CHAPTER 3

120 70 53
                                    

CHAPTER 3

Sabado ngayon. Namimili kami ni shaine sa mall ng mga kakailanganing gamit sa course naming HRM. mag block section kami ni shaine. nandito kami ni shaine sa groceries bumilibi ng mga ingredients para sa Monday.

"Mag hiwalay tayo. Ako sa wet ingredients ikaw na sa dry ingredients" tumango nalang ako at humiwalay na kami ng daan.

Syempre pupunta muna ako sa favorite station ko, ang chocolate station! Bibili lang naman ako ng favorite tobleron.

Tuwing darating talaga ako sa station na ito. Parang gusto kong bilihin lahat ng ito. Nag lalaway talaga ako sa chocolate.

Dumiretso na ako kung nasaan nakalagay ang favorite kong tubleron.
Omg! Bakit wala akong Makita. Hindi pwede to. Wag mong sabihin hindi pa sila nakakapag supply ng tubleron. Hindi pwede yun. wala na akong stock sa ref. ko.Tinggal ko muna yung ibang chocolates na katabi ng tobleron ko. Oo 'ko' kasi lagi kong pinapakyaw ang mga tobleron ditto. Akin lang sila. Tobleron is life! Mag wewelga ako!

Sa pag hahanap ko. Nag ningning ang mga mata ko sa nakita ko.may isa akong nakita. Mukhang nag iisa nalang ito. Oh! My baby Tobleron, come to mommy. Come to mommy.

Kukunin ko na sana ito nang Bigla may kamay na kumuha dito. nawala sa pangingin ko yung tubleron. Whaaa! This cant be. Akin yun.
Nakita ko yun lalaki na nakatalikod paalis na.

Hinabol ko ito.

"Excuse me sir" kinalabit ko sya para humarap saakin.

"Dadaan ka? Ang lawak dito miss oh" aba!pilosopo pala to. Pasalamat ka. May kailangan ako sayo.

"Hindi ako dadaan. Gusto kong kunin yung hawak mong tubleron. ako unang nakahanap dyan. Kung gusto mo nyan mag hanap Karin dun oh"sabi ko ng mahinahon. Alam ko naman last na yan. Gusto ko lang talaga ibigay nya sa akin ang tobleron na hawak nya.

"Meron pa ba? kung ganun. Hanap ka nalang ulit dyan. Nakuha ko na to" hindi pwede! Wala na nga. Last na kaya yan. Gusto ko sana sabihin sa kanya. kaso baka lalong di nya ibigay sakin yan. Baka madadaan pa to sa mabuting usapan.

"Ako unang naka hanap dyan eh. Ang hirap kayang mag hanap. Try mo kaya" medyong inis kong sabi. Kasi naman eh.

"Why should i? meron na naman akong hawak?" mukang pahirapan to ah.
Bigla nalang syang tumalikod at tuluyan na nag lakad. Hindi pwede to!kailangan ko yun makuha. Kung hindi ka madadaan sa mabuting usapan. Dadaanin nalang kita sa marahas na pamamaraan.

Tumakbo ako ng dahan dahan papunta sa kanya. para di nya marinig at mahablot sa kanya ang tobleron. Hindi naman siguro masama tong gagawin ko. Hindi pa naman nya to bayad.

Palapit na ako sa kanya. tangkang kukunin ko na sakanya. Bigla ngang iniangat ang kamay nya. Patay. Nahalata nya.
"what are you trying to do? Stealing my chocolate huh?!" inis na sabi nya.

"H-ha? A-ano k-kasi hehe.sa totoo nyan, wala na talaga dun. kaya bigay mo na kasi yan sakin." Paawa effect pa ako dito, ibigay nya lang saakin yung tobleron ko.

"Paano pag hindi ko to binigay sayo? What will you do?" aba! Talangang sinusubukan mo ako ah. Mali ka nang tinatungan.

"Edi. Kukunin ko sayo ng sapilitan!" tatangkain ko nang kunin yung tobleron. Bigla nyang itinaas ang kamay nya.nakita kong napa ngisi sya. Aba! nang asar pa ang tukmol. Pag nakuha ko yan ewan ko lang kung maka ngisi kapa.

Itinaas ko rin ang kamay ko para maabot ko yung tobleron na hawak nya. Pero bigo ako, ang tangkad nya.
Never give up. Para sa tobleron. Hahamakin ko ang lahat chos!

Patuloy ko parin inaaabot ang tobleron. Lahat na ginawa ko. Tumingkayad at tumalon talon. Kaso wala talaga mga bes! ang tangkad nya talaga. Hindi ko maabot.
Talon talon akong inaabot ang tubleron sa lalaking ito.

"Whaaaa!" bigla akong nadulas at napa bend ako pero buti nalang napahawak ako sa leeg ng lalaking nasaharapan ko at akala ko mahuhulog ako kaya napapikit ako.
Maya maya may naramdaman akong may humawak sa likod paikot sa bewang ko.

Napadilat ako. Nakita ko ang lalaking ka agawan ko sa tubleron ng malapitan.

*Dugdug dugdug

Ano tong nararamdaman ko?bakit ganito ang nararamdaman ko sa lalaking to?bakit bumilis ang tibok ng puso? hindi naman ako nakapag kape kanina.

Nararamdaman ko lang to tuwing may surprise recitation ang teacher namin . bakit nararamdaman ko to sa kanya ? anung meron? prof. ko ba sya? may quiz ba? ugh!

Tinitigan ko sya ng maigi.

Ang gwapo nya pala, shet na malagket! Bakit ngayon ko lang napansin. Ang puti at ang kinis ng mukha nya.ang tangos ang ilong. Ang ganda rin ng shape ng lips nya, kissable. omg! Anung nangyayare saakin. Bakit ganito akong mag isip. Nakatingin sya sa akin.ang ganda rin ng mga mata nya Para akong matutunaw sa mga tingin nya.

Wait! parang Familiar yung gwapo nyang mukha. Saan ko ba sya nakita?

*Bogsh!

"Sorry!! "

"Whaaaaa!" sabay kaming nahulog. Ako ang nasa lapag at sya naman ay nasa taas ko.

*Chup!

Naramdaman ko ang labi nya na dumampi sa labi ko. Anong nangyare? Ang bilis nang pangyayare. Nangyare ba talaga yun?

"Sorry ineng at iho hindi ko kayo nakita. Nandyan pala kayo sa unahan ko. Ayos lang ba kayo?" agad ko syang tinulak at tumayo na. hinarap ko si lola.

Nabunggo nya pala kami ng push cart nya na puno ng mga groceries. "a-ahh. A-ayos lang lola. sige po ma-uuna na ako"agad na akong umalis nang namumula sa kahihiyan. Hindi ko na tinignan yung lalaking unang nakahalik sakin. Alam ko naman hindi nya rin sinasadya. Wala naman sa amin ang may gustong mangyare yun. kaya sa kanya yung tobleron na yun. bibili nalang ako ng stick
-o feeling ko mas masarap yon ngayon.

Life of Being Single Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon