang mag-ilusyon na parang-"

"Totoo lahat ng sinabi ko!" Agad akong tumayo. "Muka ba akong katulad ng ibang tao rito? Ha?!" Nang dahil sa despair at frustration ay bigla na lang akong naiyak. Sa pag-iyak ko ay lalong nadagdagan ang kaba at hopelessness ko. Why am I crying like this? This is not cool. Agad kong pinunasan ang basa kong mga pisngi with the use of the back of my hands.

Huminga ng malalim si Miguel at nilagay ang dalawang kamay sa ulo. "Sumasakit ang ulo ko dahil sa'yo!"

"Kung ayaw mong maniwala, edi 'wag!" Hindi ko na napigilan ang galit ko. Lalo na akong pinagpapawisan at parang nararamdaman ko ang aking pulse sa aking ulo. Hindi talaga ako makatayo.

"Anong klaseng gawa ito ng ka-demonyohan?"

May punto si Miguel. Pwedeng isang form of devilry ang nangyari sa akin. Pinaparusahan ata ako ng mga niloko at sinaktan ko. Tsaka wala naman akong ipinahiya –

Si Marcella.

Sinasabi ko na nga ba eh. May something talaga kay Marcella de Ocampo.

Kinapa ko ang bulsa ko at hinugot ang kwintas ni Marcella. Nanginginig ang mga kamay ko habang itinataas ito. Inihagis ko ito kay Miguel, pinulot niya ito at pinagmasdan. Siguro naman ay marunong siyang bumasa ng letters at numbers.

"Sa tingin ko ay iyan ang nagdala sa akin dito," sabi ko.

"Bakit hindi sa ika-tatlong araw ng Marso ka napunta?" tanong niya at napakunot ng ulo.

I guess, naniniwala na siya sa akin. "Aba, malay ko," nanghihinang sagot ko.

Ibinalik niya ang kwintas at sinabing, "Maghanda ka na para sa hapunan."

Tinulungan niya ang makatayo at buti naman na walang nabaling buto. Pinilit kong tumayo ng tuwid para ipakita sa kanya na mas matangkad ako kesa sa kanya. But, I failed. Masakit pa rin talaga ang sinuntok ng gagong ito at nananakit din ang aking waist.

"Hapunan? Hindi pa lumulubog ang araw, hapunan na ang iniisip mo."

Hindi na siya nagsalita at mabilis na umalis papalayo.

Dahil sa ego ko ay hindi ko siya sinundan at napag-isipan ko na libutin muna ang lugar. Para akong isang dayong alien dito o kaya naman ay nawala ako sa ibang dimension. I think I'm reading too much.

Nag-stay muna ako sa kinatatayuan ko for some minutes. Muli kong pinagmasdan ang kwintas at sinubukan itong kausapin. Yeah...I think I'm crazy.

"Ibalik mo na ako sa 2017...ayoko na dito. Natuto na ako. Kung kulang pa ang parusa mo, sa future mo nalang ako ipunta. Kahit sa year 2100 lang. Mas gusto ko pa sa future kesa dito. Gusto kong makakita ng madaming flying cars, big holograms at mga bagay na sa sci-fi movies lang nakikita, at ayokong makakita ng mga sinaunang tao, vintage cars, old fashion styles at lalong ayokong maipit sa giyerang dapat ay matagal nang tapos." Naghabol ako ng hininga at nakaramdam ako ng gutom.

"Isa pa, walang matinong pagkain dito. At yung hygiene ng mga tao at sa paligid...Gosh!!"

Tumigil ako nang may narinig akong tumatawa. Sinundan ko ng tingin ang tunog. Meron palang dalawang batang lalaki sa far left side ko. Nakatingin sila sa akin at tuloy pa rin sila sa pagtawa.

Nilapitan ko sila at unti-unting nawala ang tawanan ng dalawang bugwit na yun. Hindi sila natatakot sa akin at nanatili sila sa kinatatayuan nila. Ito na siguro ang first time na papatol ako ng mga bata. Pwede ko naman siguro silang paluin.

Halos magkasingtangkad sila at parehas sila ng damit na parang kambal, maliban sa isa lang sa kanila ang nakasuot ng butas na sapatos. Naisip ko na wag ko nalang sila saktan dahil ang mga madungis nilang katawan ay tatlong bugahan nalang.

Unang nagsalita ang batang nasa kanan. "Hello, bangus. You...baliw!" Muli silang tumawa and I know that they just insulted me.

"Ako, bangus? Sinong baliw?" nagseryoso ang boses ko at tumigil sila sa pagtawa.

Nagtinginan silang dalawa.

"Sino kayo?" tanong ko para mawala ang tension.

Tinignan nila ako at nagpakilala ang bata sa right. "Ang pangalan ko ay Crispin at siya naman po si Juancho, Ginoo."

"Ganyan dapat, magbigay kayo ng galang sa mga mas matanda sa inyo," sabi ko. Parang minura ako ng kaloob-looban ko dahil maski ako ay di marunong rumespeto at gumalang sa elders.

"Umalis na kayo dito at malapit nang maghapunan," utos ko sa dalawang bata. Na-carried away na ata ako.

"Opo, Ginoo," sabay nilang tugon at tumakbo sa direksyon kung saan pumunta si Miguel.

Hmmm. I kinda like this. 

Stuck in 1945 (Completed 2017)Where stories live. Discover now