Chapter 07

2K 47 1
                                    

"Huwag kayong magtitiwala basta-basta lalo na sa mga taong malinis lang tignan sa panlabas na anyo." -- Kael Molari

CHAPTER 07

Kael

SIMULA kahapon na nagwalk-out si Kael mas naiinis na siya kay Sasha kaysa kay Miracle. Ang weird, parang kahit walang ginagawa si Sha kay Kael bigla na lang itong magagalit, kung minsan natutulala na lang kami sa ginagawa niya. There's something weird between them.

"Lewis, mag-iinuman lang ba tayo sa birthday mo?" Rinig kong tanong ni Miracle sa katabi kong si Lewis.

Magkahehelera lang kami ng upuan katabi ni Lewis si Kael, katabi ni Kael si Miracle at ang nasa huling upuan si Sasha. Nasa pinakalikod kami nakaupo para kapag magdadaldalan hindi kami agad mapapansin. Kapag college na kasi kahit saan naman pwedeng umupo depende na lang kung may sitting arrangement, wala pa kaming Prof ngayon dahil may meeting daw, siguro dahil kay Ms. Dela Vega usap-usapan na kasi ang tungkol sa kanya rito sa Univ. Ang tsismis talaga parang hangin ang bilis malanghap ng mga tao.

Itinuloy ko lang ang paglalaro sa cellphone ko at nanahimik habang patuloy lang sa pag-usap sina Lewis at Miracle.

"Ano bang gusto niyo? Syempre kakain din tayo saka habang umiinom, movie marathon o kwentuhan." Sagot ni Lewis.

Pinause ko ang nilalaro ko at simpleng tumingin sa kanila, nahagip agad ng mata ko si Miracle na nakatayo habang hinahatak ang upuan niya papalapit sa gawi namin ni Lewis. Busy sa pagbabasa ng libro si Sasha at si Kael naman naka-earphone lang habang nakapikit at nakasandal ang ulo niya sa sandalan ng upuan.

"Hindi naman exciting iyan!" Singhal niya nang nasa harap na namin siya. Marahan siyang umupo habang nakangisi. "College na tayo kaya dapat mas exciting!" Humagikgik pa siya habang nakataas ang kaliwang kilay niya.

"Nako Miracle ano iyang exciting na iniisip mo!?" Sabat ko sa kanila. Bigla siyang napatingin sa akin at ngumisi.

Muli siyang bumaling ng tingin kay Lewis. "Basta! Sa birthday mo na lang." Usal niya nang titig na titig sa mga mata ni Lewis.

Simple kong tinignan si Lewis at nakatitig din ito kay Miracle, muli akong tumingin kay Miracle na nanatili lang nakatingin kay Lewis. Sandali kong pinagmasdan ang mga mata niyang sobrang lalim kung makatitig. Mabilis kong tinignan muli si Lewis na para bang natulala kay Miracle. "Huy." Tawag ko sa kanya at agad naman siyang nag-iwas ng tingin.

Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa hanggang sa napako ang tingin ko kay Miracle. Sa bawat pagtingin nila parang may kakaiba lalo na sa mga titig ni Miracle, nanatili pa rin siyang nakatitig kay Lewis hanggang sa dahan-dahang sumilay ang pagngisi sa kanyang labi, habang nakatitig ako sa kanya ngayon ko lang napagmasdan kung gaano siya kaganda. Manipis at natural na pula ang labi niya, matangos ang ilong at ang hugis ng mukha niya bumagay sa kanya. Maganda si Miracle pero lalo siyang gumaganda kapag tinititigan, para bang nagkakaroon ng magic sa mata ng taong tititig sa kanya, nakahihipnotismo... Kahit ako, hindi ko maiwasan titigan siya.

Demon's Game Nightmare (COMPLETED)Where stories live. Discover now