The Tale of the Four Crystal

1.4K 21 1
                                    

»E X T R A S«

"The Tale of the Four Crystal"

***

»Third Person Point of View«

Sa Mundo ng Ferrenoia, ang pangalawang mundo na ginawa ng May Likha. Kung saan nababalutan ng mga mahika, may anim na templo na ginawa ng mga mamamayan na kung saan sumisimbolo sa kanilang mga Diyos at Diyosa. Una, ang Templo ni Queerie na siyang nakatayo sa dulo ng talampas sa Gypsian Sea, ang kay Foullco naman ay nasa paanan ng Bulkang Cariño, ang templo naman na itinayo sa tuktok ng matayog na bundok sa Grandishta ay sumisimbulo sa Diyos na si Aerus, sa Great Plain naman ay nakasentro ang templo ng Diyosa na si Gi. Habang sa puntod ng mga yumao makikita ang templo ni Morte. At ang huli, ang templo na kung tawagin ay Oasis ay itinayo sa pinakasentro ng mundo ng Ferrenoia, sa Delas Grande. Ito ang pinakamalaki sa lahat sapagkat nilaan nila ito para sa May Likha.

Karaniwang doon nagtitipon-tipon ang limang Diyos at Diyosa ng Ferronia upang makapag-usap, at magsalaysay ng iba't ibang istorya.

Sa pagsilip ng bukang liwayway ay unti unting lumiwanag ang templo sa Oasis tanda ng pagtawag ng May Likha sa kanyang limang tinalaga upang bantayan ang pangalawang mundo.

Lumakas ang alon sa isla, kumampay ito sapat na upang humalik sa lupa ang tubig alat, sa paglapat ng maalat na likido sa buhanginan ay nagwangis katawan ito ng isang babae, kulay bughaw ang kanyang mga mata at sa pinakasentro nito ay isang kadiliman na waring ito ang pinakapusod ng dagat, ang kanyang mala-alon na buhok na lagpas hanggang bewang ay nakalatag sa kanyang balikat patungo hanggang tiyan upang takpan ang dibdib nito. Katuwang ang isang halamang dagat ay nakatabing ito sa ibabang bahagi ng katawan ng Diyosa. Kagaya ng isang banayad na tubig ay marahan siyang naglakad patungo sa templo.

Doon sa templo ay biglang nagwatak ang lupa, nabiyak ito at tumilampon ang ilang tipak. Mula roon ay lumipad ito sa ere at nagbigkis, sa tulong ng mga gumapang na baging ay nabuo ang isang estatwa. Hanggang kalaunan ay nagkaroon ito ng mukha, mula sa tuyong lupa ay nagkahulma ito ng isang batak ma katawan at malambot ngunit maiksing itim na buhok. Sa pagmulat ng talukap nito ay tumambad ang dalawang kulay na mata nito, ang isa ay tsokolate at ang isa ay berde. Pinulot niya ang dalawang baging at tumigas ito na nag-anyong setro.

Kasabay ng pagputok ng bulkan ay ang paglabas ng isang malaking tipak nang nagbabagang putik sa ere, sa tulong ng malakas na pwersa ng hangin ay tinangay ito papunta sa Oasis. Sa paglapag ng tipak ay unti unting pumorma ang mga likido nito sa anyo ng isang lalaki. Napaligiran ang katawan niya ng nagbabagang likido na kalaunan ay nawala rin at napalitan ng nga malalambot na balat.

Ang hangin naman na tumangay rito ay walang tigil na umikot hanggang sa nakabuo ng isang ipo ipo, sa paglabas ng isang nilalang sa ipo ipo ay nawala ng parang bula ang pwersa ng hangin. Ngunit bakas sa mahaba nitong buhok na pinapaligiran siya ng pwersa dahil hindi man lang nakababa ang mga ito, sa kabilang banda ang kasama nitong nilalang na galing sa bulkan ay bakas ang galit at mabibigat ang mga yabag dahilan ng pag-iwan niya ng bakas sa kanyang nadaraanan, nagbabaga ang kanyang mga paa.

Nagkatinginan ang apat ng magtagpo sila sa loob ng templo. “Gi, bakit ganyang ang iyong wangis?” tanong ni Aerus sa Diyosa.

“Masama bang palitan ang aking katawan? Tayo ay mga pwersa at hindi mga nilalang, walang pormal na katauhan. Pawang kapangyarihan. Kung kaya't nais kong sulitin ito. Ngayon ko lang naranasan na mayroong bagay sa aking ibaba! Kakaiba sa pakiramdam!” balak nitong hawakan ang kung ano man ang nasa pagitan nito ngunit napigilan siya ni Aerus, may malakas na pwersa na nagpigil sa kamay ng Diyosa. Umirap naman si Gi at nag"maktol sa tabi dahil sa nangyari.

Secret Academy: The Mysterious World [ On Revision️]Where stories live. Discover now