kabanata 22

1.2K 113 7
                                    

MATAPOS mahimasmasan ay kumalas sa pagkakayakap nito si Marydale,.namula ang kanyang pisngi at di makatingin ng diretso Kay Edward..

"Gusto mong sumayaw??!".  

"H-hindi ako marunong eh..!" Kimi niyang sagot.

"Hindi naman kailangan may choreography..!".  Pagkasabi ay maingat niyang hiniklat ang katawan ni mayang papalapit sa kanya,ikinawit nito ang kamay ng dalaga sa kanyang leeg at ang kamay niya ay nakadaku sa beywang ni Mayang .

Napapakislot na lamang si Marydale sa ganuong posesyon nilang dalawa,hindi tuloy siya makahinga ng gadaliri na lang ang layo ng kanilang mukha..

Tumungo si Edward upang magpantay sila,kaya naamoy ni Maymay ang alak mula sa bibig nito ....

Napagtanto nyang hindi lang pala siya ang naka-inum dito..

Muling nakalingkis ang pareho nilang katawan habang dahan dahang isinisayaw ng Prinsipe si Marydale habang tinutugtog ng banda ang..

🎼( You and Me by: Lifehouse )

Cause it's you and me
And all of the people
With nothing to do,
Nothing to prove
And it's you and me
And all of the people
And I don't know why
I can't keep my eyes off of you

Something about you now
I can't quite figure out
Everything she does is beautiful
Everything she does is right

Cause it's you and me
And all of the people
With nothing to do,
Nothing to lose
And it's you and me
And all of the people
And I don't know why
I can't keep my eyes off of

What day is it? And in what month?
This clock never seemed so alive

Tila siya isang kandila na unti-unting natutunaw sa harapan ng Prinsipe,Hindi niya maipaliwag ang nararamdaman sa mga oras na iyon, grabe ang pagtambol ng kanyang dibdib,at paglunok niya ng mariin,pakiramdam nitoy sinilaban ang kanyang magkabilang pisngi at nagtutubig na ang kanyang mata dahil sa init nito,Hindi naman siya nag ba-blush on ngunit tila pinaliguan siya nito sa mukha..

Dahan-dahang naglakbay ang kamay ni Edward,at tinalunton nito ang kanyang baba, maingat niyang inangat ang mukha ni may may na kaninay nakayuko, .

At sa di-inaasahang pangyayari ay sinalubong siya nito ng halik sa labi..

Napatigalgal si may may sa ginawang iyon ng Prinsipe,na Para bang senamento siya at di-siya makakilos..

Uo inaamin niyang nakainum siya pero,ramdam na ramdam pa rin nito ang lambot ng mga labi ni Edward..

Sa Simula ay nakalapat pa lang pareho ang kanilang bibig hanggang sa kumilos ng kusa ang labi ng prinsipe na tila inuudyok ang labi niyang sumabay na rin ..

Hindi niya alam kung sa alak pa rin ba o talagang ginusto na niya talaga ng mas hinigpitan ni maymay ang pagkakakapit sa leeg nito, tumangkayad siya upang magpantay ang kanilang taas habang sinusuklian ang halik na iyon,.

Kumalas lang sila upang kumuha ng hangin habang pareho silang hiningal sa eksenang iyon..

Napahawak si May may sa kanyang labi at bahagyang napaataras..

"S-sorry ...!".   Sambit niya...

Ngumisi ang prinsipe.." Bakit ka nagso-sorry..??".  Nakakunot nitong tanong

Napapitlag si Mayang ng may narinig na yabag ng paa papalapit sa kanya, agad siyang lumingon dito ng huminto ito sa may likod niya..

"Here's your order prince Edward..!".   Magalang na basag ng isang Waiter ..

Lumapit si Edward sa lalaki at kinuha ang bote ng whiskey at dalawang babasaging baso mula sa tray..

Matapos niyang kunin ay
Agad ding umalis ang waiter,..

Dahil sa walang mesa ,umupo sa lapag and prinsipe kasama ang bote ng inumin..

Tumingala siya sa dalaga na kasalukuyang nakatayo.." Samahan mo ako..!! "

Napabuntong hininga ang dalaga na kahit may kunting alinlangan siya,ay di niya magawang tumanggi kaya sumunod siya sa prinsipe..

Pagkaupo niyay sinalinan siya ng whisky ni Edward sa kanyang baso at binigay sa kanya..

Matapos sumimsim sa baso ay gumusot ang mukha ni mayang sa tapang ng Alak ..

"Tignan mo nga yang itsura mo,para kang nakainum ng suka..!".   Panunudyo sa kanya ni Edward ,.

"Malay ko bang ganito pala lasa nito..!".  Sabay Pinahid ng kanyang braso ang tirang alak sa kanyang labi .

"Kaya uminom ka pa..!!".   Sinalinan uli siya sa baso ,salitan ang pagtagay nito hanggang sa Ilang oras ang nakalipas naubos ng dalawa ang isang bote..,Panay sigok ni mayang at ,ramdam niyang babaliktan na ang kanyang sikmura..

Napasapo siya sa kanyang ulo.."N-nahihilo na Y-yata ako..!".     Boses niyang parang inaantok..

"Okay ka lang ..??".    Maayos ng bahagya keysa Kay marydale si Prince Edward,kahit may amats na rin ito

Nang dumako ang tingin ni mayang sa prinsipe ay bigla itong humahagikhik na parang bata.." Ang Pula ng muka mo Edward! L-lahat ata ng dugo mo umakyat na jan sa ulo mo ..??".  


"Medyo hagard ka na rin..!".  

"Hindi ah! .. Pero...--- N---nasusuka talaga ako ..!"

"Gusto mo bang sumuka dyan sa dagat..!?".  Seryoso niyang tanong Kay mayang..

Umiling ito habang tinatakpan niya ng kanyang kamay ang kanyang bibig.. "S-siguro babalik na ako sa kuwarto namin! Hilong-hilo na rin ako eh!! G-gusto ko ng humiga..!".    Pagkasabi niyay agad siyang tumayo,ngunit dala ng kalasingan ay nawalan ito ng balanse..

Mabuti nalang ay maagap siyang nasalo ng prinsipe.." Ihahatid na kita..!".  

Agad siyang pinangko nito sa kanyang bisig na para bang bagong kasal ang dalawa..!

"Oi.. T-teka!! Ibaba mo ako!! Lasing ka rin eh.. Baka matumba pa tayo..!!".  Tungayaw niya..

"Wag ka lang malikot Jan...!!".    

Napalabi si Marydale habang nakadantay ang tenga niya sa bandang dibdib ng binatang prinsipe, dinig na dinig nito ang bawat tibok ng puso ni Edward, hanggang ngayon ay di pa rin nawawala ang mabangong Amoy nito mula sa mamahaling pabango..

____________________________________

Pasensya na guys kung masyadong matagal ang UD kaya kumapos sa votes at comments..

Pero sana wag kayong magsawang basahin ito ..

And don't forget to votes or mag comments mga bai kung nagustuhan niyo.

How To Love a PRINCE IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon