Series ✔ 2

7.3K 154 3
                                    

Trash

"Hairo, dont be too harsh on Reñee. She's just doing her job." Ani ng mama niya

"Then fire her and Ill stop being harsh Mother." He said.

Yumuko ako. Hindi dahil ayaw ko sa sinabi niya kundi nagtitimpi lamang ako na huwag siyang sumbatan ulit. Anong problema niya sa pagkakaroon ng personal na maid niya?

"Hairo." Ang papa niya.

"Father, Im not a child anymore to have those..." Saka niya ako tinitigan ng may matalim na tingin.

Yeah, you refer to us as shit.

"Hairo, We know that youre not a child anymore but this is for your convenience. Lets eat."

Dismiss ng papa niya. Habang tahimik sila na kumakain ay maraming tanong na nasa isip ko. Makakaya ko kaya na makatagal dito?

"Ah, by the way. What school are you attending Reñee?"

Tanong ni madame.

"High stone University po." Sagot ko.

Namilog ang mata ko ng pumalakpak siya.

"Same school as my son. Mas maganda ito para kahit nasa school ay mababantayan mo si Hairo-"

"Mother!"

"Shut it Hairo. Can you do it Reñee?"

Napalunok ako saka tinignan ang lalaking kanina pa masama ang titig sa akin. If looks could kill, boy Im so dead right now.

"O-oo naman po."

"Im done." Sabay tayo ni Hairo.

Padabog siya na tumayo at saka galit na umalis. Bakit kaya siya galit sa katulad namin?

Teka, same school? Bakit hindi ko siya napapansin sa school? Well, malaki naman kasi ang university. Siguro ay nasa pang apat siya na building. Anong year na siya?

"Sorry bout him hija. Ayaw lang talaga kasi niya ng personal na katulong. Pero mabait naman siya. Don't quit on him okay?"

Bakit kapag ang mama niya ang nag rerequest ay agad akong tumatango. Ngumiti siya saka nag usap silang mag asawa. 

Dalawang buwan ang wala kaming pasok at ang pasukan ay magsisimula pa lang ng Agosto. Nahiga na ako ng matapos na namin ang gawaing kusina at lahat.

Alas singko ng madaling araw ay nakayakag na ako at handa na sa mga gawaing bahay. Sa aming bahay, simula ng iwan kami ng papa namin ay natuto kaming magising ng maaga dahil ang sabi ni nanay ay kung lagi kang huling magising ay lahat ng oppurtunidad na pwede mong makuha ay baka makuha ng iba. Isinaulo ko ang lahat ng bilin ng nanay ko habang may pait na nararamdaman dahil sa pangangaliwa ng papa ko at pinagpalit niya kami.

That's why I don't believe in romance, etc.

Pero masaya ako sa mga taong nakakaranasan ng nasa tabi nila ang kanilang minamahal sa buhay. Yeah right,

"Good morning ho!" Bati ko.

Ngumiti sila sa akin.

"Ang aga natin ah? Anong meron?" Biro ni ate Lie. Napangiti ako saka nagkibit balikat.

"Ano pong madalasan na gawin ni H-Hairo gayong walang pasok?"

Nautal pa ako sa pangalan niya. Kakaiba ito sa dila ko at parang nagtataasan ang mga balahibo ko habang sinasabi ito. Weird.

Si Nana Geng ang sumagot sa tanong ko. Siya ang pinakamatagal dito dahil malapit ang puso niya sa mag asawa. Aniya'y mas masaya siya kapag nasa piling ng McGoner Family. I smiled at that thought.

"Madalas ay nasa kwarto lamang siya, alas sais ay nagpapahatid siya sa kanyang kwarto ng agahan. Pagkatapos ay ipaglilinis niya ang katulong sa kwarto niya. May problema yun sa madumi. Lahat dapat malinis."

Isinaulo ko ang lahat at hinintay siya na matapos bago ako nagbuhat ng kanyang agahan ng makitang alas sais y singko na ng umaga. Ayaw niya sa madumi. Check.

Ayaw niya sa taong ginagalaw ang gamit niya. Check.

Ayaw niya sa taong madaldal. Check.

Ayaw niya sa katulong na mabagal magtrabaho. Check.

Ayaw niya ng taong malapit masyado sa kanya. Chec-

I wonder why? Fine, wala rin naman akong balak na lumapit sa kanya. Gagawin ko ang trabaho ko and then kabossh na ako dito. Kung hindi lang sa mama niya matagal na akong umalis e, kaso ayokong mapanghinaan ng loob si mama at baka balakin niya pang magtrabaho dito.

Kumatok ako at ng marinig ang sagot niya ay tinulak ko ang tray saka nilapit sa kanya. Tinignan niya ako. Nasa harapan niya ay laptop at nakasalamin siya. Reading glass?

"Leave." He said.

"Sungit." I whispered pero... narinig niya.

Oops?

"What did you say?"

Tumalikod na ako at nagumpisang maglakad ng,

"Dont you dare go out when I said I want to hear what you said." He angrily roared.

Napalunok ako saka unti unting hinarap siya.

"Ang sabi ko masungit ka! Ang aga aga e, daig mo pa ang babae." Asik ko.

Bahala na.

"You respect me because I am your master here, so you better shut the fuck up or Ill fire you here."

"SIGE!" Sigaw ko na siyang lalong nagpagalit sa kanya. Akala niya ah!

"SIGE! TANGGALIN MO AKO DITO! TIGNAN NATIN KUNG KAYA MO! FIRE ME THEN!"

Hamon ko.

"SHUT UP! WALA KANG KARAPATAN NA PAGSALITAAN AKO NG GANYAN."

"AT WALA KA RING KARAPATAN!"

Nagkatitigan kami na puno ng galit ang mata ng isat isa. Nagtaas baba ang aking dibdib bugso ng pagsigaw habang siya ay nakakuyom na ang kamay. Napangisi ako.

"Gusto mo akong suntukin?" Ngisi ko.

Saka niya tinanggal ito sa pagkakakuyom.

"Sige! Dyan ka naman magaling eh, suntukin mo ako! Ano pa-"

Naputol ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pintuan at doon ay pumasok ang kanyang papa at mama na nagulantang siguro dahil da lakas ng sigawan namin.

"What the hell is happening here!"

Pero di ako makaimik. Hawak ako ng mama niya habang ang papa niya ay kausap siya.

"Are you okay?"

Tumango ako at saka dahan dahan na yumuko dahil sa naging sagot ng kanyang anak.

"THAT GIRL IS JUST A TRASH HERE! I DONT WANT ANY MESS FROM MY WORLD!"


Vote. Comment. Follow me also.

The Privileges of a Maid (Completed)✔ حيث تعيش القصص. اكتشف الآن