CHAPTER 6
Sinasabi nila. Boring daw ang buhay ko.
School, bahay, school, bahay nalang ang lugar na pinupuntahan ko. ano ba ang exciting dun?
Na paisip ako. oo nga no? sa 18 years of existing ko sa mundong ito. Hindi ko man lang napansin na sa ganung lugar lang ako pumupunta.
Amazing. Akalain mo. Kinaya ko yun.
Sabi nga nila. Kung I ku-kwento ko ang story ko. walang mag kaka-interes na magbasa o manuod manlang sa mga palabas. Sabagay kahit din naman ako, hindi ko pag aaksayahang panoorin o basahin ang story ko dahil walang moral lesson o exciting o kung ano man ang hinanap ng isang reader or viewer sa isang story.
Kung babasahin man nila, ito mabo-boring lang sila dahil school, at bahay lang ang setting ng story ko. kung may pag kakataong may aasignment or requirements, pupunta ako sa national book store, bonus nayun sa setting. kung gagawa pa ako ng plot story. Madali nalang. Halos mag kakadikit lang at paulit ulit lang ang nangyayare.
Ano bang sense ng pag susulat ni mr. author ng story ko. alam ko, na alam nya naman na walang mag babasa nito. Baka nga prologue palang mag exit agad sila. Hindi ko rin naman sila masisi.
Congratulation! Sa nagbabasa nito. Dahil Nakaabot kayo sa chapter na to. Napaka tsaga nyong mag basa.
Ang pagbabasa ng story na ito. Ay nahahasa ang patience ng isang tao. Boring, walang trill, walang suspense, hindi alam kung saan patungo. Kahit nga ako hindi ko alam kung may lovelife ako dito. Palubag loob lang yung ‘patience’ sa mga nagbabasa nito para magpatuloy pa kayo sapag babasa haha! Sori na besh.
Bakit nga ba ako dumi-depende sa sinasabi nila? Wala naman silang pake sa akin. Wala din naman kong pake sa kanila. It’s a tie.
Wala silang pake, kong wala man akong lovelife. Sila nga hindi ko sila pinapakelaman kung bakit ang amoy anghit sila, amoy putok, maraming tigyawat, Moreno/morena(maitim talaga yung bes) kahit na ganon, masama parin ang loob ko. bakit sila may lovelife! Huhu!
“Being single, is enhancing one of the virtue which is your ‘patience’ to wait more, until you find someone that worth your wait.” nabasa ko sa sa facebook page ng single is not a problem. Lagi akong nag ba- browse dito. Nakakatawa kasi at nakakarelate ako sa mga pino-post sa page na ito.
Ewan ko ba. Siguro ang page na ito ginawa para sa mga napapagod nang maging single. Nakakapagod ba? Hindi ko ramdam. ok sabihin na natin na may konti akong nararamdaman. Pero napupunan naman twing nakaka-bonding ko sila mommy and daddy. Im happy to have them because they were at my side to support me on what my decision are. And syempre my one and only bestfriend na si shaine ang babaeng bruha. Char! Kahit ganyan yan love ko yan.
Hay! These days nagiging madrama na ako. ewan ko ba. Epekto siguro to ng kaka panood ko ng P-drama.
“ Pag sinabing single, pangit agad? hindi ba pwedeng choosy lang? ” scroll down and up lang ang ginagawa ko. boring ba? Sa iba, Yes! But for me. it entertains me. Kanya kanyang trip lang yan. And this is my trip.
“Maam claire. baba na daw po kayo sabi ng mommy nyo po. ” sabi ni yaya.
Nakahanda na ako. naka ligo, uniform, eye glass and more. Im ready to go na. pero nag ba-browse lang ako dito dahil napaaga akong gumising. Dahil tinawag na ako sa baba kakain muna.
“Yes. Yaya. Paki sabi Bababa na po” sabi ko ng naka ngiti kay yaya.
~+~
“Claire. Mawawala pala kami ni daddy mo this week. For business meeting. Is that ok for you claire na sila yaya lang muna kasama mo? Pwede mo rin naman papuntahin dito si shaine para may kasama ka. ” sabi ni mommy.
“Yes. Mommy. Don’t worry about me. Wifi and load ok na sa akin. Masaya na ako.” sabay-sabay kaming nag tawaan sa sinabi ko.
~+~
“Make your own essay about your expectation to your course which is HRM to this semester.” Ang aga-aga essay agad. Mabait naman ang professor ko. pero nakakatamad talaga eh. Ewan ko ba.
Bakit sa lahat ng pwedeng ipa- essay sa amin bakit ganito pa.
Pwede naman ‘about your vacation’ o kaya ‘how’s life of being single’ nako. Baka dalawang papel pa ang magawa ko. Back to back. Swear!
“My expectation is to learn more and make any activities related to this course that make the students active…” sinulat ko na sa papel ang mga sinasabi ko. infairness, Ang hirap mag English. Halos maubusan na ako. bakit ba kasi may ganito pang kaek-ekan.
Oo nga pala hindi ko pa na kikita si shaine? Parang napapadalas na yung pag kaka-late nya. Tapos ngayon absent pa sya. Ano na kayang nangyayare dun. Parang may sekreto yun na hindi sinasabi sa akin. Ma chika nga yun pag nagkita kami. Dadaldalin ko talaga sya. sya ngayon ang nasa hot seat pag nag pakita pa sya. kaya mag tago tago na sya.
~+~
Nasa canteen ako na kapila para mag order ng makakain. Nang matapos akong mag order, nag hanap na ako ng table.
Halos mapuno na ang canteen sa daming student na kumakain. May nakita akong vacant table. kaka-alis lang ng nakaupo dun. Pumunta na ako at umupo.
Kakainin ko na sana yung burger na inorder ko ng may nag salita. “hi miss, pwedeng maki-upo. Wala na kasing ibang vacant table eh. Halos puno na lahat. Can I ?” tinignan ko sya. naka ngiti sya sa akin. “su-sure hehe.” Nagulat ako sa kanya. Bigla-bigla kasing sumusulpot.
“Thanks ” pagka upo nya. Nanlaki ang mata ko sa ginawa nga. Grabe, ka babae nyang tao ang lakas nyang kumain. Ang dami pa nyang Inorder. Saan napupunta yung kinain nya. Sa hugis palang ng katawan nya iisipin mong gulay lang ang kinakain. Anyare?
“Ayos kalang miss, ilang araw ka ba hindi na kakain ? parang one week ah” nakita kong natawa sya habang may spaghetti pa sa bibig nya. hindi ba sya na co-concious sa ginagawa nya. Ang gandang babae pa naman nya.
Bakit ko ba sya pinapakelaman. Malakas din naman akong kumain ah. Halos parehas lang kami ng in-order. Hayaan mo na, sabayan mo nalang kumain.
*Buuuurrrfff
“Hahaha!” nag tawanan kami ng sabay kaming dumighay.
“Grabe miss--?” sya. “claire” pag papatuloy ko sa sinabi nya. “grabe ka Claire. Iba ka rin. Ayaw mag patalo ah. akala ko syosyalin Karin kumain eh” Nagtawan ulit kami. “syempre no. ako paba? Tsaka di naman ako ganun kalakas kumain, konti lang. hehe. By the way anong name mo miss?”
“Michelle you can call me mich.”nakangiting sabi nya sa akin. Ang cute nyang tignan lalo na’t pag naka ngiti.
Nag kwetuhan lang kami ni mich. Madaldal sya infainess ang dami nyang topic na baon.
Parang mag kakasundo kami nito.
“Since. Transferee ako. at medyo mag ka vibes na tayo. Can we be friend? Wala pa kasi akong kilala dito eh. Ikaw palang.” ang cute nya talagang ngumiti. Siguro kung lalaki lang ako. niligawan ko na to. Ang ganda nya at cute pa ang sarap kurutin ang dalawa nyang pisnge. Ang lalaki parang siopao.
“Sure no problem basta ikaw.” Wala naman masamang maki pag friend sa kanya. Since magaan naman ang loob ko sa kanya. At maraming pagkakapareho. Like kanina love naming yung foods, mahilig din sya P-drama tulad ko at kung ano ano pa. basta marami kaming similarities baka pag inisa-isa ko yun. Malula kayo. Charot lang.
“Thank you Claire. And Dahil friend na tayo. Treat kita. Ano pang order mo?” seriously? Sa dami ba naming ng kinain namin hindi pa sya nabusog non.
Halos hindi na nga ako makatayo dito sa kinauupuan ko. tapos may take two pa. oh! Almighty god. Thank you for all your blessing. Pero busog na po ako.
“Seriously? Hindi ka pa nabusog dun? Oh my ghad! Anong tyan meron ka? Ouch!” yan ang daldal mo pa kasi yan tuloy sumakit pa tyan mo sa kabusugan. Natawa nalang sya sa tinuran ko sa kanya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Grabe habang sinusulat ko ang story na ito. May narealize ako. I realize that. My life is sooo boring. Hahaa! Grabe ilang taon narin ang lumipas ng paulit ulit lang ang ginagawa ko araw araw.
but sometimes i feel contented naman. ewan. basta may buhay mag pag asa. haha!
BINABASA MO ANG
Life of Being Single
Teen Fiction'Hindi ako bitter, Single lang' big deal ba ang pagiging single? kasalanan ko bang maging single? masaya naman ako kahit na single. bukod sa parent ko. wala ng iba pang nag didikta sa akin kung ano ba ang pwede kong gawin at kung pwede ba ako sa ga...