Chapter 3

286 9 5
                                    

"Ma naman! Ayoko nga sabi." atungal ko. Pano, pagkadating nila 'yon agad ang bungad sakin.

Keso magboyfriend na daw ako. Baka raw tatanda akong dalaga. At ayaw nila mangyare 'yon. Sabi pa'y siya na raw maghahanap ng jowa ko.

Naku naman. Ayoko nga. Alam niya naman na ayoko muna sa mga ganyang bagay. Yung iba nga diyan pinagbabawalan 'yong mga anak nilang magjowa tas ako pinipilit.

"Tignan mo 'yang kuya Steven mo. May baby na. Aba! Hindi mo alam gaano kasaya kami ng tatay mo ng mabalitaan 'yan. Naku! Eksayted na akong makilala ang magiging daughter-in-law ko." Halata ngang eksayted 'to.

"Mabuti nga sakanya 'yon, e. Babaero kase, kaya Ma! Pagsabihan mo 'yang si kuya pag 'yan nangaliwa naku! Puputulin ko talaga ang dapat putilin." Gigil na sabi ko.

Ilang beses. ko ba namang makitang nagmamake out sila ng sekretarya niya, sa office pa.

Maririnig ko nalang 'yong ingay na nanggaling sa kabilang kwarto. Ang kati.

Sound proof 'yong office namin ngunit hinati lang 'yon kaya maririnig ko pwera sa labas ng office namin. Mapapamura ka nalang sa ingay nila. Nagsogo nalang sana sila. Istorbo, e.

"Gawin mo talaga 'yan anak. Aasahan ko 'yan sayo." Natatawang sabi ni Mama. Si Papa naman nakitawa lang.

"Nga pala Kamryn, kamusta ka r'to? Ayos ba 'yong takbo ng negosyo ? Hindi ka ba nahihirapan?" tanong ni Papa.

"Ayos naman po. Kaya lang si Kuya panay babae ang inaatupag kaya na stress ako sa mga naiwan niyang trabaho." Maktol ko na totoo naman.

"Iyan talagang kuya mo hindi na nagbago. Ako na bahala sa bagay na 'yan." Tugon niya.

Yes! Makakaganti narin ako sayong tamad ka. Bwahahaha! Bulong ko sa aking sarili.

Hindi ko mapigilang ang ngiti hanggang sa pag-uwi ko sa condo. Yung ngiting abot hanggang tenga tila ba malaya na ako sa kapaguran.

Hindi sa hindi ko gusto 'tong trabaho ko sa totoo nga'y I love my job pero kase sa sobrang stress ko apat na oras na lang 'yong tulog ko. Minsan na nga lang akong tumanggap ng proyekto dahil walang ibang mag-aasikaso sa negosyo ng pamilya namin kaya samantalang tumigil muna ako.

Buti nga'y kaya pa ng katawan ko. Tambak ang mga iniwang trabaho ni kuya. Pasalamat nga akong dumating si gf, e. Nabawasan 'yong stress ko.

Nagring 'yong phone na agad ko namang sinagot, "Yes?" Narinig ko ang pagbuntong hininga sa kabilang linya.

Tignan ko 'yong screen ng phone. Si gf pala. "Gf? You there?"

"Tara bar." Aya n'to. Ang aga pa para magbar, ah. Baka nay problema ang isang 'to. Dalawang araw na kaming di nagkikita at nagkausap, e.

"Okay. Send me the address. See you later. Mwaaah." I ended the call.

The whole time si gf 'yong iniisip ko. Nakakamiss din 'yon, e. Ilang araw din kaming hindi nagkita. Bigla-bigla nalang mawawala at susulpot. May lahi 'yong kabute, e.

Pagdati ko sa nasabing bar, automatic na hinanap siya ng mga mata ko. Nilibot ko ang mga tingin ko and hindi naman ako na bigo, I saw her sa bar counter.

Lumapit ako at nag-order, "Tequila, straight." sabi ko at umupo sa tabi niya. Agad ko 'tong ininom at nilingon siya.

"What happened?" Nagulat pa ako sa etchura niya. Hawak ko 'yong pisngi niya na parang sinusuri ang buong mukha niya.

"I'm fine." She smiled bitterly.

"Ano ngang nangyare? Ba't ang laki niyang eyebags mo? Maputla ka pa. Tell me, what happened?" nag-aalala kong tanong.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 15, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LGBTQ Series #3: Kissed (gxg)Where stories live. Discover now