Chapter 11

13 3 0
                                    

"Tang*na Heart anong ginagawa mo dito?"
Nahahalata ko ang takot at gulat sa boses ni Mikee na lalong ikinapanginig ng tuhod ko.

"May inutos sakin iabot ko daw sa kanila"

Hinablot ako ng lalake sa braso at nanlilisik ang matang sinabi sakin na "Asan na ang pera ko?"

Nanginginig ang kamay kung dinukot sa bulsa ang lahat ng alahas ko singsing, relo, kwentas at bracelet.

"Wala daw silang cash lahat daw yan ay nagkakahalagang kalahating million" Mahinahon ang boses ko pero yung kalamnan ko nararamdaman ko na ang panginginig.

"Bwisit! Bibigyan nyo pa talaga kami ng trabaho! Itali yang babaeng yan, Ikaw"

May tinuro syang lalaki na agad namang lumapit.

"Alamin mo kung nagsasabi ng totoo tong babaeng to"

Inabot nya yung alahas sa lalaki at kumaripas na ng takbo.

Samantalang yung dalawang natira tinali na ako sa upuan ramdam ko ang pag kuskos ng lubid sa balat ko pero walang pag aray na narinig sa akin.

"Heart bat ka pumunta dito?" Madiing tanong sakin ni Mikee.

"Nakita kita eh, alangan naman hayaan kita" sagot ko naman.

May kausap sa phone yung boss nila mukhang masaya sya at ng matapos ang tawag lumapit sya sa amin.

"Kung san nyo man nadelihensya yung mga yun mukhang mamahalin talaga!"

Tumalikod na ito at akmang aalis na pero tumingin muna sakin ng nakakaloko nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan.

"Umalis na kayo sa bayang to payong pang kaibigan lang" Mahinahong nag salita si Mikee sa gilid ko.

"Pinagbabantaan mo ba ako bata?"

"Hindi pinagsasabihan lang kita tanda"

Maangas na balik ni Mikee.

Kita ang galit sa mukha ng lalaki, dumura ito sa harap ni Mikee at umalis na kasama yung dalawang lalake.

"Umusog ka dito Heart, idikit mo yung likod mo sa likod ko"

Madali lang akong nakakilos kasi hindi naman nakatali ang paa ko unlike sa kanila.

Mabilis nya akong nakalagan, ng makawala na ako naiiyak kong kinalagan ang tali ni Mikee tsaka yung kasamahan nya.

Pinilit kong wag tumulo ang mga luha ko kahit ang bigat na ng dibdib ko.

"Heart ihahatid na kita"

Paikaika syang lumapit, napailing ako habang tinitingnan ko ang kabuuan nya.

"Wag na mag pahinga ka na at linisin lahat ng sugat mo malapit na lang dito ang bahay pwede kong tawagan si Maxx papasundo ako sa gate"

Mukhang di pa sya papayag kaso tumulo yung dugo nya sa noo dahilan para mapaaray sya.

Nagmamadali ko syang tinakbo. May sugat sya sa noo, maga na din ang mata at putok pa ang labi nya di ko lang alam kung ano pang damage ang natamo nito sa katawan.

Yung kasama naman nya paika ika din pero walang gaanong sugat sa mukha.

Kinuha ko yung bag ko at nilabas ang first aid kit ko na lagi kong dala. Nakasanayan ko na lang dahil nga sa medical school ang dati kong school its a compulsary to bring medical kit.

Nakaupo sila sa upuan at nag papahinga di ko alam kung paano ko nalinis lahat ng sugat nila nang hindi umiiyak hindi naman ako kasing tapang ni Mary pagdating sa sugat.

Unfair SweetheartWhere stories live. Discover now