kabanata 14

1.2K 84 10
                                    

Naabutan nina Andrea at Maymay ang prinsipe na nakaupo sa kabesera ng mesa na kumakain mag-isa..

Di niya agad napansin ang dalawang kararating dahil nakatuon ang atensyon  nito sa pag-dutdot ng tinidor sa ulam na nasa kanyang harapan..

Siniko si Marydale ni Andeng at ininguso ang prinsipe,.
Napangiwi siya sa ginawa niya tila kasi nilalamyida siya nito ...

"Lapitan mo...!".  Pasimpleng bulong nito sa kanya .

Nagkandahabahaba ang kanyang nguso! Eh bakit naman niya ito lalapitan , halata namang nanlalata and hitsura ng Prinsipe,malamang Hindi ito maka-usap ng matino,..

"Oh kayo ?? Anung tinatayo-tayo niyo dyan..??".    Panabayang napapiksi ang dalawa sa tawag sa kanila ni Cynthia ,hindi man lang namalayan nila ang pagdating nito,.

Kasabay nun ang pag-angat ng mukha ni Edward ,nasalo ni maymay ang malamlam niyang mata at walang ka emo-emosyong mukha ng nadako and mata niya roon .

Sinikap niyang wag itong pakatitigan at inilihis na lang niya ang tingin patungo Kay Cynthia na halatang tumitirik ang mata..

"Eh di ba dapat,nakapag-empaki na kayo ngayon!-- wag niyong sabihing paghihitayin niyo pa ang prinsesa at ang prinsipe..??".  Nakapamiywang niyang palatak..

Parehong umarko ang kilay nina Marydale at Andrea saka sila nagkatingin..!!

"Ano daw??".  Walang ka edi-ediya ang dalawa tungkol sa sinabi ni Cynthia." Oh ano na?? Magtititigan na lang ba kayo Jan?.".    Humihingal na sa inis ang babaeng tatanda na atang dalaga ..

"Hindi sasama si marydale Cynthia, may pasok siya..!".   Mahinang pakli ni Edward na nanatili parin sa kanyang posisyon..

Bumaling ang maldita sa prinsipe, "there's nothing to worry prince! Nagawa na naming ipagpaalam sa dean nila si miss. Entrata para makasama siya sa outing ninyo ni Princess Loisa.. "

"Outing??? Halos pawian ng ulirat sina andeng sa narinig,bago nila naidikdik sa parehong isip ang planong iyon..

Muli silang tinapunan ng atensyon ni Cynthia.."So!! Bilisan niyo na ang kilos at any minute from now ay aalis na kayo for a short vacation..!"

Kaya di-mag kandatutu ang dalawa kung paano nila mapapabilis ang kilos..
Ngali-ngaling silang nag tungo sa kanilang silid at nag.empaki ng kunting damit..

"Teka saan ba tayo pupunta..!!".    Tanong ni Andeng..

"Hindi ko Alam..!". Sabay kumibit-balikat niyang tugon.
"Halika na bilisan na natin..!...
.
.

Pagkatapos ayosin ang lahat ng dadalhin sa loob ng kotse ay nagtipon na sa malawak na garahe ang lahat ng sasama,.

Bukod kina Andeng at may may ay kasama rin si Alex at sa iisang sasakya silang tatlo, habang magkahiwalay naman sa kanila sina Edward at Loisa gamit ang sports car ng Prinsipe..

"Oh! Ayan na siya..!".    Halatang ipit ang Boses na saad ni Andeng Kay mayang, inuuga nito ang braso niya dahil pinipilit niyang pinipigil ang sarili nitong kilig ng lumabas ang prinsipe mula sa maindoor na may escort na guwardya..

Kahit napaka-simple ng awra ng binata ay di - maihuhulas ang gandang lalaki nito,
Nakasuot lang ito ng blue-faded jeans, Black shirt at naka- sunglasses..

"Oh my! Kahit ang init ngayon, ang cool niya pa rin.. ". Usal ulit ni Andeng sabay yakap ang sarili.

"Hoy! Tumigil ka nga!.."     Alo naman ni marydale dito.

"Eehhh.. Jelly..!"
Lingid sa kanilang kaalaman ay palihim na pinagmamasdan ni Alex ang kanilang kulitan,at lihim din nila itong napapangiti..

At ilang sandali pa ..

"Let's go na!!". Patakbong nakatalima si Loisa Kay Edward,.

Napatanga naman ang dalawang dalaga sa ka-sexyhan ng prensisa, halatang pinaghandaan niya ito ng husto.

"Grabi noh! Dyosa talaga siya..!". 

"Pero mas mahaba ang hair mo sa kanya..!".   Sabay kabig ni Andrea sa kanyang balikat at iginiya sa pinto ng kotse kung saan sila sasakay
.
.
.

Nasa backseat pareho sina Marydale at si Alex naman ang mag.isa sa front seat kung saan siya naman ang nag.mamaneho,mataman lang nitong sinusundan ang itim na Ferrari ni Edward sa kanilang harapan habang binabaybay ang highway..

"Teka sir. Alex saan po tayo pupunta??.".  Di-nakatiis na tanong ni Andrea ..

Agad na ini-anggulo ni Alex ang rear view mirror ng kotse upang duon sila nito susulyapan. ,." Sa isang Resort ni Governor Grey,!".   Tipid na naging tugon nito..

Wow ha!.. Resort talaga...
.
.
.

Sa ilang oras na paglalakbay sa walang katapusang daan ay di na namalayan ng dalawa na pareho silang nakatulog hanggang sa makarating sila sa mismong resort..

"Hey! Gising na mga binibini...!".    Malambing na pukaw ni alex matapos maiparada ang sasakyan sa parking lot..

Unang naimulat ni maymay ang kanyang mata,saka nito ginising si Andeng na nakasubsub sa kanyang likod..

"Hoy! Andito na tayo.."

Napapitlag si ito sa kanyang pagkalabit, pareho silang kusang napakilos ng isa-isa ng ibinaba ni Alex ang mga gamit sa compartment ng kotse,

Pagkalabas ng sasakyan ay di magkanda-ugaga ang dalawa kung paano ililibot ang ulo sa ganda at lawak ng resort..

May matayog itong hotel kung saan sila nakatingala roon..

Sa kabilang kaliwa naman makikita ang blue sea,at white sand na isa sa pinagmamalaki ng resort, pero kung ayaw namang magpatusta sa araw ay may indoor giant swimming pool din ito sa may kanang parte ..

Pero sabi nga hindi parti sa kanilang trabaho ang magbakasyon, kaya inumpisahan na ng dalawa ang pagbubuhat ng gamit patungo sa mga naka-reserbang kuwarto..

Syempre sa isang magarbong presidential suite ang dalawang VIP habang nasa ordinaryong silid lang sina maymay..

"May! Nag text na si Princess Loisa ,nasa beach na daw sila,sumunod saw agad tayo..!"

Kaaupo pa lang ni May may sa malambot na kama ng sabihin iyon ni Andeng kaya napatayo siya muli at napabuntong hininga.." Oh halika na!,baka may-ipag.uutos pa sa atin..!"

Agad silang umibis gamit ang elevator at tumungo sa beach..

Naabutan ng dalawang parehong nakatayo sina Loisa at Edward habang tahimik na pinagmamasdan ang sumasayaw na alon,.naka-hiwalay kasi ang mga ito sa mga ibang turista,.
Kapansin-pansin rin ang iilang security na naka-masid sa di-kalayoan..

"May! Andrea..!".  Tawag ni Loisa at saka sila kinawayan..! Lumapit ang dalawa sa deriksyon na iyon,.

"Look... Diba ang ganda..!".    Ang dagat ang tinutukoy nitong sabi matapos silang makalapit.

"Uo nga po princess..!!"

"M-may... Gusto mong manuod ng sunset dito??!".  Matabang na sabat ni Edward ngunit nanatili sa dagat ang kanyang tingin,.
Halatang napatigalgal si Loisa sa sinabi nito dahil namayaning katahimikan sa Sandaling iyon.

Mariin na napalunok si Marydale..

"Ano be nemeyn yen,kailangan ba talaga i-mention pa ang pangalan ko-..!" Nasa loob-loob nito

How To Love a PRINCE IIWhere stories live. Discover now