Chapter 2

923 16 2
                                    


"When was the last time you did something romantic?" Pagkabasa ko sa message ni gf, agad naman akong napaisip. Kelan nga ba?

"Last night." sagot ko at gumulong-gulong sa kama.

"Really? What was it?" Usisa niya.

"Took a long romantic walk." Yun ang pagkakaalala ko.

"To where?" Napakachismosa talaga ng babaeng to.

"the fridge." Sinagot ko naman 'yon ng matino.

Di na ito nagreply. Ano kaya nangyare? Maya-maya ay nagring ang phone ko.

Gf calling..... napangiti ako.

"Yah!" bungad ko n'to. Narinig ko ang paghinga n'to. Sobrang lalim na akala mo'y nakipagkarera sa kabayo. "Hey! You okay?"

"Gf! Loko ka talaga." natatawa pa ito habang nagsasalita. "That was really a good joke. Halos di na ako makahinga." Natatawa parin 'to.

Ano bang pinagsasabi nito. Hindi naman ako nagjoke kanina.

"What are you talking about?"

"Nevermind." natatawa parin ito. Loko talaga. Nabaliw na ata ng tuluyan. "Anyway, let's go out tomorrow, my treat. See you." and she hung up.

Tsk! Pano kung hindi ako pumayag, bigla-bigla nalang akong papatayan nun. Hindi na nagbago.

Napafacepalm ako, I think I should cancel all my appointment for tomorrow. Knowing her, she will never accept No for an answer.

Saka, minsan lang naman e at namiss ko rin 'yong bonding namin.

Alas otso na nung ako'y nagising. Tinatamad pa akong bumangon, pagulong-gulong ako sa kama ko. Naalala kong kailan ko palang tawagan ang aking secretary. Agad naman niya itong sinagot. Sinabi ko sakanya ang dapat niyang gawin dahil ako muna ay mag-leleave. Mwehehehe.

"And oh! Maghalfday ka at magpahinga. Ciao." I ended the call.

Nagring na naman ang phone ko, sa gulat ko ay halos mapatalon ako sa aking kama. Sheyt.

Gf calling......

Agad ko naman 'tong sinagot. Bilis makamiss ng gf ko. "Sup?" Cool kong bungad.

"Open the door." walang gana nitong sabi. Whut? Kakanta ba 'to ng open the door? Napahagikhik ako sa aking na isip. Pano, na e-imagine kong sumasayaw si gf nun. Alam niyo yung kantang 'yon? Sa pagkakatanda ko isa 'yong kpop na kanta. "Why are you laughing?" ang seryoso naman ng babaeng 'to.

"Problema mo?"

"You." narinig ko ang pagbuntong hininga n'to. "Just open the door, I'm at your condo." at dahil do'n napatayo ako. Wtf! Dali-dali akong nagtungo sa maindoor.

Mura ako ng mura. I'm so dead! Nakalimutan ko 'yong usapan namin kagabi. Iiyak na ba ako? Alam kong galit na ito sa akin, or nagtatampo lang? Ang bad ko T^T

"As I was expected." Sabi nito nung tuluyan kong buksan ang pinto. "Kakagising mo lang, noh?" tumango-tango ako at nagpout. Uso talaga 'yon dito sa watty. Nyehehehe.

"Kanina ka pa?" She just shrugged her shoulder. Pumasok 'to habang ako ay nakasunod lang. Feeling ko ang laki ng kasalanan ko. 'BAKIT?!!!!!!!'

"How long have you waiting outside?" napapa english tuloy ako.

"Nah! It doesn't matter." Walang gana nitong sabi. Waaaaahh! Natatakot ako. Kahit bestfriend kami, natatakot ako sa side niyang 'to.

Nag-isip ako ng ideya. Then, teeeengggg! Light bulb.

LGBTQ Series #3: Kissed (gxg)Where stories live. Discover now