kabanata 9

1.2K 65 5
                                    

"San ka galing ..? Tanong ni Andrea sa kanya ng una siyang nakita pagbaba nito ...

Nakayuko itong nilampasan si Andrea at hindi kumikibo..

Habang Nagkasalubong naman ang mga kilay ng kanyang kasama habang sinusundan siya ng tingin..

"May ! Akala ko ba first day of school mo ngayon..???". Singasing niya dito,at dahil dun nag.angat ng mukha si mayang..

"Teka! Nakalimutan ko..!". Kaya agad niyang tinapunan ng tingin niya si anding .."oi! Salamat..!". Pagkasabiy agad siyang mabilis na kumilos, patakbo niyang tinungo ang banyo at nagligo..
.
.
.

Matapos ang isang oras,ay nakahanda na ito.

May sukbit na bag sa kanyang likod,naka-suot siya ng kupas na pantalon at black T-shirt na may print ni hulk sa gitna,pero syempre di pwede mawala ang luma niyang rubber shoes na minana niya pa sa kanyang Kuya..

"Ready na....!". Ngali-ngali siyang lumabas ng palasyo mula sa likurang pintuan,ngunit may bagay na pumipigil sa kanya,. Tiningala nito ang ikatlong palapag ng palasyo,kita mula doon ang veranda kung nasaan ang silid ng prinsipe....

Napalabi siya saka siya mabigat na pumasok ulit..

Pumanik ito sa ikalawang palapag at pumunta sa Kuwarto ni Edward,kinakailangan pa niyang magpaalam dito tungkol sa pag.aaral niya at baka hanapin siya nito ..

Mariin siyang napabuga ng hangin bago siya kumatok..

Ilang sandali ay pinagbuksan siya ni Alex ang kanang kamay ng prinsipe ,tinignan siya nito mula ulo hanggang paa..

"Langhiya..!!" Palihim niyang inisnaban,kitang kita naman kung paano siya hagurin ng tingin nito ,na para bang nagmumukha siyang basura sa kanyang harap..

Ngunit pagak siya nitong nginitian, yung ngiting pilit na pilit..

"May kailangan ka Marydale..!". Tanong nito sa kanya ,hindi siya nakasagot agad, busy siya sa paglingap kung nasaan si Edward, palinga-linga ito upang hagilapin ito sa paligid, eh siya naman talaga sadya niya duon,.tumangkayad si Mayang ng nakaharang sa pinto ang katawan ni Alex na medyo may katangkaran rin,..

Di na naiwasang lumingon si Alex kung saang direksyon malikot na umiikot ang mata ni Marydale..

Ngumisi ito sa kanya.." Ang Prinsipe.!". ,nagulat siya..!" Huh???..".

Ipinilig ni Alex ang kanyang katawan, saka nakita niya ang prinsipeng naka-talikud, suot ang itim na toksedo ,mukhang maylakad ito,pero tulad niya first day of work ngayon ni Edward bilang kahalili ng Royal family as one of the economic expert ng gobyerno ng Maindale..


Ngunit sa harap naman nito naka-pwesto si Prinsesa Loisa na tila inaayos nito ang kanyang kurbata, ngunit bahagya siyang napatigalgal sa eksenang iyon,.Ang bilis naman nilang naging okay..


"Marydale! Where are you going??!". Napapitlag siya ng tinukoy siya ng Prinsesa..!". Sinikap niyang kumalma,kahit pakiramdam nito naiirita siya sa nakita,..". Magpapaalam lang po sana ako kamahalan..!! First day of school ko po ngayon..!". Matabang niyang tugon

Pinihit ng prinsipe ang kanyang beywang upang humarap kay mayang, at tulad ni Alex,masilan na hinagod nito ng tingin ang kanyang Porma..saka ito malukong ngumisi.."A-akala ko mamalengke ka..!". Seryoso ngunit may halong panunudyo ang Boses niya..

Halos masamid si Alex dahil pilot nitong pinipigil ang tawa,kung wala lang tong dalawang to! Ay talagang tutuktukan ko to sa bumbunan tong letcheng Edward na to.." Gagad ng utak niya..

napakagat-labi nalang Si Maymay,sinikap niyang magtimpi,hinintay niyang humupa ang saya ng dalawang lalaki sa pang.aasar sa kanya bago siya muling nagsalita..


"Six hours po ang klasi ko Prince Edward,Monday to Friday ,..!"

"Really.. Marydale..aku rin first day ko sa Hogward ngayon, kumuha kasi ako ng units sa cooking para matutu akung magluto..ikaw?saan ka papasuk. .!!". Tanong ng prinsesa sa kanya..



"Ah.eh..E-eehh..!". Bigla siyang nag ka-bikig sa lalamunan.." S-sa H-hogward din po..,may scholarship po ako..!".

"Gusto mo sumabay ka na sa akin??"

"A-ahhhh H-hoo ?? K-kung pede po..!!". Piyok ang tinig niya

Ngunit ..biglang bumuhay ang dumadagundong niyang dibdib ng humakbang papalapit sa direksyon niya si Edward, bigla siyang umiwas dito dahil batid niyang nakasentro sa kanya ang mga mata nito..

"Good luck..!!". Palihim siyang binulungan ni Edward matapos siyang lampasan,mariin siyang napalunok,sumulak bigla ang dugo niya ..


"So Let's go na..!" -pukaw ni Loisa, tumango si Marydale sa kanya..
.
.
.
.

Masisinsinang pinagtitinginan ng lahat ng estudyante sa Campus ang mga bagong dating...

Syempre dahil iyon kay Loisa as if namang siya,dahil kung kumikinang ang kanilang mga mata ng nakita ang prinsesa ay kasing talim naman ng espada kung sipatin siya ng iba,na para bang pinagmumukha mismo sa kanyang mukha ang malaking agwat ng estado nila sa buhay..

Hindi na ito nagpaalam pa kay Loisa dahil sa mahihigpit na guards,nahirapan pa itong lumusot dahil ilang minuto nalang late na ito sa unang subject..

Nasa special class ang prinsesa di tulad niya nasa last section,ngunit mainam na iyon para sa kanya dahil nakakahiya kung magkakaklasi pa silang dalawa..


Tahimik itong umupo,kukunti pa lamang ang mga eatudyante sa loob ng classroom,medyo nakaramdan pa si Marydale ng kunting antok kaya nakatanghod ito sa kanyang upuan..

Ngunit napakislot siya ng may kumalabit sa kanyang braso,nag.angat ito ng mukha,at saka unang nahagip ng kanyang paningin ang lalaking may killer smile,katabi niya sa upuan ito.,iniwasan niya itong pagkakatitigan saka nilingap ang paligid..

"Nak ng tinapa,!!!!...."


Siya ang kaisa-isang Babae sa kaliwang row kung saan siya nakaupo,at puros babae naman sa kabilang row,gusto pa sana niyang lumipat ngunit nasa harap na ang kanilang prof. At iniisa-isa tinawag ang lahat para sa attendance.

How To Love a PRINCE IIWhere stories live. Discover now