Tale of the Phoenix

818 17 1
                                    

»E X T R A S«

"The Tale of The Phoenix"

***

»Third Person Point Of View«


Sa malayong banda sa dulo ng kalangitan kung saan hindi mapuntahan nino man ay naroon nakatatag ang isang lumulutang na palasyo, gawa ito sa pinaghalong ginto, pilak at tanso. Sa lubos na natatanging ganda ay wala man lang mga tao o kahit ano nilalang ang naroroon maliban sa dalawa, ang isang ibon na nagninigas ang buong katawan, malaya siyang nakatayo sa baluster habang tinitingnan ang kaganapan sa ibaba, sa pangalawang mundo na ginawa ng kanyang amo. Ang May Likha.

Silang dalawa lamang ang laman ng Kastilyo dahilan para ito ay manatiling tahimik at tila tirahan ng mga multo.

Habang nagmamanman siya sa ibaba ay naalala niya ang dati nitong tagpo, naalala niya ang masaya at magandang pakikisama ng lahat. Ang mga awitan at sayawan na pinapakinggan at pinapanood niya magdamag. Ang mkukulay na mga pailaw sa tuwing sasapit ang dulo ng buwan, ngayon wala na ang mga ito.

Ang dating buhay na mga mata ng mga nasabing nilalang ay napalitan ng hinagpis at galit. Ang dating lugar ng kasiyahan ay ngayon ay isa ng pook na kung saan dinadaos ang madugong labanan. Wala na ni isa ang gumagamit ng kapangyarihan para sa ikakaganda at ikakasaya ng lahat kundi ginagamit na nila ito para protektahan ang sarili o di kaya ay pumaslang...

'Ano na ang nangyayari dito... Wala na rin itong pinagkaibsa sa unang mundo na ginawa ng aking mahal na Amo.'

Pinahid niya ang nagbabadyang luha sa kanyang mata, gamit ang nagliliyab na pakpak ay tinuyo niya ito kahit hindi pa man lumalapat ang mga bagwis nito sa luha, ay unti unti itong natunaw.

“Nakakalungkot...” narinig niya ang tinig ng kanyang Amo. Lumipat siya sa kanang balikat nito at dalawa silang timingin sa ibaba.

Mapait na ngumuti ang May Likha. “Saan ba ako nagkulang? Sagana naman ako sa pamimigay ng biyaya... Hindi ko naman sila pinapabayaan. Akin pa nga silang hinandugan ng kapangyarihan pero hindi pa ba sapat ang biyayang pinagkaloob ko at naghangad pa sila ng mas higit!”

Hindi nagawang umimik ng ibon dahil nararamdaman niya ang pinabggalingan ng kanyang Amo. Hindi niya alam kung anong salita ang magpapagaan sa pakiramdam nito.

Ayaw niya sabihin ang punot dulo kung bakit nangyari ang mga bagay bagay, dahil ayaw niya manisi. Ngunit ayaw din naman niya sisihin ng kanyang amo ang sarili dahil sa kaguluhan.

'Walang nagkulang, siguro ay nasobrahan lamang. Kaya naghangad sila ng mga bagay na sa tingin nila ay nakukulangan sila... Siguro nga tama sila, lahat ng kulang ay masama, ganoon din kapag sobra. Lahat ay napapahamak.'

“M-mahal kong amo may naisip akong solusyon... Tutulungan ko sila”

“Hindi... Huwag mo gawin, hindi mo na sila kailangang tulungan. Dahil maski ang mga Diyos mismo hindi nagawan ng paraan ang kaguluhan at patayan, hindi nila nagawa ang kanilang responsibilidad!” bakas sa mga mata niya ang galit, nag-aapoy ang kaloob-looban ng May Likha.

Pumasok sila sa loob at doon naghihintay ang apat na Diyos at Diyosa. Sina Aerus, Queerie, Foulco at Gi. Agad silang lumuhod at yumukod ng makita ang May Likha. Rumehistro ang takot sa mga kalooban nila ng maramdaman ang nakakatakot na aura na bumabalot sa buong silid, at alam nila kung kanino galing iyon.

Agad na lumipad nag ibon patungo sa isang stante at doon bumaba, pinapanood ang pangyayari.

“Ahh!!!!” biglang bumagsak sa sahig ang apat, unti unti silang nalulusaw, natutunaw, naglalaho at nagyeyelo...

Secret Academy: The Mysterious World [ On Revision️]Where stories live. Discover now