EPILOGUE

8.6K 296 52
                                    


Inilapag ni Dr. Cuares ang folder ng naglalaman ng mga isinulat ni James Salvacion tungkol sa kanyang kwento. Tinitigan niya ng matagal si James na nakaupo sa sofa sa isang sulok ng kanyang clinic. Umiwas si James sa mga titig ng doctor.

"Iyan ang dahilan kung bakit ayaw kong sabihin sa iba ang totoong nangyari sa akin, doc," sabi ni James ng may kalakasan ang boses. "Pero salamat dahil na-ilabas ko na ito and I am starting to move on. So, ngayon wala na akong pakealam kung sasabihin niyo na nagkaroon lang ako ng matinding hallucinations, schizophrenia, etc. Pero sana huwag niyo naman ako ipasok sa isang psychiatric hospital. But, believe me-"

"I believe you, James," aniya ni Dr. Cuares ng nakangiti.

"Talaga?!" Napatayo ng mabilis si James dahil sa reaksyon ng doctor.

"Of course. Kahit naniniwala ako sa mga real facts...hindi ko maiwasan na hindi maniwala sa mga science fiction, mermaids, fairies, miracles, at mga bagay o events na hindi dapat nangyayari sa real world or hindi talaga nag-e-exist. The world is a very mysterious place, James. Pero..." muling nagkaroon ng pagdududa ang tinig ng doctor.

"Pero?" tanong ni James bago sabihin ni Dr. Cuares ang problema.

"Gusto kong makita ng personal ang mga ibinigay sa iyo ni Miguel," ang mabagal na sagot ng doctor.

Ngumiti si James at tumango. Kinuha niya ang kahon sa kanyang bag, nilapag sa mesa ng doctor, at tsaka binuksan. Mistulang nagulat ang doctor pero kalmado lang ito habang pinagmamasdan ang mga nasa loob ng kahon.

Stuck in 1945 (Completed 2017)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora